Aray ku po!
Sakit lang minsan sa damdamin kapag alam natin na hindi ganun ka patas ang mundo pagdating sa face value pwede nating palagpasin lang ito pero hindi pwedeng hindi pagusapan.
Oo "they get it easy" para bang everything is handed nalang, yung bagay na paghihirapan mostly ng iba pero para sa kanila madali lang nila yung makukuha kasi maganda o gwapo sila. Isang magandang halimbawa nalang ang pag vlog this days. Madame ang nangangarap maging vlogger kasi nga naman pa-tour, pa-video tapos kikita kana, para kang naka everyday work from home or kung travel vlog ka naman edi mas bongga every week travel di mo na masabi kung talagang work pa nga.
Isa sa mga napansin kong trend para mas mabilis na makakuha ng audience at hindi ka gumapang muna sa lupa ay ang pagkakaroon ng bonggang face value sama mo na pati magandang katawan, hindi ko naman nilalahat kasi madame padin namang content creators na oh di ko sinasabing panget sila ah! Pero alam mo na hindi sila galing sa mayaman na pamilya na pagstart ng vlog e ang ganda agad ng equipment na gamit or na porselana ang kanilang balat.
Napakahirap makipagsabayan sa mundo na napakalaking factor ng panlabas na anyo lalo na kung hindi ka ica-categorize as beautiful sa lugar na iyon. So ano ano ba ang mga magandang gawin para maiwasan ma-down at ipagpatuloy ang pangarap maging vlogger?
Acceptance
Bago ka tanggapin ng audience mo kailangan tanggapin mo muna ang sarili mo. Nararamdaman kasi ng mga manunuod kapag awkward na awkward ka sa mga vlogs mo at parang hindi ka makapag share ng iyong truth.
Be authentic.
Magpakatotoo ka, mahalaga na malaman ng audience mo, namen, na ayan ikaw yan walang halong filter anyhow hindi mo din naman talaga mapi-please ang buong mundo might as well be you. Kahit naman kasi ano gawin natin applicable din ito sa totoong buhay maging sobrang positive o bait mo pwedeng di ka padin nila gusto, magsabi ka ng totoo ayaw padin nila parang yung kasabihan ba na "damn if you do, damn if you don't" so take the risk and just show people who you are who knows mas madame ang maging audience mo.
Be confident.
Sa mundo ng vlog pakapalan lang talaga just like my friend na recently napapayag ko din mag vlog, sobrang baba daw ng confidence level niya kasi heartbroken sya so sabi ko might as well share everything via vlog just be confident. So ngayon daig nya pa nakapag free therapy very happy sya sa mga engagement na nakukuha nya via her vlog. Be confident lang wag matakot mag explore. Be Dora! Char bawal padin lumabas ECQ pa ha ha.
Be patient.
Patience is a virtue! Sobrang gasgas na pero sobrang totoo talaga. Kapag nagsisimula ka palang ng vlog unless nalang siguro artista ka 100k agad views mo pero kung isa ka lang hampas lupa tulad ko masaya na maka 37 blog views a day. Anyhow magkaiba din naman kasi ang audience ng blog at vlog pero still just like any business mahina kapag nagsisimula palang.
Treat it like a business.
As mentioned above kinumpara ko ang vlogging sa business kasi hindi po siya katulad ng iniisip ng marami na "ay basta mag video lang ako tapos pak pera na!" Sana nga ganun lang yun kadali pero mas komplikado papala siya kesa sa inaakala ng lahat. Hawak mo lang ang oras mo at hindi mo kailangan mag paalam kay Boss kung kelan ka uuwe pero the rest is kailangan mo mag asikaso padin talaga so maging masipag kapadin.
Don't compare your work with others.
Oo nakakainis nga kasi yung isang kagagawa palang ni-like ng friendships niyo pero yung sayo hindi. Wala tayo magagawa kasi ganun na ka-honest ang mga tao ngayon sa mga bagay na gusto at hindi nila gusto. Mas sipagan mo nalang at pagandahin pa ang content mo. Wala na tayo magagawa kung mas mabilis ang progress ng gwapo mong friend ibigay mo na sa kanya yun, basta mahalaga meron kang sariling style mo na mas tatanggapin ng tao hindi lang dahil may abs ka kundi dahil maganda talaga sya. Mas masarap yun sa pakiramdam diba?
Comments
Post a Comment