Posts

Showing posts from June, 2020

Toxic People or Culture?

Image
So much ang negativity lately over na over na talaga, ngayon ko lang talaga sobrang naramdaman na nakakahiya ang maging pinoy minsan. Since pumapasok nako ulit sa work nararanasan ko na ulit ang socialization at makarinig ng mga komento mula sa ibang tao either directly or indirectly before kasi puro social media lang dahil sa ECQ. Ngayon ko lang talaga sobrang nadama kung gaano ka-demanding at reklamador ng mga Pinoy omeged! Bigyan ko kayo ng idea ng pinaghuhugutan ko ah para madamay din kayo sa badtrip ko char! Since may pandemic ngayon at stop operation ang mga PUV ang company namin is gracious enough to provide a shuttle bus para ma-pick up kami sa mga designated pick up points susme mababasa ko sa mga post ng co-agents na may nagrereklamo tungkol sa isang TM at gusto ata sa pinakaharap pa ng gate ng bahay nila siya sunduin at ihatid. Enebeyen kapirasong sakripisyo at pakikisama di pa magawa libre na nga halos pamasahe diba. Pero ang pinaka hindi ko kinaya ay ng m

Oh baby ang haba pa ng gabi!

Image
Kumusta naman ang mga bayaning puyat dyan? Day off ko ngayon pero eto 1:42 AM na ay gising na gising padin ako. Para sa mga nakapag trabaho o nagta-trabaho padin sa call center I'm sure alam na alam niyo ang ganitong scenario kapag day off niyo. Isa siguro ito sa dahilan kung bakit medyo mas mataas ang sahod ng konti sa BPO kumpara sa iba. Opo hindi po kasi ganuon kadali maliin at itama ang body clock kaya minsan kahit day off gising ka padin ng gabi kaya kahit gustuhin mo man i-enjoy ang day off mo na katulad ng mga normal na tao ay hindi mo magagawa kasi sa panahon na gising sila tulog ka naman ala bampira style rawr! Recently naka-encounter nanaman ako ng mga comments about sa line of work na meron kami mga front liner daw na hindi naman ganuon kahirap ang ginagawa at puro paglandi lang naman ang meron sa production area, eh ihampas ko kaya sa inyo tong keyboard ko charot lang! make love not war LOL. Nakaka-lungkot mang isipin pero hindi talaga lahat ng trabaho ay n

Experiencing the New Normal

Image
Part ng new normal ang hindi pwedeng magkasakit Forbidden word ang "lagnat" unless gusto mo ma-tag as Person under investigation or PUI. Sa pagbabalik ko sa company a few days ago dalawang bagay lang ang naramdaman ko fear and excitement. Syempre unahin natin yung positive kasi positibo akong tao hindi po positive sa covid ah baka padampot nyo ko sa ambulance ng DOH what I mean is positive mindset. Sobrang excited ako na para bang first day of school ang magaganap, gabi palang ready na ang OOTD (outfit of the day) ko alam ko na ang oras ng alis ko at nakapagplano nako na magpa-parlor para naman fresh! Buhok na nga lang makikita at least maganda diba. Pati bag ko ready na. Unlike before simple lang ang preparation ko sa gamit mas nagtatagal ako sa kalandian ko sa mukha pero dahil naka mask naman useless na ngayon ang mag make up. Ang small bag ko hindi na uubra kailangan ba talaga is backpack kasi kailangan ko magdala ng extra mask in case mawala yung suot ko,

Baby patayin mo ilaw!

Image
Habang ang lahat ay nagka-kagulo sa opisina dahil pilit nilang inaalam kung sino ba yung hinayupak na pumasok kahit siya pala ay PUI (person under investigation - covid19) ako naman ay biglang nakaisip ng magandang topic para sa aking blog. Gusto ko talakayin natin ang tungkol sa mga lalaking tila ba hirap tayo mahalin ouch! Napaka timely at sobrang relevant talaga minsan mga ideas ko eh ako na talaga LOL. Nabasa ko kasi sa isang post ng aking Twitter friend sabi nya bakit daw ba ang mga lalaki manliligaw at magpapakahirap na makuha ang iyong matamis na oo tapos kapag naging kayo na is hindi na pahahalagahan at mag move on agad sa iba, tinatanong niya kung bakit daw ganuon magmahal ang mga lalaki. Naisip ko lang gumawa ng blog para masagot yung tanong niya na alam ko namang tanong ng marami, sa perspective ng isang babae na nakikialam lang kasi gusto ko ha ha. Nuong panahon ng ako ay isa pang kagalang halang na guro palagi kong sinasabi sa aking mga estudyante especially sa

Rant pa more!

Image
Ang lamig naman ng panahon parang ang sarap nang may kasamang jowa at habang patuloy ang pagpatak ng ulan kayong dalawa naman ay patuloy din ang paglalandian harot! Bakit nga ba kapag gloomy ang weather pati ang emotions natin affected tipo bang bet mo ring makisabay sa pagluha ng langit (ay wow deep ka dyan teh). Sa mga ganitong kalamig na panahon masarap sariwain ang mga masasaya at mga kapalpakan mo sa buhay tapos matatawa ka nalang kasi ano pa nga ba magagawa mo. Dumagdag pa nga itong covid sa mga isipin ng taong bayan pati tuloy mga celebrities tinatamaan na siguro ng saltek dahil hindi makalabas ng bahay, nakakagulat tuloy na yung mga dating sweet na sweet ang image akala mo mga nagwawala na sa social media, mga hindi naman dati political bigla nalang concerned na concerned sa government ngayon. Ooopppss hindi ito blog to focus on politics ayoko ng mga ganyang usapin at masyado na magulo mundo makikidagdag paba ko? Pero ano nga bang pinupunto ko sa blog na ito na

Dream Guy

Image
Ay Father's day pala ngayon, salamat sa Facebook at napapaalala tuloy sa atin ang mahahalagang ganap sa bawat araw, kaya habang naikot ang aming washing machine mega post ako ng picture namin ni Papi. Let me tell you more about my Papi tutal araw ng mga ama ngayon flex ko lang ang tatay ko. Katulad na nga ng nai-share ko last time sa aking "Apple does not fall far from the tree" blog ko nasabi ko duon ang kanyang brief background at kung paano nila kami naitaguyod ni Mamsi. Kung di mo pa nababasa aba basahin mo sayang ganda ng pagkakagawa ko dun emotional tulo uhog ko e char! Sa totoo lang kapag sinusubukan kong balikan ang aking kabataan at isipin ang mga memories namin ni Papi ay talagang humahanga ako sa kanya hindi dahil tatay ko sya kung hindi dahil talagang napakabuti nyang tao. (Pa libre mo ko pag nabasa mo to ah?! Chareng!) Alam mo yung parang wala siyang masamang buto sa katawan bagay na gusto ko sanang mamana kaso tingin ko malayong malayo at madame

My Brother's keeper

Image
Recently naging madalas ako sa shop namin kasama ang dalawa kong senior na magulang unlike before mas nage-enjoy ako ngayon sa company nilang dalawa. Dati pa naman appreciative na ako sa mga nagawa at nagagawa pa rin ng aking magulang para sa amin pero I have never seen them in this light. Iba talaga ang nagawa ng pandemic na ito sa lahat, promise! Madaldal ako sobra but recent experiences taught me and changed me in ways na akala ko is hindi mangyayari sakin. I learned to choose my battles and to let go of things I cannot control. Sa mga panahon ng pagninilay nilay dahil sa quarantine madami pa akong mas narealize at naappreciate sa dalawang tao na buong buhay ko ay nandyan lang palagi para sa akin. Hmmmmmmm emotional nanaman ata ate nyo kasi may migraine kaya tyagain nyo na ang blog ko LOL! Sa pagsama sama ko sa kanilang dalawa na-realize ko kung gaano na pala kalaki ang itinanda ng aking mga magulang, ang pagputi ng kanilang mga buhok at ang bawat hakbang ng kanilang mga

Employee of the year

Image
Return to site. Ang pinaka ayaw ko makita sa aking messanger coming from my Team Manager, although I do have the option na wag muna pumasok pero dahil isa akong hampas lupa at soon enough ay maaaring wala na talaga akong makain walang magagawa si Inday kung hindi mag report to work kahit natatakot sa covid. Masaya naman sa aming company and I really like the culture na pilit nilang pino-promote although madame ng changes it is inevitable naman talaga especially on a growing site like us at sa lahat ng mga changes that we encounter iba ibang uri ng responses from employees ang napapansin kong narereceive ng management. Usually ang employees naman para yang tribo tribo eh pwedeng small in numbers but never alone, parang ang sad naman din nun kung wala ka sa category! Ito na ang iba ibang tribo ng employees for me: Pak Boys Oo alam ko namang alam mo ibig ko talagang sabihin by the name of the group pero gawin nating wholesome para naman sa mga young readers ko kung meron cha

Welcome to Mobile Legends!

Image
Habang naglalaro ng mobile legends kanina at matalo ng dalawang beses tapos manalo ng tatlong bess gamit ang hero na matagal ko ng di ginagamit kaka-adjust sa mga kakampi kong tanging meta lang ang alam na laro at di marunong mag experiment na kapag nag iiba ang line up GG agad ang kanilang verdict sa laro, ang lakas maka nega diba? Parang may ilaw bigla sa ulo ko at naisip kong gumawa ng list ng iba't ibang uri ng toxic na Mobile Legends players na kahit gaano sila ka-toxic bilang kakampi in the end is iki-keep mo padin sila kasi kailangan mo sya for a certain purpose and that is to win the game. Cancer Ito yung general term na gamit ng lahat kapag hindi nila gusto ang kakampi nila. Para sakin madaming uri ito hindi lang iisa kaya break down natin siya into pieces para masaya. Disclaimer lang sa mga emotional na tao dyan as this is based on my very biased opinion kaya wag kayong ano!  Negatron Tulad nga ng nabanggit sa taas ang mga negatron ay yung mga kakampi

Apple 🍎 doesn't fall far from the tree 🌳

Image
Hi mga beshy! Naisip ko lang mag share ng something more about me narcissistic kasi ako char! Sa makikita nyong video na iuupload ko kasama ng blog na ito makikita nyo ang aking hidden talent na not so hidden. As you can see meron kaming mga makina, yan po ay dahil ang kinalakhan kong munting negosyo ng aking magulang ay ang pananahi. Simple lang ang aking mga magulang ang aking Papi na isang magsasaka at ang aking Mamsi na tindera ng Komiks. Pareho silang galing sa probinsya na lumipat sa Cavite hanggang sa maisipan ng aking Papi na kumuha ng makina sa Junk at ayusin, yun ang naging unang makina namin (pero di pa ko buhay nyan! LOL) at yun din ang naging simula na maisip ni Papi na maging hanapbuhay ang pananahi. Wala akong masabi sa sobrang sipag at dedikasyon ng aking magulang na maitaguyod ang aming pamilya sila ang klase ng magulang na hindi papayag na magutom ang kanilang mga anak. Hindi naging hadlang ang hindi nila pagiging tapos sa pag-aaral para hindi makapag

Nandito ako umiibig sayo ❤️

Image
Habang natugtog ang kantang "Later" at nakatutok ang electric fan sakin na para bang inaakit ako either matulog o mag - emote I choose the latter ay pak oh latter daw! Para makatulong naman tayo sa ekonomiya ng bansa at talaga namang maipabatid ang ating stand about sa mga current issues na nagaganap ngayon tara nat pagusapan natin ang iba't ibang style ng mga manliligaw LOL! Siyempre hindi naman sa nagmamaganda ako or something pero parang ganon naden hah! Eh tayo naman po eh nakaranas din na suyuin ng mga boylet na hindi nakaiwas sa aking kamandag char. Boy next door Siyempre ang simula dapat palagi wholesome baka kasi magalit ang MTRCB char! So ito yung mga klase ng manliligaw na tipo bang sobrang linis ng record, kung mame-meet mo sila sa school sila yung mga studious at minsan combination pa ng sporty kasi varsity din sya ng school. Sila yung mga boylet na hindi ka mapapahiya kapag ipinakilala mo sa magulang mo same din kapag working kana sila yung