Toxic People or Culture?
So much ang negativity lately over na over na talaga, ngayon ko lang talaga sobrang naramdaman na nakakahiya ang maging pinoy minsan. Since pumapasok nako ulit sa work nararanasan ko na ulit ang socialization at makarinig ng mga komento mula sa ibang tao either directly or indirectly before kasi puro social media lang dahil sa ECQ.
Ngayon ko lang talaga sobrang nadama kung gaano ka-demanding at reklamador ng mga Pinoy omeged! Bigyan ko kayo ng idea ng pinaghuhugutan ko ah para madamay din kayo sa badtrip ko char!
Since may pandemic ngayon at stop operation ang mga PUV ang company namin is gracious enough to provide a shuttle bus para ma-pick up kami sa mga designated pick up points susme mababasa ko sa mga post ng co-agents na may nagrereklamo tungkol sa isang TM at gusto ata sa pinakaharap pa ng gate ng bahay nila siya sunduin at ihatid. Enebeyen kapirasong sakripisyo at pakikisama di pa magawa libre na nga halos pamasahe diba.
Pero ang pinaka hindi ko kinaya ay ng malaman ko na ang libreng food na pino-provide ng company ay may reklamo padin ang mga tao, kesyo bakit palagi manok, paano yung may mga allergy, magkaka-pakpak nadaw sila sa ulam, wala daw masyado lasa susme! Ano ba naman yan people of the Philippines napaka entitled naman ata natin di na tayo marunong mag-adjust akala ko ba mahirap ang bansa natin with mahihirap na tao? Then why are we acting like spoiled brats?
Siguro ito ang old normal na hindi na mawawala kasi patuloy syang naipapasa sa new generation. Ewan ko ba pero hindi ko talaga mapigilang hindi magsalita about how ungrateful we have become. Siguro kung buhay pa si Rizal at Andres sa panahon natin ngayon baka nasampal na tayo nun ng tsinelas sa arte natin ngayon. Siguro napapaisip na din sila Luna kung ito ba ang bansang naging dahilan ng kanilang kamatayan? Ito bang mga taong ito ang pinaglaban nila para maging malaya? I'm sure mapapatakbo si Apolinario sa attitude ng mga Pinoy ngayon.
Comments
Post a Comment