Apple 🍎 doesn't fall far from the tree 🌳

Hi mga beshy! Naisip ko lang mag share ng something more about me narcissistic kasi ako char!

Sa makikita nyong video na iuupload ko kasama ng blog na ito makikita nyo ang aking hidden talent na not so hidden. As you can see meron kaming mga makina, yan po ay dahil ang kinalakhan kong munting negosyo ng aking magulang ay ang pananahi.

Simple lang ang aking mga magulang ang aking Papi na isang magsasaka at ang aking Mamsi na tindera ng Komiks. Pareho silang galing sa probinsya na lumipat sa Cavite hanggang sa maisipan ng aking Papi na kumuha ng makina sa Junk at ayusin, yun ang naging unang makina namin (pero di pa ko buhay nyan! LOL) at yun din ang naging simula na maisip ni Papi na maging hanapbuhay ang pananahi.

Wala akong masabi sa sobrang sipag at dedikasyon ng aking magulang na maitaguyod ang aming pamilya sila ang klase ng magulang na hindi papayag na magutom ang kanilang mga anak. Hindi naging hadlang ang hindi nila pagiging tapos sa pag-aaral para hindi makapag paaral ng anak. Palagi nilang sinasabi na kaya sila umalis sa Probinsya nila at lumipat sa Cavite kasi kahit probinsya ito ay mas maunlad na dito, hindi daw nila gusto na lumaki ang anak nila na katulad din nilang hirap sa buhay at hindi nakapag aral.

Kaya dala ang kanilang damit at kakaunting gamit ay lumuwas sila papuntang Cavite. Tandang tanda ko pa ang mga pang mala MMK na kwento nila Mamsi sa una nilang tinirhan, dahil nga sa kakaunti lang ang dalang gamit ultimo batya ay kailangan niya pang manghiram palagi para lamang makapag laba, iyak siya ng iyak nuon ng masabihan ng kapitbahay na "oh baka sa susunod pati asawa ko hiramin mo na?" kaya gumawa ng paraan si papa na magkaroon ng sarili.

Masasabi ko ding naging magaling ang aking magulang ng sa pagkakaroon ng anak kasi si ate at kuya ko lamang ang magkasunod, kasi when it was my turn 10 years na ang naging gap namin ng kuya ko at 6 years naman ako sa bunso namin (talking about family planning diba?!).

Ang makina na nagmula sa junk shop ay napalago at napadami kasabay ng aking paglaki so claim ko na, na ako talaga ang lucky charm char! At nakalipat kami ng bahay pero nagrerenta padin habang ang magulang ko ay patuloy sa pagtatrabaho ang Mamsi ko sa isang kumpanya sa Dasma at ang Papi ko sa kanyang patahian.

Isang araw napadaan si Mamsi sa La Salle Dasma at sinabi nya sa kasama nya "maganda siguro makapag paaral ng anak diyan ano?" binatukan sya ng kasama niya at sinabing "wag kana mangarap at hindi mo kaya". Sobrang lungkot ni Mamsi nun at nag-ala Sharon na "bukas luluhod din ang mga tala!" charing lang!

Gusto ko pong magpasalamat sa mga taong nagtulak sa magulang ko para mas pataasin pa ang kanilang pangarap. Awa ng Diyos at sa tulong narin ng ilang bumbay na mahaba ang pasensya maningil araw araw sa shop nakapag patapos po ang aking magulang ng tatlong Anak sa La Salle.

Katulad po ng aking magulang gusto ko din mangarap ng mataas at possible sabi kasi nila wag ko daw titipirin ang aking sarili kasi libreng libre naman mangarap bakit hindi mo pa taasan. Proud na proud po ako sa accomplishments ng aking magulang na isang magsasaka at isang tindera na ngayon ay may sarili ng bahay at patahian, sila ang dahilan kung bakit ako naniniwala sa pangarap, sipag at pagmamahal.

Mahal na mahal ko kayo MAMA AT PAPA. ❤️

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?