Wedding day horror story

Insert 98 degrees song :

I do Cherish you
For the rest of my life
You don't have to think twice
I will love you still
From the depths of my soul
It's beyond my control
I've waited so long to say this to you
If you're asking do I love you this much
I do... 🎵

Ayan pak na pak ang kantang yan para sa inyong perfect wedding day na talaga namang masusi ninyong pinagplanuhan at ang iba pa nga ay pinagkagastusan.

Lahat naman siguro ng babae sa mundo minsan sa buhay nila ay pinangarap na makapag suot ng white gown na sobrang ganda habang naglalakad patungo sa altar para pakasalan ang lalaking mahal niya. Everything seems so perfect diba? Kaso hindi.

Sa dinami rami na ng kasal na napuntahan ko at naging abay ako hindi maaring walang kakaibang kwentong dala pag-uwi sa bahay kaya nga ito ang mga naging pamantayan ko sa araw na ako naman ang magpaplano ng sarili kong kasal. Ako po kasi yung tinatawag nilang "always the bridesmaid never the bride" pero mostly made of honor ako for some reason ako palagi kinukuha sa isang napakahalagang position na iyon kahit di ko naman talaga best friend ang bride ganda ko daw kasi char!

Since usapang kasal nadin naman share ko na sa inyo yung mga list ko in the event na ako naman ang bride, kung dadating pa ang araw na iyon pak! parang ampalaya ata ulam natin kanina girl!

Chapel or close door Church wedding.
As much as possible gusto ko sa maliit na church lang ikasal para talaga namang magmukhang puno ang chapel or church. Naalala ko kasi yung kasal ng isa kong kamag anak ang ganda pa naman pero halos apat or limang row lang ng upuan ang naokupa namin sa napakalaking simbahan pa naman na pinagkasalan sa kanya mas maganda pala tignan yung kahit konti pero mukhang puno ang church kapag kinasal ka.

20 or 30 list lang ang bisita kasama na dyan ang kamaganak.
Madameng benefits ito sobra! Idugtong natin sa kwento sa taas kung saan konti ang dumalo sa church alam nyo bang sandamakmak ang taong dumalo sa reception? Nakakahiya man po pero sana baguhin nating mga pinoy ang ugaling ganito ang kasal po iba sa birthday party kung saan kakain kalang talaga kaya siya tinawag na kasal kasi dapat dadalo ka ng kasal hindi dadating ka kapag kainan na! Gigil nyo ko e.

Share ko lang ang isang panget na karanasan ko din sa isang kasal na na-attend ko na sumobra sila sa listahan ng iimbitahin out of "hiya" daw na hindi maimbita ang mga pipol of the world. After attending the ceremony (opo always ako naattend ng ceremony) pagdating namin sa reception wala ng pagkain kasi may mga nauna ng bisita duon na hindi nadaw umattend ng kasal at nauna ng kumain so ang naiwan nalang is food para sa mga abay at bride and groom. Ano ang lesson natin dito? Wag mag iimbita ng hindi kaya pakainin ng bulsa kasi mas nakakahiya.

Meron naman akong isa pang nadaluhan na kasal (wow lalim ng nadaluhan) mega invite sa pipol of the world at in fairness napakain lahat tapos ending nag kautang utang kasi wala ng budget. Opo nakakahiya nga po na hindi nyo sila mainvite pero hindi ba mas nakakahiya ngayon na kailangan mo lumapit sa mga tao at umutang kasi wala kanang pera after mo magpa bongga? Gastos lang tayo ng kaya para hindi nakakahiya.

Photoshoot after the reception is over.
Very common na po na ang photo shoot ng newlyweds ay ginagawa after ng kasal na ang nagiging resulta ay ang ilang oras na pag aantay na mga bisita.

Nag-abay ako sa isang kasal nuon na after ng ceremony inabot ng 2 to 3 hours ang kanilang photo shoot, may photo shoot sa church may photo shoot around the reception area isama mo pa syempre yung ginugol na oras nila para mag retouch. Sobrang gutom na gutom na kami at ng makaupo ako sa assigned table naririnig ko nadin ang magkakaparehong sentimyento ng mga bisita gutom nadaw sila. So sa tuwing maalala ng mga bisita ang kanilang kasal gutom ang maiisip nila. Tsk. Tsk. 

Opo naiintindihan ko na minsan lang kayo ikakasal at talaga namang napakamahal ng inyong mga damit pero ang gutumin ang ating bisita is a big no no! Kasi ang ending pagkakain talaga ng mga tao nagpandalas silang maguwian wala na tuloy halos matira para sa pa-games so might as well ay gawin ang photoshoot after ng reception kasi sa totoo lang mahaba na ang 2 hours para dito.

Kumuha ng talagang kakilalang Ninong at Ninang.
Ayan madameng tatamaan dito kaway kaway sa mga kinuha si Mayor bilang Ninong LOL. Ang mga Ninong at Ninang po ay ang mga taong magiging gabay natin sa panahon na tayo ay magkakaroon ng poblema bilang mag-asawa sila dapat ang mga taong may magandang pundasyon bilang mag asawa, mga old couples (excuse the word old kasi usually naman talaga sila ang nakukuha para dito) na we look up to dahil sa ganda at tibay ng kanilang pagsasamahan.

Huwag natin gayahin yung nadaluhan ko na kasal na ni hindi kakilala ng bride at groom ang mga Ninong at Ninang nila kasi magulang ang pumili, andun na tayo sa kilala naman ng Nanay nyo kaso mo paano kayo lalapit at hihingi ng payo sa taong hindi nyo kakilala paki explain?!

Madame pa iyan pero ano ba talaga pinupunto ko sa lahat lahat ng ito. Ang kasal ay isang sagradong seremonya na dapat daluhan at I-celebrate hindi ito araw ng photo shoot at hindi ito birthday party na eat and run tayo. Papuntahin ang mga tamang tao na talagang may mahalagang kontribusyon sa bagong mag-asawa at wag kung sino sino. Gumastos ng naayon sa budget kasi "daig ng walang utang ang mayabang!" and I thank you. 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?