Unfriended

"Maging mapanuri!" iyan ang madalas na tag line tuwing election kapag pipili na tayo ng mga magre-represent sa atin sa gobyerno. Para sakin applicable din ito hindi lang tuwing eleksyon o kapag pipili tayo ng jojowain mahalaga din ito kapag pipili tayo ng kaibigan saka na natin alamin kung paano makakapili ng hindi chismosang kapitbahay LOL. Hindi mahalaga kung sila ay konti basta ang mahalaga sila ay totoo sayo at mahal ka.

Yes para sa akin dalawa lang ang nakalistang qualification ko, para maging kaibigan ko wala ng kung ano ano pa pero alam mo ba na mahirap makahanap ng tao na meron ng dalawang ganyan sa isang kaibigan? Let me elaborate why.

  • True friend.
Simulan muna natin sa kaibigan na totoo, para sa akin hindi mahalaga kung magkapareho ba kami ng values kasi hindi ako masyado naniniwala sa kasabihang "tell me who your friends and I'll tell you who you are" andame kong smoker friends pero hindi ako smoker, andame kong friends na mahilig magmura as in grabe lutong hindi din ako palamura at may mga kaibigan din akong masyadong emotional sa buhay maarte lang ako pero di naman ako ganun, I hate drama nga diba?! So I really can say na hndi ako 100% naniniwala sa saying na iyon. Basta ang mahalaga sakin totoo ka bilang kaibigan, dapat ikaw ang unang unang magsasabi sakin na tanga na ako sa jowa ko or na engot ang mag-resign lalo nat walang lilipatan na work tapos walang ipon. 

Ang tunay na kaibigan ang kauna unahang tao na dapat magtatama sa mga kamalian mo, sila yung unang unang magagalit sayo kapag kumikirengkeng ka habang may jowa ka pala. Sila yung walang halong filter na sasabihin sayo kapag mukha kanang boba kasi sa kanila mo talaga dapat yun marinig because they care. Hindi ko kailangan ng kaibigan na plastic at sasabihin sa akin na everything is okay and perfect when it is not. Tawag po dyan "tough love".

  • A friend who loves you.
Syempre bukod sa pagiging totoo mahalaga din na mahal ka talaga ng kaibigan mo kasi kapag mahal ka no matter how bad you turn out to be sa isang part na yan ng buhay mo hindi ka nila iiwan kasi mahal ka nga nila. Hindi sila yung i-uunfriend ka agad sa Facebook dahil hindi na nila gusto ginagawa mo. Parang sa mag jowa lang yan hindi lahat happy days may mga araw na challenging pero hindi ka naman agad mag give up kapag mahal mo yung tao diba? Ganun din sa kaibigan.

Sila yung kahit madameng masamang marinig tungkol sayo ay pipiliin padin na pakinggan side mo. Hindi ibig sabihin nun ay kakampi na sya agad sayo pero makikinig siya at mas iintindihin ano ba pinanggagalingan mo. 

Kapag may pagmamahal meron na lahat e, magtatyaga na yan sayo, magtitiis hanggang sa dumating sa panahon na mauntog kana at magising sa kagagahan mo gorl! Tapos magpapasalamat kanalang kasi andyan padin siya.

Kaya mga sis maging mapanuri, madami kang mami-meet na masaya kasama tapos meron pang mga talagang parang instant click talaga kayo. Pero mas masarap sa pakiramdam yung alam mo na ang kaibigan na ito kahit mag-away kayo eh hindi ilalabas lahat ng lihim mo. Gets mo? 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?