Cat fight


Sobrang daming kaguluhan ngayon sa Pilipinas, daming may alam andameng mema andaming matatalino naglabasan na silang lahat, mas nakasama pa na quarantine tayo ngayon kaya lahat ng tao eh sadya namang na-convert sa pagiging keyboard warriors kaaliw.

Kagaya ng iba meron din naman akong sariling opinyon sa mga bagay bagay pero hindi ko lang ito masyado inilalantad na sa social media kasi naniniwala ako na hindi magaling makipag debate ang pinoy na ang kahahantungan niyo lang eh hindi na kau magpapansinan after at ayoko din naman maubos friends ko sampu na nga lang sila charot! Ito mga bagay na sana ay iwasan natin kasi hindi siya healthy beshy promise!

They listen so that they can respond
Para sa akin ang healthy debate ay para pareho ninyo madinig ang punto per punto ng bawat isa maintindihan at possibly na tanggapin na mas okay nga ang opinion ng isa sa inyo. Pero ang Pinoy kasi makikinig yan at hihimayin punto per punto ang sinasabi mo hindi para mas maunawaan nya o maintindihan kundi para alam niya kung ano ang ibabato nyang sagot sayo kaya ending hindi din kayo nagkaintindihan walang learnings.

Personalan
Ayan! ang pinag uusapan ninyo ay tungkol sa isang halamang gamot na tingin mo ay talaga namang makatutulong sa isang sakit tapos hindi iyon ang kanyang pananaw hanggang sa nagbigay na siya ng sarili niyang opinion tapos nagsagutan kayo pero bandang huli kinakalkal mo na pati ang pagiging kabit niya before na nalaman mo mula sa inyong kapitbahay ay wag ganoin cyst!

Name calling
Ayan eto very common sa mga pinoy actually kahit hindi sa debate mahilig mag name call ang mga pinoy in fairness lang medyo nababawasan na ang pagiging double standard natin kasi kung before babae lang ang pok pok ngayon meron ng fuck boy wow appreciate the improvement in name calling LOL. 

Going back so usual ko itong nababasa sa mga supposedly eh healthy debate ang nangyayari sisimulan nila ang kanilang opinion with something like this : "hoy ikaw na panget ka... Hindi mo ba alam... Yadi yadi yadi yah!" oh diba pak ewan ko ba bakit kailangan maging ganyan para lang maitawid ang nais mong iparating. Palaging galit na galit gusto manakit?

Wala ng pansinan after.
Kung reader talaga kita I guess maaalala mo si Barney my friend from my previous blog, yung friend ko na iyan lagi ko iyan kadebate kasi palagi kami magkaiba ng pananaw sa maraming bagay pero pagkakatapos namin magrambulan kami ay nagtatawan regardless kung siya nagwagi o ako or sadyang walang nabago pero sa atin kasi ngayon merong parang mentality na "if you're not with me then you're against me" ay ganoin agad! tapos never na sila magpapansinan with unfriending on the side ay wow napaka mature.

Kung meron man akong hindi nabanggit comment down below kung nasa mood ka. So ano lang ba ang nais ko iparating talaga in general sa lahat ng ito, sana matuto tayo ng tinatawag na respeto sa bawat isa, maaring magkaiba man kayo ng paniniwala pero hindi ito lisensya para tayo ay magbastusan, palagi padin natin tatandaan na "only God can see everything and he is the real and only one who knows the truth" kaya wag maging marahas sa pagbibigay ng opinion and always try to acknowledge the opinions of others because they also matter; WE ALL MATTER. 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.