New Abnormal

Kalayaan!!! Charot lang. So eto na nga, finally na-lift na ang ECQ pero surprise GCQ naman tayo ngayon LOL. Alam kong sobrang excited na tayo ngayong lahat na makalabas at magawa ang mga dati nating nagagawa pero kailangan din natin sumunod sa patakaran para din naman sa atin iyon ang mahalaga kahit papaano "ay pwede na pala tayo lumabas" char.

After more or less two months sa luob ng bahay finally nakalabas din ako para makalipat bahay, sobrang dami ng pinagbago pala ng mundo dahil sa pandemic na ito, akala ko ako lang nagbago e (ay wow!). Una kong napansin yung konting tao na makikita mo sa labas parang yung dati na kumpul kumpulan nawala na anlalayo na ng agwat ng mga tao, yung mga tindahan na dati palagi pasukan ng pasukan ang tao ngayon parang ang luwag luwag, bagong fashion trend ang face mask iba iba merong animal print, sakop pati ilong, plain color, kahit si Hello Kitty bumida at minsan may katerno pang headband. Nag adjust ang ibang negosyante, mga dati kong nakikitang may ari ng salon ngayon ay nagbebenta ng masasarap nilang lutuin online, mga restaurants na wala ng dine in puro drive thru or for delivery na lamang. 

Naging usapin din kung paano ang magiging eskwela magkakaroon ba ng pasukan o next year nalang? Gagawin naba munang online or distance learning na tinatawag. Lahat ng ito ay bago satin sobrang bago. 

Ewan ko ba pero may feeling sa akin na parang ang lungkot lang ng paligid ang mga tao lahat mukhang sobrang nag iingat, natatakot o kinakabahan. Makikita mo ang ilang kalsada na may barikada kasi iisang road lang ang pwede daanan. Mapapansin din ang malaking pinagbago ng mga bayan na dati buhay na buhay ang mga nakabukas na negosyo na ngayon e mga nakasarado. Parang kahit na umaga ay madilim o gloomy tignan ang paligid, ito na nga daw ang new normal.

Nakakalungkot mang isipin na sa bilis at laki ng progress na nagkaroon ang buong mundo ay madali din syan binawi at pinabagal ng pandemic na ito, minsan tuloy naiisip ko na ito ang paraan ni mother nature para sabihan tayo na "ayan napaka abusado nyo naman kasi hindi nyo nako tinigilan kailangan ko din magpahinga hala magsipirme kayo sa bahay!" diba tulad na lamang sa Sagada after mapanuod at mauso ang "That thing called tadhana" scene kung saan ang heart broken na si Ms. Angelica ay nagsisisigaw duon ay agad nagsidumog ang mga turista na pagkatapos magsipunta ay maduming iiwan ang paligid na pinuntahan nila. Bakit ba kasi ganuon tayong mga tao? Masyadong abusado, walang pagpapahalaga at talaga namang pabaya.

Ngayon hindi na natin kailangan itanong sa sarili natin kung aabutin paba ng mga magiging anak natin ang ganda ng isang lugar na dati nating napuntahan kasi ngayon dahil hindi na sya available para puntahan ay siguradong makakabawi at maibabalik nito ang dati niyang ganda. Mahalaga ang mga bagay na naituro sa atin ng pandemic na ito bukod sa mas naipakilala nito sa atin ang ating sarili ginising din niya tayo sa mga bagay na matagal nating hindi nabigyan ng importansya tulad ng yakap ng minamahal, halik sa pisngi sa ating mga magulang, paghawak sa kamay sa ating mga lola para sila ay maalalayan, pag aalaga sa kapaligiran. Mga simpleng bagay, simpleng gawain na dati ay hindi natin pinapansin pero sobrang laki pala ng kontribusyon nito sa ating pagiging tao, sana naman tayo na ay natuto. 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?