Ang hot ko!
"Grabe! Ang init naman sa pinas ngayon"
"Kailangan makabili tayo ng inflatable na swimming pool para makapag babad sa tubig"
"Alam mo ano masarap ngayon halo halo"
Yang mga yan ang naririnig ko ngayon sa bahay for the past three days. Hindi na nga mapipigilan ang pagpasok ng summer sa Pinas at ang pagiging quarantined sa luob ng bahay ay mukhang mas magiging challenging kumpara nuong malaya pa kami ng aking mga kakosa.
Walang madaling mabibilhan ng mais con yelo, ice candy, halo halo sa ganitong panahon. Para sa may mga pera at access sa delivery maari silang magpadeliver ng milktea sa bahay nila pero para sa mga tulad ko na malayo sa mga bilihan ay sadyang napakahirap. Pakiramdam ko tuloy kasali ako ngayon sa Pinoy Big Brother at isa ito sa challenges ni Kuya. Hindi naman lahat ng resulta ng init na ito ay pangit unang una makakatulong ito para mas maiwasan ang pagkalat ng virus bagay na pilit nating kinakalaban ngayon. Pero ang innneeettttt!!! sobrang intense ni haring araw talaga lately.
Ano ano nga ba mga pwede natin gawin para hindi agad mag init ang ating ulo kasabay ng mainit na panahon na ito. Common guys let's beat this heat kahit na naka quarantine tayo.
- Grab the opportunity sa free Sauna, work out mo padin yan bes!
Alam kong sobrang nakakatamad kumilos sa mga ganitong panahon pero kung nais mong mabawasan ng konte ang baby fats na alam ko namang pinaghirapan mo yan, eh this is the time. Mas madaling mag lose ng weight kapag kapirasong kilos palang eh pawis kana. Kaya sige beshy push lang natin ang themesong ni Britney let's work it bitch para paglabas sa bahay ni Kuya eh body beautiful na tayo.
- Maligo. Maligo. Maligo.
Kung ayaw mong ma-heat stroke ay kahit wala ka namang pupuntahan ay maligo ka padin, sakin personally twice a day ako naliligo ngayon yung una after lunch para ginahawa saka 20 minutes ligo time lang yun tapos sa gabi bago matulog para fresh ulit ready sa sexy time chareng!
- Drink lots of water.
Oo water water din pag me time lalo na sa panahon ngayon na madaming tubig ang nilalabas ng katawan mo double purpose din ito, aside sa hindi ka ma dehydrated nakakaganda din ng balat ang pag inom ng tubig kaya palaging tatandaan: "para sa fresh na daan tubig ang kailangan!"
- Magsuot ng sleeveless or cotton shirts.
Hindi ito ang panahon para magpaka KPOP ka at magsuot ng turtle neck at coat para maging kamukha mo ang bida sa KDRAMA na pinapanuod mo friend maniwala ka sakin aatakihin ka! Hawaiian theme muna tayo ngayon para presko.
- Patayin ang mga ilaw sa bahay hangga't maliwanag pa.
Oh ano asa isip mo? Wag malande! Papatayin lang ang ilaw para makabawas sa init hindi kung ano anong lalong pampa-init yang asa isip mo charowt lang!
- Manuod ng mga nakakatuwang palabas.
Oo alam kong hindi lalamig ang paligid mo sa panunuod ng mga comedy films or series pero at least lalamig ang ulo mo. Kapag kasi ang panahon ay hindi kasundo ng katawan mo may tendency syang makaapekto sa magiging mood or ugali mo sa araw na yun kaya mahalaga na pati ang ating mental state ay cool din 😎.
Sa mga mapalad na may pa swimming pool ni Mayor ay maswerte kayo ang masasabi ko lang, sana all. Pero sa mga tulad ko na walang pa-pool tiis ganda kanalang muna at tagalan nalang ang ligo sa banyo. Sobrang nakakamiss ng mga activities na dati natin ginagawa tuwing summer kaya sana kapag lahat tayo ay pwede na ulit lumabas ay wag na natin abusin si mother nature at pahalagahan ang bawat oras na na-eenjoy natin sa labas totoo talaga ang kasabihan "you never know what you got till it's gone..."
Comments
Post a Comment