About Me

Andame ko nang nagawang post pero dito sa about me ako pinaka sobrang nahihirapan. Paano nga ba natin to sisimulan?

Sige simulan natin syempre sa kabataan ko ayan isang hint about how old I am today as of this writing.

Isa po akong mayabang na tao nuong College and probably even after I graduated 🎓 wherein I finished my bachelor's degree as just an average student. Opo, yabang lang ang meron ako punong puno pa nga kahit ako naman ay average I.Q. never naging honor or top student masasabi ko namang napalaki padin ako ng aking mga magulang na may kumpyansa sa sarili. Punong puno ng bilib na kakayanin kong makamit ang lahat ng naisin ko.

Pinakauna kong naging work ay sa isang BPO company after a month of graduating 🎓 pero hindi talaga sa position na preferred ko kasi yung talaga sana sa natapos ko. Kaso magulo kasi sa Pinas i-hire ka nila as agent tapos pag nag apply ka sa ibang company hahanapan ka ng HR experience eh paano ka magkakaexperience kapag bagong graduate ka syempre wala pa nga, ilalagay ka nanaman nila as agent. So to make the story short na stuck nako sa pagiging ahente.

Syempre bilang positive na tao hindi ko sya nakita as kawalan sa halip inisip ko na maswerte ako kasi meron akong trabaho. Hanggang sa matapos ang halos tatlong taong puyat sabi ko ayoko na and so I tried teaching and fell madly in love with it.

Masasabi kong madaming bagay ang hindi talaga ako magaling pero alam ko na ang pagtuturo ay hindi isa sa mga iyon parang ang yabang nanaman lang diba? Pero hindi ko sinasabi yan na para bang ako ay someone special sinasabi ko yan kasi ako ay natuto ng tinatawag na hardwork. Di naman ako likas na magaling naging masipag lang ako mag aral ng hindi na ako estudyante.

Sa BPO kasi wala akong disiplina pero sa school mas madame atang naituro ang mga bata sakin kesa ako sa kanila. Sobrang minahal ko sila na parang aking mga anak but don't get me wrong terror teacher po ako with a beautiful heart ♥ char.

Sa sobrang in love ko sa teaching kahit na wala na pala akong naiipon ay hindi ko na inintindi basta mahalaga sakin masaya ako makapag inspire ng mga bata.

Habang isa isa kong napapansin ang bawat ka-batch ko ay nagkakaroon ng sariling pamilya, tahanan, sasakyan at ang iba pa nga ay may mga negosyo aba napag iiwanan naba ko?

Madaming bagay akong natutunan sa experience ko duon at sobrang thankful ako sa mga nakasama kong guro, mga magulang, maintenance, cook etc. at sympre ang mga naging boss ko lalong lalo na sa pagtapos nila ng aking contract LOL. Dahil sa pangyayaring yan madami akong natutunan pa lalo tungkol sa aking sarili para bang nabigyan ako ng second chance para tignan ko naging takbo ng aking buhay sa ibang perspektibo.

Kung hindi dahil sa mga karanasan na iyan hindi sana ako naandito ngayon, wala padin sana akong ipon charot lang!

So sino nga ba ako? Sabi kasi "About me" eh, isa po akong tao na maraming karanasan; mga nakakatawa, nakakaiyak, nakakagalit, nakakabaliw at lahat ng yan ay nais ko mashare sa inyo through my blogs. Hindi na po ako ngayon mayabang confident nalang (parang pinaganda mo lang ate ghorl).



Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?