7 ways to ruin your relationship

Gusto mo naba siyang mawala sayo? Pwes ito ang ilan sa mga helpful tips na talaga namang garantisadong sisira sa relasyon nyo.


1. Wag mo papansinin ang iyong jowa
Siguraduhing maging busy at focus sa kung ano mang bagay ang nais mo gawin kapag nagtext sya sayo late kang mag-reply. Tandaan mahalagang maramdaman niya na hindi mo sya priority para ma-achieve ang goal! 


2. Mag-sinungaling
Isa pang garantisado at maaasahang paraan ay ang hindi pagsasabi ng totoo! Oo beshy alam kong bago lang ito sa iyong pandinig dahil ako lang talaga nakaisip nito promise very original char! Siguraduhing mali mali ang mga dahilang ibibigay na maaring magtanim ng pagdududa sa kanya. Magbigay ng mga misinformation kung nasaan ka ng mga oras na iyon at wag na wag sasabihing kasama ka ng iyong mga ka-tropa na nag inom sa isang bar na may mga kasamang bebot, mas mag-kakaigi kung may mga photos na mata-tag sayo for reference and evidence sa iyong Facebook. 

3. Wag makikinig
Ang hindi pakikinig ay simpleng bagay pero sadyang napaka epektibo kung talagang nais mong masira ang relasyon nyo, mahalagang iwasan ang mga mahahalagang detalye tulad ng kanyang nararamdaman patungkol sa isang bagay hayaan mo lang na magpaulit ulit at siguraduhing wala ka pading maririnig pasasaan bat mapapagod din yan magsabi sayo at pak! Goal met kapatid. 

4. Mag heart at like sa picture ng iba pero hindi sa mga post nya
Siguro naman ay nadinig nyo na ang bali-balita sa mga mag asawa o mag-jowa bago mag quarantine kung saan galit na galit ang mga misis kay Mareng Ivana, biruin mo bawat picture niya ay napaglalaanan ng iyong mister o jowa na pusuan habang ang litrato mo ay ni hindi manlang ma-like. Mahalagang maiparamdam sa kanya na hindi na sya attractive sayo na maaring mag cause ng matinding insecurity sa part nya. It's a good strategy boys! Keep it up.

5. Baliktarin sa away
Ito ay isang magandang paraan pampa-puno ng salop kung gagamitin sa tamang paraan. Kapag kayo ay nag-aaway siguraduhing mababaliktad ang sitwasyon kung saan sa una ay siya ang nasa tama pero bago matapos ang argumento ikaw na ang mas galit. Mas epektibo kung sasamahan ng pagdadabog para talagang ipakita ang pagkayamot. 

6. Wag mag sorry
Kadugtong ng nauna ay ito. Siguraduhing wag hihingi ng tawad kahit ikaw na ang nagkamali tandaan! Hindi mahalaga kung ikaw ang mali at siya ang tama basta ang mahalaga ay ipakitang wala kang pakialam basta hindi ka mag so-sorry. Wag mangamba at dadating din sa punto na kapag nag matigas ka ay siya pa ang mas magpapakumbaba sayo. 

7. Wag makipag-sex
Insert never gonna dance again song este careless whisper pala. Kapag hindi padin siya bumigay sa mga naunang nabanggit ay ito na ang ating ultimate na bala! Tandaan "walang matigas na tinapay sa mainit na kape" or better yet "walang sasayang tinapay kung walang hotdog na ipapalaman!" Char lang gawa gawa ko lang yung pangalawang kasabihan pero you get the point? 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.