Oh baby ang haba pa ng gabi!

Kumusta naman ang mga bayaning puyat dyan? Day off ko ngayon pero eto 1:42 AM na ay gising na gising padin ako. Para sa mga nakapag trabaho o nagta-trabaho padin sa call center I'm sure alam na alam niyo ang ganitong scenario kapag day off niyo. Isa siguro ito sa dahilan kung bakit medyo mas mataas ang sahod ng konti sa BPO kumpara sa iba. Opo hindi po kasi ganuon kadali maliin at itama ang body clock kaya minsan kahit day off gising ka padin ng gabi kaya kahit gustuhin mo man i-enjoy ang day off mo na katulad ng mga normal na tao ay hindi mo magagawa kasi sa panahon na gising sila tulog ka naman ala bampira style rawr!

Recently naka-encounter nanaman ako ng mga comments about sa line of work na meron kami mga front liner daw na hindi naman ganuon kahirap ang ginagawa at puro paglandi lang naman ang meron sa production area, eh ihampas ko kaya sa inyo tong keyboard ko charot lang! make love not war LOL.

Nakaka-lungkot mang isipin pero hindi talaga lahat ng trabaho ay nabibigyan ng importansya ng nakararami parang worth mo lang yan as a person; as long as hindi ka nila napapakinabangan hindi ka mahalaga sa kanila, magpakatotoo lang tayo mostly naman talaga ganun sa mundo and to be honest ganun din ako before hindi ako appreciative sa works ng iba halimbawa nalang sa mga nurse (oh kalma dati nga ito ha!) may pagka Mrs. Villar lang ang peg ko nuon tipo bang "bakit kaya need pa silang pahirapan sa school eh taga assist lang naman sila ng doctor diba?" hanggang sa ma-stroke ang papa ko, totoo pala yun, maa-appreciate mo talaga ang mga nurse kapag meron ng may sakit sa family niyo.

Nakita ko na kailangan talaga ng sapat na kaalaman kasi sila ang humaharap sa bawat pasyente at nagbibigay ng gamot imagine kung wala silang alam sa mga gamot paano na? Eh iilan lang naman ang doctor at hindi sila ang palaging nandyan para magbigay ng gamot sa tamang oras. Sobrang thankful ako lalo na sa mga nurse na talagang kita ang concern sa pasyente pero sympre hindi din maiiwasan na may mga days na wala sila sa mood tao din mga yan isipin mo nalang baka bagong break sa jowa hi hi.

Ang mga physical therapist ay unknown for me until such time na kinailangan na nga din sila ng papa ko, grabe ang bigat ng mga binubuhat nila tuwing therapy para lamang bumalik sa dati or at least ay makapag lakad ang pasyente. Sobrang appreciated ko tuloy sila lalo na ng makita ko na sila in action sobrang hirap pero worth it kapag ayan na ang result kasi forever grateful na ang patient sa kanila imagine ang tyaga at pagod nila diba! 

Ganuon din sa work namin sa BPO hindi niyo kami maa-appreciate unless magka-poblema na kayo, imagine the hassle na magpa-schedule ng technician tuwing masisira ang Globe or PLDT connection mo unless makaluma ka edi go punta ka mismo sa office pero kung katulad kita na malaki ang pang hihinayang sa pamasahe at oras na ma-spend ko for a schedule tawag nalang ako toll free number naman; kapag fee avail natin yan sis!

Naala ko din yung frenny ko ng bawasan ng BPI ang money transfer nya pero pag check nya hindi pumapasok sa kabilang account eh beyond banking hours na iyon imagine the dilemma kung maga-antay kapa the next day para malaman kung mababalik paba ang pera mo, pero siya in 15 minutes nagawan na ng trouble ticket and na-fix ang issue within 24 hours. Oh diba isang tawag lang pak na!

Oh ha! Kaya dapat maging proud tayo sa mga kapwa natin Pinoy na nakakapag-assist hindi lang dito sa Pilipinas pero sa buong mundo kasi ganun tayo kagagaling angat na natin sarili nating bangko diba. 

Hindi ko mapipilit ang lahat maging appreciative kasi hindi naman tayo pare-pareho ng mindset malay ko ba kung sadyang nega ka lang sa mundo kaya pati kami napag didiskitahan mo, pero sana matuto tayo na maging ma-respeto sa iba at least bilang tao, paulit ulit ng sinasabi satin na ang mundo already have a lot of negativity on it, wag na tayo dumagdag sige ka pa-panget ka! 

Comments

  1. Lav it! galing naman! ganda ng topic na ito. miss you


    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?