Make amends

Sobrang nakakatawa lang yung tiktok na napanuod ko hindi ko mapigilang hindi gawan ng blog. Sabi nya (not verbatim saka ng balikan ko di ko na makita ulit para pakinggan) "Here in the Philippines hindi mo kailangan mag-aral para maging Judge kasi lahat sila is judger because everyone is perfect". The man speaks the truth.

Sa mundo natin ngayon parang napaka-hirap makagawa ng pagkakamali lalo nat nase-sensationalized sa social media, I mean hindi mo nga kailangan maging artista para mangyari sa iyo to. Kapag may binubugbog bago tulungan ng tao ilalabas kasi muna nila ang cellphone nila at kukuhanan ka ng video. Sad but true. Kaya sa mundong ang lahat ay perpekto paano ba natin matututunan na tanggapin ang mga sari-sarili nating pagkakamali.

Tao ka lang na maaring magkamali.
Although we can argue na hindi magandang dahilan na dahil tao tayo ay pwede na tayong magkamali pero in reality kasi si God lamang ang perfect at tayo ay talagang mas prone gumawa o makagawa ng mistake. Basta ang mahalaga ay kung magkaroon man tayo ng pagkakamali sa buhay ay yung uri ng pagkakamali na hindi talaga natin sinadya or alam, hindi man maintindihan ng lahat pero si God palaging andyan padin para sayo.

Hindi ka perfect.
Katulad nga ng nabanggit sa una hindi ka perpekto, walang taong perpekto pero judger madame pak! 

Intindihin ang pagkakamaling nagawa at subukang itama.
Kailangan malaman mo ano ba nagawa mong mali at kapag alam mo na syempre hindi dapat duon natatapos yun girl kung kaya mo pang ihingi ng tawad kung may casualties go! Kung kaya mo pa maisipan ng work around go! Ang mahalaga hindi pa huli ang lahat. 

In the event na hindi na kayang itama ang nagawa siguraduhing hindi na ito mauulit.
Once damage has been done at wala na talaga magagawa to resolve siguraduhin nalang na hindi na ito mauulit. Madame pang kasalanan dyan try mo naman iba!

Intindihin na hindi lahat ng tao ay mapapatawad ka o maiintindihan ka.
Gaano man kalaki o kaliit ang iyong kasalanan ay hindi mo na hawak kung paano ka huhusgahan ng ibang tao sa iyong nagawa kesa maging ma-pride at manlaban ikaw nalang ang maunang umintindi since ikaw din naman ang nakagawa ng pagkakamali. Wag ka mag alala sis kung tunay mo namang kaibigan ang nasa paligid mo sila kahit anong mangyari ay susubukan ka pading intindihin although hindi nila susuportahan ang iyong pagkakamali pero kung tunay mo silang friend mananatili padin silang andyan sa tabi mo loving an imperfect person like you pero kung sila pa ang unang pumukol ng bato sayo ay sis hindi mo sila talaga friend. 

Patawarin ang sarili.
For me eto talagang final three ang pinaka important sa lahat syempre hindi biro para sa isang tao ang tanggapin na nagkamali sya, ang ma-judge ng iba, ang subukang itama ang pagkakamali, ang intindihin kung bakit ganon na lamang ang disappointment ng mga tao sa kanya, it all can result to self blame which can lead to depression dahil sa sobrang painful ng truth mo nonetheless matutong patawarin ang sarili so that you can be free from your past. Tapos na yun, nangyari na at di mo na maibabalik pa so learn to forgive yourself. 

Pray for peace of mind. 
Syempre kanino kapaba lalapit diba? Sabi ko nga earlier si God lang ang palaging andyan para sayo. Siya lang ang talagang nakakakilala at nakakaalam ng lahat ng nangyari, sa kanya pwede ka magsumbong at wag ka mag alala kasi hindi ka nya pagagalitan kasi he is a good listener. Pray na sa lahat ng nangyari ay magkaroon ka finally ng peace of mind. Wag ka magalala magkaroon ka din nuon with the help of God

Tuloy parin.
Finally dumating na tayo sa dulo. Syempre sabi nga nila tuloy padin ang buhay laban lang! Madame pang pwede mangyari and hopefully ang experience mo ay nagturo sayo ng isang magandang lesson na madadala mo to be a better person habang patuloy ka sa iyong buhay. Of course sis giving up is not an option! Lavern lang.

Sa mundo na ang lahat ay perpekto talagang parang napakahirap magkamali palagi ka huhusgahan pero wag mong paikutin ang iyong mundo sa sasabihin ng iba kasi ang sasabihin lang ni God ang talagang mahalaga sa huli.

Thoughts to ponder 💭

Deuteronomy 31:6
6 Be strong and courageous. Do not be afraid or terrified because of them, for the LORD your God goes with you; he will never leave you nor forsake you.”

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.