Come back strong!

Patapos na ang ECQ halos sa lahat ng parte ng bansa, pero may mangilan ngilan na naiwan under ECQ. Madameng relasyon ang talaga namang sinubok ng pandemic na ito pati na ang relasyon natin sa ating sarili.

Hindi naging excuse ang pandemic para sa mga nagmamahalan na magkahiwalay sa halip ito pa nga minsan ang talagang sumubok sa tatag ng relasyon ng iba. Kaway kaway sa mga tigang dyan! Char.

Para sa mga iniwan ng mga jowa nila ngayong pandemic at nag-iisip kung paano na nga ba ang buhay nila after since meron pa tayo ngayong tinatawag na "new normal". Ito ang mga tips na sana ay makatulong sa inyong mga kinain ang confidence dala ng pagkawala o pag ayaw sa iyo ng iyong walang hiyang ex jowa este ng iyong minamahal.

  • It is not your fault.
Ang pagtatapos ng isang relasyon matapos niyong ibigay ang lahat lahat ng inyong pagmamahal at effort ay hindi kasalanan nino man. Kailangan mo lang tanggapin na hindi kayo ang para sa isa't isa. Of course this is not the case kung merong isang nagloko o sadyang umayaw nalang bigla, maaring check mo din sa previous blog ko baka meron kang nagawa duon na naging dahilan bakit nag expire ang relasyon niyo pero hindi ibig sabihin nito ay dapat mo na sisihin ang iyong sarili, tanggapin mo lang at alamin kung ano ang mga dapat itama para sa susunod mong jowa.

  • Time is precious to be wasted.
Tama lang na magmukmok at malungkot pero wag mo tagalan girl kasi sayang ang oras na ilalaan mo sa pag-iisip paulit ulit kung bakit hindi kayo nag work out. Minsan lang tayo mabubuhay wag natin sayangin sa pag-iyak.

  • Stop checking your social media accounts for now. 
Hindi ito ang panahon para mag open ng Facebook dahil baka duon mo pa maisipan mag rant naku po hindi yan maganda sis! Plus hindi makakatulong sayo ang makitang kada selfie mo ay haggard looking ka di mo tuloy maipopost mas makakadagdag ito ng frustration sayo. Once na back na ang iyong natural glow then do it but now is not the time. 

  • Spend more time with your family and friends.
Usually kapag may jowa tayo nalilimutan na natin makipag-bonding sa ating family na mas naunang andyan at palagi paring nandyan para sayo, ito na ang panahon para makabawi ka by spending more time with what matters the most, our family and true friends. Saka na ang paglandi gorl palakas ka muna kay Mama at Papa. 

  • Be productive.
Sa panahon ng tagtuyot charing! Mahalaga sa mga gantong panahon na maging productive ka para hindi ka magkaroon ng oras para isipin ang inyong break up the busier the better ika nga, wag mo bigyan ng chance ang isip mo na mag isip kung asan naba sya o kung namimiss ka na nya kasi girl hindi, kasi busy din sya at nagpapaka productive. 

  • Improve yourself by learning new skills.
Alam kong madame kanang talent kaya nga andame mong tik tok upload e LOL pero mas maganda na madagdagan ang mga kaalaman mo, hindi lang ito makatutulong para makakuha ng bagong jowa makakatulong din ito para makakuha ng bagong kompyansa sa sarili. 

  • Balikalindog project 
Tandaan na ang pinakamalaki mo dapat na investment ay sa iyong sarili at dahil dyan hala sige iturok lahat ng gluta at ipahid lahat ng pwede ipahid para kuminis pa lalo char lang. Mag exercise kung medyo nag gain ng weight dahil sa stress ng break up at dahil wala kanang makaka-date every week mas magkakapera kana para makabili ng mga produktong pampaganda lalo na dati ay wala ka pambili perks of being single!.

Palagi mo tatandaan na hindi lang ito ang unang challenge na nakaharap mo, madame kanang pinagdaanan at nalagpasan kaya wag na wag mo iisiping hindi mo ito kakayanin. If all else fails sa lahat ng mga binigay ko ito na siguro ang alas at siguradong epektibo, mag - PRAY. Oo magdasal ka at magsumbong kay God mas madalas mas maganda at wag ka mag alala di naman siya mapapagod o maririndi sayo. Unti unti mararamdaman mo nalang na gumagaang ang pakiramdam mo sa bawat paglapit mo sa kanya and much better kung mamalayan mo nalang bigla na nag-heal na ang iyong wound and confident kana ulit to be back on the dating game! Good luck 💜 and have fun. Xoxo ❤️

Thoughts to ponder 💭

Jeremiah 29:11
11 For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?