After 2 months of my writing hiatus I finally got the courage to sit down and write again. Taray ng entrada akala mo naman ang tindi ng pinagdaanan ni Inday LOL. Simple lang ang naging dahilan ko bakit hindi ako nakakapag sulat kasi busy ako sa nangyayari sa totoong buhay ko na hindi na ako nito nabibigyan ng oras para privately ay makapag isip at makapag sulat. Sa loob ng dalawang buwan na pagkawala ano – ano nga ba ang nangyari sakin? Well una nalipat ako sa department na ayaw ko kasi kailangan ko mag calls huwaw! San ka nga ba ulit nagtatrabaho? Ah “call” center, pangalawa nagpagawa ako ng bahay para makalipat na at tuluyang maging adult, nag apply for a higher post tapos mainterview na – reject, tapos nag apply ulit sa iba naman for training at natanggap. Sobrang daming ganap with so very little time. Saka ko na ieelaborate ang mga realizations ko sa iba pero today gusto ko lang muna mas mag focus sa mga natutunan ko pa as an employee. Bilang isang call center agent I cannot st
Sa nagdaang mga holidays ano ba ang pinaka - ayaw nyong kaugalian nating mga Pilipino? Para sakin madami sa Pasko, ewan ko ba kung ako lang or talagang hindi na siya tama. Bato - bato sa langit ang tamaan, edi sapul! Isa - isahin natin: 1. Ang pag-punta lang kila Ninong at Ninang tuwing bagong taon Dati hindi ko masakyan ang idea ng pagbibigay ng pera ng mga Ninong/Ninang sa inaanak pero ng magkaroon nako ng trabaho mas lumawak ang aking pang unawa na hindi lahat ng tao ay may oras para makabili ng regalo sa bata pero hanggang ngayon hindi ko padin masakyan ang ideya na pupunta lang ang inaanak o dadalhin ng magulang sa Godparents nila tuwing pasko na para bang naniningil ng pautang, dadating at sabay aalis, asan naba ang sense ng pagiging second parents sa mga bata? Nakakatakot pala maging Ninang kasi once naisulat kana sa listahan magkakaroon ka ng pang habang buhay na pagkakautang sa bata at maoobliga kang magbayad kada Pasko ganon? Sana naman po dalhin o papuntahin din natin ang at
Last week grabe yung sakit ng ipin ko talagang humingi nako ng gamot apakahirap ngumuya tapos feeling ko matatanggal lahat ng teeth ko 😔 and since wala akong ginagawa ngayon let me share with you ang isa sa pinakamagandang lesson na nabasa ko about pain 💢 "Mahal na mahal kita kahit ang sakit sakit na..." 💔 -Popoy Isa sa mga greatest movie 🎦 line na nadinig ko tagos talaga sa puso wasak na wasak ika nga 😅 feeling mo di lang si Popoy ang na-break pati ikaw nadin e....kapag tayo nasasaktan madalas tinatanong natin paano ba ito? Malalagpasan ko ba to? Kakayanin ko ba ito? Hanggang kelan bako ganto? Tapos kahit ilang buwan na ang lumipas o taon magtataka ka kasi may mga times na maaalala mo tapos yung intensity ng sakit bakit parang ganon padin? Tapos mapapaisip ka kung teka ibig sabihin ba nito is mahal ko pa siya? Or na di ko pa nalilimutan ang mga nangyari? (syempre applicable ito di lang para sa mga heartbroken 💔 wag kayo selfish di lang kayo nasasaktan LOL)
Comments
Post a Comment