Welcome to Mobile Legends!

Habang naglalaro ng mobile legends kanina at matalo ng dalawang beses tapos manalo ng tatlong bess gamit ang hero na matagal ko ng di ginagamit kaka-adjust sa mga kakampi kong tanging meta lang ang alam na laro at di marunong mag experiment na kapag nag iiba ang line up GG agad ang kanilang verdict sa laro, ang lakas maka nega diba?

Parang may ilaw bigla sa ulo ko at naisip kong gumawa ng list ng iba't ibang uri ng toxic na Mobile Legends players na kahit gaano sila ka-toxic bilang kakampi in the end is iki-keep mo padin sila kasi kailangan mo sya for a certain purpose and that is to win the game.

Cancer
Ito yung general term na gamit ng lahat kapag hindi nila gusto ang kakampi nila. Para sakin madaming uri ito hindi lang iisa kaya break down natin siya into pieces para masaya. Disclaimer lang sa mga emotional na tao dyan as this is based on my very biased opinion kaya wag kayong ano! 

Negatron
Tulad nga ng nabanggit sa taas ang mga negatron ay yung mga kakampi na wala manlang ka-kumpya kumpyansa sa balat. Tipo bang kapag hindi iyon ang usual line up talo nadaw agad start palang ng game, sila yung masarap asarin kapag nanalo ang team after kasi instead of promoting team play nagfo-focus agad sila sa kung bakit hindi mananalo ang team sa game. Hello sa report button negative player option ha ha. 

Complaint Manager
Hindi ito isang department sa isang kumpanya pero isa itong tao na ubod ng daming reklamo sa kakampi or sa kalaban. Bakit daw inagaw ang buff nya, bakit daw hindi nasama ang tank, bakit antagal sumanib ni Angela (di ba pwedeng cool down ang skill?). Sila yung feeling entitled sa laro in the sense na kailangan lahat ng bagay ay ireklamo nya to the point na nakakainis na. 

Obob
Eto naman yung ka-team or kalaban na mahilig gumamit ng "obob" referring to "bobo" daw. Tipo bang lahat nalang ng maling gawin either ng kakampi o kalaban ay kailangan nya sabihan nito minsan tuloy maiisip mo nalang "is he referring to himself?" charot! 

Like a boss
Sila naman yung mga walang respeto sa mga kakampi at akala ata ay naglaro ka para pagsilbihan sila. 

"Tank sunod ka lang sakin" 
"MM mid ka lang" 
"Isa dito sa top" 
"Ano ba naman yan mage wag ka feeder" 

Oh diba? Tinalo pa nila ang boss mo sa kumpanya kung mag mando tapos ang ending pa minsan sya yung pinaka useless or weak sa team. Bago bago din pag me time real talk pak! 

Rationale
Ito naman yung ayaw nalang maglaro dami pang dahilan, kapag napatay sya kasi lag daw pero ang worse yung magsasabi pa na "eh kasi naman tatlo kayo!" op corz kyah! Kaya nga hanggang S5 ang selection ng gagamiting hero kasi ibig sabihin pwede ka nila ma-gang bang anytime kaya wag kana magdahilan na 1 v 1 lang edi sana kayong dalawa nalang naglaro diba? Baka kasi nakakaabala pa kaming team mates mo sayo LOL.

Focus
Ito naman yung gamer na sa di ko malamang dahilan eh meron specific na hero na pinaglalaanan ng pansin, hindi mo tuloy malaman kung crush ka lang ba niya or sadyang kinulang siya ng pagmamahal kaya ibinubuhos nya sayo ang lahat ng love na kinulang sa kanya enebe kyah! Pati binili o hindi pa binibiling equipment ng kakampi pinapakialaman pero aim lang sya sa specific na hero. Crush mo kyah?

Back Driver
For me ito yung mga pinaka nakakairitang kakampi, sila yung turo ng turo kung ano ang gagawin mo habang hindi mo naman hinihingi ang opinion nila. Para sakin ito yung mga nagfi-feeling magaling kahit hindi naman, no offense andame ko ng nakalaro pero isa talaga ang common denominator ng mga sobrang gagaling na players that make them stand out and that is never sila nakialam sa kakampi, walang oras mag chat tapos magugulat ka nalang wipe out na kalaban LODI! It goes to show na hindi sila takot mabasagan ng star kasi confidence is the key kaya kung ikaw ngaw ngaw ka ng ngaw ngaw dahil sa iisang star na mawawala sayo well then siguro sing level lang kita sa galing practice pa tayo para ma-achieve ang God-like level nila. 

I think that is about it for me. Maaring para sa iba magtaka sila kung bakit ang mga weak players ay hindi ko sinali sa list well here is my honest opinion on that, kaya nga may classic para makapag practice sila plus mas mahalaga for me kung paano ka maglaro as team player coz miracles do happen, alam mo yung kahit kitang kita na talo ang team nyo kasi sobrang gagaling ng mga kalaban sabayan pa ng pagiging keyboard warriors nila pero classy lang ang team nyo and always pushing everyone sa positive like "okay lang kaya natin to" soon enough minsan nananalo padin ang team eh as long as walang buraot na kakampi. One more thing I also learned from this game is wag mag insult ng kakampi or else masisira lalo ang mood and diskarte niya and it can lead to worse results for your team. Be a team player it takes practice pero kaya mo yan ati!

Ikaw ano ano bang uri ng toxic moba players ang na-encounter mo na? Comment down below. 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.