𝓙𝓪𝓬𝓴 𝓸𝓯 𝓪𝓵𝓵 𝓽𝓻𝓪𝓭𝓮𝓼 𝓶𝓪𝓼𝓽𝓮𝓻 𝓸𝓯 𝓷𝓸𝓷𝓮

Asa punto ka ba ng buhay mo ngayon na pakiramdam mo ay nasa tama kang landas? Na ang mga ginagawa mo ngayon ay talagang passion mo at sigurado ka sa direction ng buhay mo? Good for you! Kasi ako hinde char ha ha.

Kung magkakaroon siguro ng segment sa maalala mo kaya (MMK) ng paguluhan ng buhay siguro confident kong ilalaban ang buhay ko at baka may chance akong at least mag 3rd place. Hindi naman sa sobrang drama ko lang kundi sobrang dami ko lang alam gawin (ay oh si ati nagmamagagaling!) let me repeat alam gawin hindi ko sinabing magaling gawin magkaiba yun LOL.

Hindi ko alam minsan kung isa ba itong gift or curse dahil una madali akong maka-adopt sa change at malaman ang kailangan for my role pero at the same time madali din ako ma-bore at malipat ang atensyon sa iba nanamang bago na pwede ko matutunan na minsan nagreresult ng isang sudden change and path nanaman sa buhay ko.

Paano ba yun nangyari? Let's go back to the beginning of my work history year 2004 kung saan parang napagtripan ko lang umakyat sa 4th floor ng SM Bacoor para mag apply ng hindi ko naman alam ano inaapplayan ko kaya sabi ko nalang sa interviewer kung anong open I'm very much willing to do the job, oh ha! bibo kid din naman si ateng. And so I ended up as a technical support representative ng company na iyon akala ko naman kung ano lang basta nung sinabihan ako na makakatanggap ako ng pangkabuhayan showcase pak go agad ang ati nyo ni hindi ko manlang inisip ano ba job description nuon. Turns out kailangan pala magaling ka sa computer then dapat okay ang soft skills mo (oo okay lang kasi po kapag technical support ka hindi na mahalaga kung sleng ka basta mahalaga maayos mo yung technical issues nila) and since telecommunications ang account dapat makuha mo ang idea kung paano ang internet nagwowork.

Year 2004 po ito take note hindi pa masyado uso ang wifi nuon at friendster pa ang social media na na-graduatetan namen bihira pa ang may personal computer sa bahay at dial up connection pa ang huling experience ko ng pag connect ng internet kasi kapag nasa computer shop connected kana eh diba?! So basically what I am saying is naloka akis ng mag training na kami hindi ko alam yang mga GUI or PPOE na yan enebe pati pag set up ng email kailangan namin gawen pero sa takot ko matanggal dahil may nakita kaming after 5 days lang clearance na sila eh nasurvive ko naman ang karumaldumal na training.

Akala ko iyon na yun kasi may pa-graduation pa kami kuno wow! since ako e fresh pa nun galing college akala ko na-achieve ko na ang rurok ng tagumpay ha ha yun pala mag sisimula palang ang kasunod na delubyo at ito ay ang actual na trabaho na pinaghandaan namin sa luob ng tatlong linggo. Ito ay ang pag sagot ng tawag at pag resolve ng poblema ng mga customers OMG! hinding hindi ko malilimutan kung ilang bes ako umihi nuon bago ako talaga nakapirme sa pagupo grabe ang kaba ko! Grabe ang kilabot ko ng marinig ko sa kauna-unahang pagkakataon ang unang ring sa isang totoong customer inay kupo! Anyhow like what I said born survivor nga ata ako so tumagal ako ng 8 months sa isang account na alam ko namang nuong una ay wala ako alam at lumipat sa ibang work na tingin ko ay mas madali ng konte.

Nagapply ako as retention specialist kasi medyo mas madali daw iyon kasi hindi ko na kailangan pagapangin ang customer para mabunot ang mga kable. Ending sangkaterbang mura pala ang aabutin ko kasi may pagka "allegedly" scam ang account na iyon dahil puro hindi alam ng customer ang nangyaring transaction sa card nila. Enebeyen! Pero syempre surprisingly enough tumagal ako ng 1 year and 6 months sa company na yun with pa-best agent from time to time on the side oh ha! Siyempre bored nako at paulit ulit nalang so nag-decide ako magresign after ko magbakasyon sa abroad ng 6 months oh diba parang wala talagang plano sa buhay take note wala po akong ipon ng mga panahon na ito ah pero nagagawa ko pa maglustay ng oras, naisipan ko naman na i-try ang pagtuturo.

So nag-apply na nga ako gamit ang pinagyayabang kong soft skills na nahasa na sa BPO at natanggap naman. Sa una gusto ko magturo sa bata hanggang sa nuong sumunod na taon mas madame nakong turo sa High school, nuong una English lang hanggang sa meron nakong Science, meron nakong History, P. E., Values naikutan ko na lahat pwera lang ang Math ha ha baka ako pa turuan ng bata. Sa ikaapat na taon ko nakapag turo ako sa Senior High at sa ikaanim na taon ay College. Nakapag - host, nakapag coach, nakuha ang black belt sa martial arts, naisabay ang pagbabanda hanggang sa matapos na ang chapter ng buhay kung iyon.

After nyan naisipan ko naman mag-online business dati ko pa talaga gusto magka-business pero hindi ko pa sure kung ano so nagpaturo ako sa kakilala ko kung paano ba niya ginagawa hanggang sa nagsosyo kami pero mahirap pala mag business ng wala kamanlang puhunan. Feeling ko nun ang galing ko na sa part na to kasi possible pala ko makapagpatakbo ng negosyo kahit maliit lang may naikot na. Okay na sana, natakbo na pero hirap na hirap kasi nagsimula kami talaga sa wala samahan mo pa ng kawalang suporta mula sa ibang family members, paulit ulit nilang sasabihin sayo na mag-apply kanalang hep hep don't get me wrong hindi ko sila masisisi kung yun ang mindset nila since nag business ako ng kulang na kulang ang puhunan hindi pala talaga iyon ganun kadali madami pala ako napeperwisyo kasi ang liit lang kinikita ko baka hindi pa nga sumapat para talagang mapakain ako.  

So ano ending? Dami kong nagawa, dami kong naging work, dami kong palipat lipat, dami kong extra curricular activities. Anyare? Wala, wala akong narating, wala akong ipon, wala ako nun goal basta pumapasok lang ako sa trabaho o ginagawa ang mga gusto ko gawin habang sangay sangay na sila, silang mga kaya ko gawin. Is it all bad? Dapat bako magsisi it's a big NO! Lahat ng iyon are experiences and experience is expensive it is something that you cannot buy. Yung mga learnings brought about by it ay precious it is part of my journey it is part of my story, a road that I must take para magkaroon ako ngayon ng ganitong mindset. Goal kasi talaga ang wala ako. Yun talaga ang mali. 

Samakatwid panget ba kapag madami kang kayang gawin? Of course not! Wag na wag mo pipigilan ang creativity mo be passionate kung diyan mo mailalabas ang iyong personality then go. Siguro ang gusto ko lang talaga na maging take away mo after mo basahin ang pagkahabang blog na ito ay yung idea na "kahit madami kang kayang gawin na pakiramdam mo wala kang focus isipin mo lagi na wag ilagay ang sarili mo sa isang box it is okay na mag explore at matuto ng maraming bagay just as long as malinaw sayo ang iyong goal". Hindi mahalaga kung nalilito ka sa ngayon darating din ang time na magiging malinaw sayo kung ano talaga ang para sayo hindi lang tayo tulad ng iba na isang straight line, ang atin madaming curve at pasikot sikot pero hindi ba mas exciting yun?


Thoughts to ponder 💭

Philippians 4:13
 “I can do all this through him who gives me strength.”

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?