Owning it

Pag-aasawa hays para sa mga naive kapag tinanong mo sila kung ano ito eto yung mga kadalasang isasagot nila sayo:

"It is the most important day of your life because you will be with the person you love the most."

"It's a special day for you and him to be as one."

Pak! Napaka-romantic nga naman ano. Tinanong ko din yan sa mga estudyante ko ng nagtuturo pako and mostly but not all eh dyaan naikot ang sagot slight difference lang ng nasa college sa high school syempre. It goes to show that most singles idea of marriage is focused on the wedding day. Dreamy eyed pa nga sila habang sinasagot yan at ini-imagine na ata na pinakakasalan ang mga jowa nila na alam mo namang mag bebreak din sila after a couple of months char ampalaya ko lang sa part na yan!

Pero syempre as much as I would like to preserve their innocence ay kailangan ko din sabihin sa kanila ang reality lalo na sa college students ko dahil mas malapit na talaga sila duon at ito din ang ituturo ko sayo kung isa ka sa kanilang mga clueless, tough love lang tayo beh para naman hindi ka ma-shock na hindi pala sing romantic ng pag-aasawa sa KDRAMA ang totoong buhay.

Marriage comes after the wedding day. 
Ang wedding day ay ceremony para kayo ng partner mo ay pag isahin basbasan ng church na inyong napili mula sa religion na kayo ay kasali pero hindi pa ito ang actual na pagaasawa. 

Paying your bills.
Kung sa mga napapanuod natin sila ay puro lambingan at paghaharutan sa luob ng bahay which is partly totoo din naman, pero minsan hindi natin naiisip yung tulad ng mga important aspect sa pagpapamilya at isa na dito ang pagbabayad ng ilaw, kuryente, tubig atbp.

You both have to work.
In a perfect world pwedeng isa sa inyo wag mag work para sa bahay ang pinaka work niya pero sa totoong buhay at wala pa naman kayong anak kailangan niyo mag work pareho para may pambayad kayo sa mga inutang nyo para sa inyong bonggang kasal LOL! Pak real talk bigla.

Smells fishy.
Sa first three months ng inyong honey moon stage hindi mo ito mapapansin kasi excited na excited pa kayo. Pero after sometime at kumalma na ang inyong mga balat duon nyo na ngayon marerealize ang mga bagay bagay na hindi mo napapansin nuong una tulad ng mabahong utot, hininga sa umaga at ngayon mo lang malalaman na tamad pala sya maligo habang nuong mga unang araw ninyo ay twice a day sya maligo.

Madame pang bagay na meron sa pagiging mag-asawa na matututunan mo along the way yung iba masaya yung iba malungkot yung iba matatawa ka nalang talaga pero ito ang lagi mong tatandaan! gasgas na pero sobrang totoo pala “ang pag-aasawa ay hindi katulad ng mainit na kanin na kapag isinubo mo at napaso ka ay puwede mong iluwa.” 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?