Nandito ako umiibig sayo ❤️

Habang natugtog ang kantang "Later" at nakatutok ang electric fan sakin na para bang inaakit ako either matulog o mag - emote I choose the latter ay pak oh latter daw!

Para makatulong naman tayo sa ekonomiya ng bansa at talaga namang maipabatid ang ating stand about sa mga current issues na nagaganap ngayon tara nat pagusapan natin ang iba't ibang style ng mga manliligaw LOL!

Siyempre hindi naman sa nagmamaganda ako or something pero parang ganon naden hah! Eh tayo naman po eh nakaranas din na suyuin ng mga boylet na hindi nakaiwas sa aking kamandag char.

Boy next door
Siyempre ang simula dapat palagi wholesome baka kasi magalit ang MTRCB char! So ito yung mga klase ng manliligaw na tipo bang sobrang linis ng record, kung mame-meet mo sila sa school sila yung mga studious at minsan combination pa ng sporty kasi varsity din sya ng school. Sila yung mga boylet na hindi ka mapapahiya kapag ipinakilala mo sa magulang mo same din kapag working kana sila yung mga hindi pa madame ang nagiging jowa or better kung at your age e NBSB padin sya, hardworking plus nakabukod na siya so ikaw nalang ang kulang ati push mo na yan! 

Knight and shinning armor
Ito naman yung mga tipo ng manliligaw na handa kang pakinggan sa mga rant mo sa buhay ke may kwenta pa yan o wala (halimbawa nalang ang pagkabasag ng make up mo dahil sa sarili mo naring katangahan) basta andyan lang sila para sayo. Magaling din silang sumalo ng mga palpak mo sa trabaho at gawan ng paraan ang mga poblema mo; handa siyang ipagtanggol ka kahit pa sa nanay nya oh ha! 

Mr. Grey
Ito naman yung mga manliligaw na minsan masasabihan mo nalang na "mukha ba akong santo? Bakit ba hawak ka ng hawak?". Sila yung mga manliligaw na magiging cause kung bakit parang gusto mo ng pumunta sa HR kasi feeling mo araw araw nalang may nang mamanyak sayo tapos ang common niyang reason is nasanay daw syang ganun kahit sa mga kapatid niyang babae at nanay nya. Nek nek mo! 

Bad boy
Ewan ko ba di ko mapigilang hindi banggitin si Mr. Robin Padilla kapag naiisip ko ito, sila yung source ng lahat ng kilig mo sa katawan kahit na naiinis kana sa pagiging bad boy nya kasi swabeng swabe ang galawan ni kyah kyah mapapa sabi ka nalang ng "enebe kyah". Sila yung mga hindi conventional ang style ng panliligaw, hindi ka nila i-baby and from time to time ay talagang hindi ka nila pagbibigyan sa lahat ng gusto mo pero at the same time hindi sila mag fe-fail na iparamdam sayo na kahit ganon ay mahalaga ka. Sila yung magiging reason kung bakit kahit ayaw mo sa naninigarilyo o nainom ay parang okay nadin sayo kasi alam mo na deep inside mabuti padin silang tao at mahal ka nila talaga. 

Shy guy
Instert Diana King :
I don't want no fly guy
I just want a shy guy
Thats what i want yey
You know what i want yey

Oo shy guy, sila yung mga kalimitang NBSB dahil nga sa ganyang ugali nila, sila yung tipo ng manliligaw na hindi mo maconfirm kung nanliligaw nga kasi hindi ka nila pinagkakakausap tapos kapag may ibibigay sila sayo kulang nalang lamunin sila ng lupa bago maiabot. Sila din yung most likely eh aabutin kayo ng siyam siyam bago mo masagot kung siya na gusto mo kasi napaka mahiyain nga kabuset na minsan ha ha. 

Shoulder to cry on
Ito yung mga manliligaw na madalas na nababasted kasi na friend zone na sila. Siya yung kaibigan mo na andyan palagi sa mga oras at araw na malungkot ka, minsan isa sa reason kaya sya na-fall sayo kasi nakita ka niyang umiiyak over some guy na feeling mo is hindi ka nabibigyan ng sapat na attention so while you are pouring your heart out unti unti na pala siyang nahuhulog sayo. Mostly hindi sila makapag tapat kasi nga natatakot sila na magbago ang pakikitungo mo sa kanya at hindi mo na siya tawagan kapag may poblema ka. 

Abangers 
Siyempre kung ang exam may bonus questions dito naman meron tayong bonus sa list. Hindi ko kasi malaman kung tama bang category na dito sila ilagay pero kailangan kasi natin irecognize din ang mga taong ito, mga taong nakaabang lang sayo. Hindi nalapit, hindi nakikipag kaibigan or nakikipagusap manlang pero sila yung once na nagchange kana ng status into single e agad agad naka attack mode. 

Sa lahat ng qualities na meron sila sino sa tingin mo ang pinaka magugustuhan mo? Comment down below wag ng mahiya! Para naman sa mga nanligaw sakin before maraming salamat sa pag appreciate ng aking pagkatao don't worry na-appreciate ko din kayo, nawa ay nahanap niyo na ang babae na para sa inyo. Ciao! ❤️ 


Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.