You never know what you got til it's gone

Buong linggo kana halos nag ma-migraine tapos dahil sa ECQ parang napaka emotional mo to the point na pinag-iinitan mo ng awayin ang jowa mo at gusto mo ng maglayas pero wala ka magawa tapos biglang parang may pasabog na kwento na darating sayo, lakas maka season ender ang peg diba kung baga sa mga Netflix series ngayon pina-climax muna sabay putol.

Naranasan mo nabang mag resign sa trabaho? Siguro sa mga tulad kong may edad na sasabihin oo, naniniwala ako na sa nakararaming empleyado sa Pilipinas bihira ang mga tulad ko yung ginawa na atang hobby ang mag resign. Tipo bang may expiration ang sipag.

Pero minsan kasi mapaglaro ang tadhana parang sa love, yung sinasabi nila sa mga manloloko na "darating din makakatapat mo makikita mo" ano ba ibig sabihin talaga nun? Ibig daw sabihin nun sa una yung mga bagay na hindi natin pinapahalagahan darating ang time or what they famously call as our karma na kapag mahal mo na ang isang tao o bagay ito naman yung iiwan ka o mawawala kahit anong kapit mo. 

Sa akin naging applicable ito sa mga naging previous jobs ko. Before parang wala akong pakialam o pagpapahalaga basta malaki sahod kapag sawa nako after a year resign re-apply nalang sa ibang company. Naging cycle na sakin yun tapos iba ibang work mula sa iba ibang field hanggang sa naranasan ko na nga magturo.

Kung reader talaga kita I am sure madaming bess mo ng nabasa mula sa mga blogs ko kung paanong nabago at nahulog ng buong buo ang aking puso sa pagtuturo kung baga sa jowa masasabi ko talagang "Friend, sa kanya na umikot ang mundo ko".

Hanggang sa dumating na nga yung araw na hindi ko na forsee sa aking future akala ko kasi mamamatay nakong isang guro, na yun na yun; but God has a different plan for me. Kaya napunta ako sa ibang line of work ulet after 6 years of teaching. Sobrang na depress ako nuon kasi ang hirap pala niya i-let go para kong iniwan ng jowa kasi nakabuntis ng iba char! Ang sheket! 

But life has it's way to work things out and at the end of the day I came out of it ready and strong. 

Tapos magugulat ka nalang kasi yung trabaho na ipinagkait na sayo all of a sudden is, they will each out to you, ay pak come back is real. Ang tanong ngayon tinanggap ko ba? Kasi ang haba nga naman ng intro ko about loving that job however the answer is no; hindi po dahil nagmamalaki ako, hindi dahil sa hindi ko na sya gusto, I already moved on that's it. 

Para lang kasi yang ganto e, nagkaboyfriend ka sobrang mahal mo, sobrang okay kayo nuong una hanggang sa binagyo kayo ng problema you both decided it is best to break up so that you can still come out of the relationship alive. Pinili nyo lang kung saan kayo pareho mapapabuti and that is to part ways. Hindi sa dahil mag-kaaway kayo pero alam niyo lang na the relationship is no longer working. Same with our jobs.

"Kahit gaano pa kita ka-gusto, kahit gaano pa kita ka-mahal I just realized na hindi ka talaga para sa akin ngayon. I am politely saying no. I am moving forward as I have already accepted a different path. You made me let go a long time ago..." 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?