Posts

Showing posts from May, 2020

New Abnormal

Image
Kalayaan!!! Charot lang. So eto na nga, finally na-lift na ang ECQ pero surprise GCQ naman tayo ngayon LOL. Alam kong sobrang excited na tayo ngayong lahat na makalabas at magawa ang mga dati nating nagagawa pero kailangan din natin sumunod sa patakaran para din naman sa atin iyon ang mahalaga kahit papaano "ay pwede na pala tayo lumabas" char. After more or less two months sa luob ng bahay finally nakalabas din ako para makalipat bahay, sobrang dami ng pinagbago pala ng mundo dahil sa pandemic na ito, akala ko ako lang nagbago e (ay wow!). Una kong napansin yung konting tao na makikita mo sa labas parang yung dati na kumpul kumpulan nawala na anlalayo na ng agwat ng mga tao, yung mga tindahan na dati palagi pasukan ng pasukan ang tao ngayon parang ang luwag luwag, bagong fashion trend ang face mask iba iba merong animal print, sakop pati ilong, plain color, kahit si Hello Kitty bumida at minsan may katerno pang headband. Nag adjust ang ibang negosyante, mga dati kong n...

Aray ku po!

Image
Sakit lang minsan sa damdamin kapag alam natin na hindi ganun ka patas ang mundo pagdating sa face value pwede nating palagpasin lang ito pero hindi pwedeng hindi pagusapan.  Oo "they get it easy" para bang everything is handed nalang, yung bagay na paghihirapan mostly ng iba pero para sa kanila madali lang nila yung makukuha kasi maganda o gwapo sila. Isang magandang halimbawa nalang ang pag vlog this days. Madame ang nangangarap maging vlogger kasi nga naman pa-tour, pa-video tapos kikita kana, para kang naka everyday work from home or kung travel vlog ka naman edi mas bongga every week travel di mo na masabi kung talagang work pa nga. Isa sa mga napansin kong trend para mas mabilis na makakuha ng audience at hindi ka gumapang muna sa lupa ay ang pagkakaroon ng bonggang face value sama mo na pati magandang katawan, hindi ko naman nilalahat kasi madame padin namang content creators na oh di ko sinasabing panget sila ah! Pero alam mo na hindi sila galing sa mayama...

You never know what you got til it's gone

Image
Buong linggo kana halos nag ma-migraine tapos dahil sa ECQ parang napaka emotional mo to the point na pinag-iinitan mo ng awayin ang jowa mo at gusto mo ng maglayas pero wala ka magawa tapos biglang parang may pasabog na kwento na darating sayo, lakas maka season ender ang peg diba kung baga sa mga Netflix series ngayon pina-climax muna sabay putol. Naranasan mo nabang mag resign sa trabaho? Siguro sa mga tulad kong may edad na sasabihin oo, naniniwala ako na sa nakararaming empleyado sa Pilipinas bihira ang mga tulad ko yung ginawa na atang hobby ang mag resign. Tipo bang may expiration ang sipag. Pero minsan kasi mapaglaro ang tadhana parang sa love, yung sinasabi nila sa mga manloloko na "darating din makakatapat mo makikita mo" ano ba ibig sabihin talaga nun? Ibig daw sabihin nun sa una yung mga bagay na hindi natin pinapahalagahan darating ang time or what they famously call as our karma na kapag mahal mo na ang isang tao o bagay ito naman yung iiwan ka o mawa...

Unfriended

Image
"Maging mapanuri!" iyan ang madalas na tag line tuwing election kapag pipili na tayo ng mga magre-represent sa atin sa gobyerno. Para sakin applicable din ito hindi lang tuwing eleksyon o kapag pipili tayo ng jojowain mahalaga din ito kapag pipili tayo ng kaibigan saka na natin alamin kung paano makakapili ng hindi chismosang kapitbahay LOL. Hindi mahalaga kung sila ay konti basta ang mahalaga sila ay totoo sayo at mahal ka. Yes para sa akin dalawa lang ang nakalistang qualification ko, para maging kaibigan ko wala ng kung ano ano pa pero alam mo ba na mahirap makahanap ng tao na meron ng dalawang ganyan sa isang kaibigan? Let me elaborate why. True friend. Simulan muna natin sa kaibigan na totoo, para sa akin hindi mahalaga kung magkapareho ba kami ng values kasi hindi ako masyado naniniwala sa kasabihang "tell me who your friends and I'll tell you who you are" andame kong smoker friends pero hindi ako smoker, andame kong friends na mahilig m...

𝓞𝓹𝓮𝓷 𝓬𝓸𝓷𝓿𝓮𝓻𝓼𝓪𝓽𝓲𝓸𝓷

Image
"𝓗𝓮𝔂! 𝓦𝓱𝓪𝓽 𝓱𝓪𝓿𝓮 𝔂𝓸𝓾 𝓫𝓮𝓮𝓷 𝓭𝓸𝓲𝓷𝓰 𝓵𝓪𝓽𝓮𝓵𝔂? 𝓘 𝓱𝓮𝓪𝓻𝓭 𝔂𝓸𝓾 𝔀𝓮𝓻𝓮 𝓳𝓾𝓼𝓽 𝓭𝓸𝓲𝓷𝓰 𝓯𝓲𝓷𝓮 𝓭𝓸𝓲𝓷𝓰 𝓽𝓱𝓮 𝓽𝓱𝓲𝓷𝓰𝓼 𝔂𝓸𝓾 𝓪𝓻𝓮 𝓮𝔁𝓹𝓮𝓬𝓽𝓮𝓭 𝓽𝓸 𝓭𝓸 𝓫𝓾𝓽 𝓻𝓮𝓪𝓵𝓵𝔂, 𝓱𝓸𝔀 𝓪𝓻𝓮 𝔂𝓸𝓾? 𝓗𝓸𝔀 𝓪𝓻𝓮 𝔂𝓸𝓾 𝓯𝓮𝓮𝓵𝓲𝓷𝓰 𝓵𝓪𝓽𝓮𝓵𝔂? 𝓗𝓪𝓹𝓹𝔂? 𝓢𝓪𝓭? 𝓔𝓶𝓸𝓽𝓲𝓸𝓷𝓪𝓵? 𝓘𝓽 𝓶𝓾𝓼𝓽 𝓱𝓪𝓿𝓮 𝓫𝓮𝓮𝓷 𝓪 𝓻𝓸𝓵𝓵𝓮𝓻 𝓬𝓸𝓪𝓼𝓽𝓮𝓻 𝓸𝓯 𝓮𝓶𝓸𝓽𝓲𝓸𝓷𝓼. 𝓟𝓪𝓲𝓷𝓯𝓾𝓵? 𝓗𝓸𝔀 𝓼𝓸? 𝓘 𝓱𝓮𝓪𝓻𝓭 𝔂𝓸𝓾 𝓱𝓪𝓭 𝓪 𝓹𝓮𝓻𝓯𝓮𝓬𝓽 𝓵𝓲𝓯𝓮 𝓷𝓸 𝓬𝓸𝓶𝓹𝓵𝓲𝓬𝓪𝓽𝓲𝓸𝓷𝓼 𝔀𝓱𝓪𝓽𝓼𝓸𝓮𝓿𝓮𝓻 𝓷𝓮𝔀𝓼 𝓬𝓸𝓶𝓲𝓷𝓰 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓪 𝓯𝓪𝓶𝓲𝓵𝔂 𝓶𝓮𝓶𝓫𝓮𝓻. 𝓣𝓱𝓮𝔂 𝓼𝓪𝓲𝓭 𝓽𝓱𝓪𝓽 𝔂𝓸𝓾 𝓪𝓵𝔀𝓪𝔂𝓼 𝓵𝓸𝓸𝓴 𝓰𝓸𝓸𝓭 𝓪𝓷𝓭 𝓷𝓮𝓿𝓮𝓻 𝓬𝓸𝓶𝓹𝓵𝓪𝓲𝓷 𝓼𝓸 𝔀𝓱𝔂 𝓪𝓻𝓮 𝔂𝓸𝓾 𝓲𝓷 𝓹𝓪𝓲𝓷? 𝓨𝓸𝓾'𝓻𝓮 𝓫𝓻𝓸𝓴𝓮𝓷? 𝓑𝔂 𝔀𝓱𝓸𝓶? 𝓐𝓷𝓭 𝓱𝓸𝔀? 𝓘 𝓱𝓪𝓿𝓮𝓷'𝓽 𝓱𝓮𝓪𝓻𝓭 𝓼𝓾𝓬𝓱 𝓷𝓮𝔀𝓼 𝓯𝓻𝓸𝓶 𝓸𝓽𝓱𝓮𝓻𝓼 𝓪𝓫𝓸𝓾𝓽 𝓽𝓱𝓲𝓼 𝓷𝓸𝓻 𝓪 𝓼𝓲𝓷𝓰𝓵𝓮 𝓹𝓸𝓼𝓽 𝓸𝓷 𝔂𝓸𝓾𝓻 𝓼𝓸𝓬𝓲𝓪𝓵 𝓶𝓮𝓭𝓲𝓪 𝓲𝓷𝓭𝓲𝓬𝓪𝓽...

𝓒𝓸𝔀𝓪𝓻𝓭 𝓱𝓮𝓪𝓻𝓽

Image
𝓒𝓸𝔀𝓪𝓻𝓭 𝓱𝓮𝓪𝓻𝓽  By : Pearl C.  At night I would be thinking about you About the things that should have been And how I long to feel your arms around me I am but a lonely soul without you But am a coward once with you I long to be with you on nights like this But dreads the fear I feel when I am with you My heart will forever miss you While my head will forever hate the thought of you I am nothing but a coward A coward that will always long for you

𝓙𝓪𝓬𝓴 𝓸𝓯 𝓪𝓵𝓵 𝓽𝓻𝓪𝓭𝓮𝓼 𝓶𝓪𝓼𝓽𝓮𝓻 𝓸𝓯 𝓷𝓸𝓷𝓮

Image
Asa punto ka ba ng buhay mo ngayon na pakiramdam mo ay nasa tama kang landas? Na ang mga ginagawa mo ngayon ay talagang passion mo at sigurado ka sa direction ng buhay mo? Good for you! Kasi ako hinde char ha ha. Kung magkakaroon siguro ng segment sa maalala mo kaya (MMK) ng paguluhan ng buhay siguro confident kong ilalaban ang buhay ko at baka may chance akong at least mag 3rd place. Hindi naman sa sobrang drama ko lang kundi sobrang dami ko lang alam gawin (ay oh si ati nagmamagagaling!) let me repeat alam gawin hindi ko sinabing magaling gawin magkaiba yun LOL. Hindi ko alam minsan kung isa ba itong gift or curse dahil una madali akong maka-adopt sa change at malaman ang kailangan for my role pero at the same time madali din ako ma-bore at malipat ang atensyon sa iba nanamang bago na pwede ko matutunan na minsan nagreresult ng isang sudden change and path nanaman sa buhay ko. Paano ba yun nangyari? Let's go back to the beginning of my work history year 2004 kung ...

Peace of mind and Self love

Image
Habang nagpe-pray kami kanina ewan ko ba bigla ko nalang naisip ang topic na ito, baka sign from God or maaring siguro kasi palagi sinasabi sakin ng friend ko na bigo ngayon na buti padaw ako merong self love, hindi niya alam selfish lang ako char! Truth be told madame muna akong pinagdaanan bago ko na-achieve ang ganitong level of peace and love sa sarili ko akala ng lahat napakadali lang yun gawin but in reality madame sa atin ang kinulang sa pagmamahal sa sarili kaya nga siguro maraming naaabuso ng mga partner nila, naabuso ng mga boss, naaabuso ng family and even friends. Ano ano ba ginawa para ma-achieve ko ito? Disclaimer lang, this works for me in achieving both peace of mind and attaining my self love it may or may not work for you kasi magkakaiba naman tayo ng situation and personality like for me I was born with a very strong personality in choosing between flight or fight I would choose the latter, nonetheless ito ang aking tips pili ka nalang ng kaya mo i-apply k...

Make amends

Image
Sobrang nakakatawa lang yung tiktok na napanuod ko hindi ko mapigilang hindi gawan ng blog. Sabi nya (not verbatim saka ng balikan ko di ko na makita ulit para pakinggan) "Here in the Philippines hindi mo kailangan mag-aral para maging Judge kasi lahat sila is judger because everyone is perfect". The man speaks the truth. Sa mundo natin ngayon parang napaka-hirap makagawa ng pagkakamali lalo nat nase-sensationalized sa social media, I mean hindi mo nga kailangan maging artista para mangyari sa iyo to. Kapag may binubugbog bago tulungan ng tao ilalabas kasi muna nila ang cellphone nila at kukuhanan ka ng video. Sad but true. Kaya sa mundong ang lahat ay perpekto paano ba natin matututunan na tanggapin ang mga sari-sarili nating pagkakamali. Tao ka lang na maaring magkamali. Although we can argue na hindi magandang dahilan na dahil tao tayo ay pwede na tayong magkamali pero in reality kasi si God lamang ang perfect at tayo ay talagang mas prone gumawa o makagawa ng...

Come back strong!

Image
Patapos na ang ECQ halos sa lahat ng parte ng bansa, pero may mangilan ngilan na naiwan under ECQ. Madameng relasyon ang talaga namang sinubok ng pandemic na ito pati na ang relasyon natin sa ating sarili. Hindi naging excuse ang pandemic para sa mga nagmamahalan na magkahiwalay sa halip ito pa nga minsan ang talagang sumubok sa tatag ng relasyon ng iba. Kaway kaway sa mga tigang dyan! Char. Para sa mga iniwan ng mga jowa nila ngayong pandemic at nag-iisip kung paano na nga ba ang buhay nila after since meron pa tayo ngayong tinatawag na "new normal". Ito ang mga tips na sana ay makatulong sa inyong mga kinain ang confidence dala ng pagkawala o pag ayaw sa iyo ng iyong walang hiyang ex jowa este ng iyong minamahal. It is not your fault. Ang pagtatapos ng isang relasyon matapos niyong ibigay ang lahat lahat ng inyong pagmamahal at effort ay hindi kasalanan nino man. Kailangan mo lang tanggapin na hindi kayo ang para sa isa't isa. Of course this is not th...

7 ways to ruin your relationship

Image
Gusto mo naba siyang mawala sayo? Pwes ito ang ilan sa mga helpful tips na talaga namang garantisadong sisira sa relasyon nyo. 1. Wag mo papansinin ang iyong jowa Siguraduhing maging busy at focus sa kung ano mang bagay ang nais mo gawin kapag nagtext sya sayo late kang mag-reply. Tandaan mahalagang maramdaman niya na hindi mo sya priority para ma-achieve ang goal!  2. Mag-sinungaling Isa pang garantisado at maaasahang paraan ay ang hindi pagsasabi ng totoo! Oo beshy alam kong bago lang ito sa iyong pandinig dahil ako lang talaga nakaisip nito promise very original char! Siguraduhing mali mali ang mga dahilang ibibigay na maaring magtanim ng pagdududa sa kanya. Magbigay ng mga misinformation kung nasaan ka ng mga oras na iyon at wag na wag sasabihing kasama ka ng iyong mga ka-tropa na nag inom sa isang bar na may mga kasamang bebot, mas mag-kakaigi kung may mga photos na mata-tag sayo for reference and evidence sa iyong Facebook.  3. Wag makikinig Ang h...

Lucky star 🌟

Image
Madami kabang Facebook friends? Eh followers sa Instagram? Kung oo aba ang galing mo isa kanang influencer char madame lang influencer agad. Pero para sa mga katulad kong simpleng tao sapat lang ang kanilang bilang para naman matuwa ako kapag nila-like at naappreciate nila ang aking mga post. Sobrang nakakainggit ang mga ganda ng lugar na napupuntahan ng iba kapag nakita mo sa kanilang social media, meron namang mga nagpapakita ng kanilang magagarbong sasakyan, bahay at gadgets or kung gaano ka perfect ang kanilang mga relationships ayon sa mga super sweet photos nila na sobrang perfect ang anggulo talaga namang mapapa sana all kanalang diba? Maganda din naman ang makasilip ng kaunti sa buhay ng iba lalo na at duon mo lang mararanasan na makita ang mga ganuoong kagagandang tanawin (wow deep di ba pwedeng lugar nalang?) o mga mamahaling gamit na sa picture o video mo lang talaga makikita. Kaya lang lahat ng sobra ay may masamang epekto. Break down natin isa isa para gumanda na...

Wedding day horror story

Image
Insert 98 degrees song : I do Cherish you For the rest of my life You don't have to think twice I will love you still From the depths of my soul It's beyond my control I've waited so long to say this to you If you're asking do I love you this much I do... 🎵 Ayan pak na pak ang kantang yan para sa inyong perfect wedding day na talaga namang masusi ninyong pinagplanuhan at ang iba pa nga ay pinagkagastusan. Lahat naman siguro ng babae sa mundo minsan sa buhay nila ay pinangarap na makapag suot ng white gown na sobrang ganda habang naglalakad patungo sa altar para pakasalan ang lalaking mahal niya. Everything seems so perfect diba? Kaso hindi. Sa dinami rami na ng kasal na napuntahan ko at naging abay ako hindi maaring walang kakaibang kwentong dala pag-uwi sa bahay kaya nga ito ang mga naging pamantayan ko sa araw na ako naman ang magpaplano ng sarili kong kasal. Ako po kasi yung tinatawag nilang ...

Cat fight

Image
Sobrang daming kaguluhan ngayon sa Pilipinas, daming may alam andameng mema andaming matatalino naglabasan na silang lahat, mas nakasama pa na quarantine tayo ngayon kaya lahat ng tao eh sadya namang na-convert sa pagiging keyboard warriors kaaliw. Kagaya ng iba meron din naman akong sariling opinyon sa mga bagay bagay pero hindi ko lang ito masyado inilalantad na sa social media kasi naniniwala ako na hindi magaling makipag debate ang pinoy na ang kahahantungan niyo lang eh hindi na kau magpapansinan after at ayoko din naman maubos friends ko sampu na nga lang sila charot! Ito mga bagay na sana ay iwasan natin kasi hindi siya healthy beshy promise! They listen so that they can respond Para sa akin ang healthy debate ay para pareho ninyo madinig ang punto per punto ng bawat isa maintindihan at possibly na tanggapin na mas okay nga ang opinion ng isa sa inyo. Pero ang Pinoy kasi makikinig yan at hihimayin punto per punto ang sinasabi mo hindi para mas maunawaan nya o mainti...

Owning it

Image
Pag-aasawa hays para sa mga naive kapag tinanong mo sila kung ano ito eto yung mga kadalasang isasagot nila sayo: "It is the most important day of your life because you will be with the person you love the most." "It's a special day for you and him to be as one." Pak! Napaka-romantic nga naman ano. Tinanong ko din yan sa mga estudyante ko ng nagtuturo pako and mostly but not all eh dyaan naikot ang sagot slight difference lang ng nasa college sa high school syempre. It goes to show that most singles idea of marriage is focused on the wedding day. Dreamy eyed pa nga sila habang sinasagot yan at ini-imagine na ata na pinakakasalan ang mga jowa nila na alam mo namang mag bebreak din sila after a couple of months char ampalaya ko lang sa part na yan! Pero syempre as much as I would like to preserve their innocence ay kailangan ko din sabihin sa kanila ang reality lalo na sa college students ko dahil mas malapit na talaga sila duon at ito din ang i...

Ang hot ko!

Image
"Grabe! Ang init naman sa pinas ngayon" "Feeling ko nasingaw yung init sa mata ko!" "Kailangan makabili tayo ng inflatable na swimming pool para makapag babad sa tubig" "Alam mo ano masarap ngayon halo halo" Yang mga yan ang naririnig ko ngayon sa bahay for the past three days. Hindi na nga mapipigilan ang pagpasok ng summer sa Pinas at ang pagiging quarantined sa luob ng bahay ay mukhang mas magiging challenging kumpara nuong malaya pa kami ng aking mga kakosa. Walang madaling mabibilhan ng mais con yelo, ice candy, halo halo sa ganitong panahon. Para sa may mga pera at access sa delivery maari silang magpadeliver ng milktea sa bahay nila pero para sa mga tulad ko na malayo sa mga bilihan ay sadyang napakahirap. Pakiramdam ko tuloy kasali ako ngayon sa Pinoy Big Brother at isa ito sa challenges ni Kuya. Hindi naman lahat ng resulta ng init na ito ay pangit unang una makakatulong ito para mas maiwasan ang pagkalat ng vir...