Lucky star 🌟


Madami kabang Facebook friends? Eh followers sa Instagram? Kung oo aba ang galing mo isa kanang influencer char madame lang influencer agad. Pero para sa mga katulad kong simpleng tao sapat lang ang kanilang bilang para naman matuwa ako kapag nila-like at naappreciate nila ang aking mga post.

Sobrang nakakainggit ang mga ganda ng lugar na napupuntahan ng iba kapag nakita mo sa kanilang social media, meron namang mga nagpapakita ng kanilang magagarbong sasakyan, bahay at gadgets or kung gaano ka perfect ang kanilang mga relationships ayon sa mga super sweet photos nila na sobrang perfect ang anggulo talaga namang mapapa sana all kanalang diba?

Maganda din naman ang makasilip ng kaunti sa buhay ng iba lalo na at duon mo lang mararanasan na makita ang mga ganuoong kagagandang tanawin (wow deep di ba pwedeng lugar nalang?) o mga mamahaling gamit na sa picture o video mo lang talaga makikita. Kaya lang lahat ng sobra ay may masamang epekto. Break down natin isa isa para gumanda naman pakiramdam nating mga inggetera char!

No one is perfect
Gasgas na gasgas na pero wala tayo magagawa kasi totoo sya kaya minsan magugulat nalang tayo kapag umamin na ang mga artista na nagamit pala sila ng filter para maalis ang tinatagong stretch marks or na hindi lang pala sya humihinga ng mag picture ng sexy habang naka two piece. Palagi natin tatandaan na lahat tayo ay may something special depende nalang yan kung ano ang gusto nating i-post at ma-highlight sa social media. Kaya sige gorl okay lang abusuhin pa natin ang mga filter na yan wala sila magagawa LOL. 

Life's highlight
Palagi nating tatandaan na ang mga post so social media ay nagpapakita ng highlights sa buhay ng isang tao kaya wag na wag natin iisipin na palagi yong ganun. Sabi nga ni Ms. Heart Evangelista hindi daw porke hindi siya ngpopost ng malungkot na bagay ay perfect na ang buhay nya which is tama naman syempre as much as possible dun lang tayo sa positive diba? Good vibes lang.

Some are true some are fake
Kung merong mga nag popost ng palaging positive for good vibes meron namang nagpopost lang for the sake of popularity or good facade. Katulad nalang nung mag nananay na kakilala ko kung saan grabe sila mag-away at mag-sigawan in person andameng issues at talaga namang sobrang kaiba sila makisama sa mga tao pero kapag nakita mo ang Facebook nila ay talaga namang parang napakasweet nila sa isa't isa magugulat ka nalang talaga sa makikita mo sa personal. Kaya wag paniniwalaan lahat ng nakikita sa social media.

Palagi nating tatandaan na lahat tayo ay may mga sari sariling highlights sa buhay at the same time lahat din tayo ay may mga sari sariling problema depende na lamang iyong kung paano natin i-share sa social media, personally I would suggest na ayusin natin ang poblema natin sa personal at iwasan ang balitaktakan sa socmed kasi hindi ito nakatutulong sa halip ay nakasasama pa dahil sa dami ng mga taong hindi naman involve pero makikibasa. Pilitin natin maging mas positibo pero manatiling totoo kasi at the end of the day lahat ng likes, hearts, share or comments will not matter. Sabi nga sa kanta ni mareng Britney :

"She's so lucky, she's a star
But she cry, cry, cries in her lonely heart, thinking
If there's nothing missing in my life
Then why do these tears come at night?... "

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.