Employee of the year

Return to site. Ang pinaka ayaw ko makita sa aking messanger coming from my Team Manager, although I do have the option na wag muna pumasok pero dahil isa akong hampas lupa at soon enough ay maaaring wala na talaga akong makain walang magagawa si Inday kung hindi mag report to work kahit natatakot sa covid.

Masaya naman sa aming company and I really like the culture na pilit nilang pino-promote although madame ng changes it is inevitable naman talaga especially on a growing site like us at sa lahat ng mga changes that we encounter iba ibang uri ng responses from employees ang napapansin kong narereceive ng management. Usually ang employees naman para yang tribo tribo eh pwedeng small in numbers but never alone, parang ang sad naman din nun kung wala ka sa category! Ito na ang iba ibang tribo ng employees for me:

Pak Boys
Oo alam ko namang alam mo ibig ko talagang sabihin by the name of the group pero gawin nating wholesome para naman sa mga young readers ko kung meron char! Sila yung mga klase ng employees na parang pumasok lang sa work para manghagad ng mga tinatawag nilang "chix" at oo hindi manok ang ibig nilang sabihin diyan. 

Smokers 
Ito naman ang tribo na kapag nakasama mo ay para kang palaging nasa heaven LOL. Madalas silang nasa labas or sa tinatawag na designated smoking area at masasayang nagku-kwentuhan habang inuubos ang stick ng sigarilyo. Ito ay nagaganap sa mga 15 minute breaks at pati sa lunch. 

Pak Girls
For the sake of being fair syempre banggitin nadin natin ang ating mga talaga namang espesyal na dilag. Sila naman yung mga uri ng empleyado na kadalasang ang goal ata ay hindi ang kumita ng pera kung hindi ang makapang boylet lamang sa luob ng kumpanya. Hindi ko naman po nilalahat pero kadalasan daw ayon sa aking lalaking reliable source; na sila yung ang mga pananamit araw araw ay talaga namang nagbibigay senyales sa kanila dahil kahit na ubod ng lamig ay pak! Kita ang tiyan, labas ang likod or minsan pa nga ay may pagka see through ang kanilang suot (wow tiis ganda na literal!). 

Dream Big
Ito yung grupo na masarap samahan kasi they will lift you up kasi gusto nilang sabay sabay kayo ma-promote. Sila yung mga positive thinkers and choose to always think of the good thing sa bawat situation. Syempre expect nadin natin na marunong sila makisama sa mga big bosses (parang mga straw char) kasi nga they want to learn from them daw to improve oha! 

Reklamador
Medyo toxic pero hindi kasi talaga nawawala ang ganitong uri ng grupo isang workplace at sila ang maaring maging cause ng pagreresign ng isang ka-trabaho dahil imbis na hindi naman nila naiisip ang mga bagay na iyon ay nagatungan pa ng mga ito. Sila yung mahirap i-please sa luob ng kumpanya kasi lahat ng ganap madami silang mema (memasabi). Para bang kumpanya ang kailangan mag adjust para sa kanila at parang pakiramdam mo ba ay anytime ay magra-rally sila sa sobrang dami ng demands. 

Corporate Hypocrisy (Hypocrite) 
Sila for me yung mga silent killers, mga taong magaling makiharap pero humanda ka kapag ikaw na ay nakatalikod. Kahanga hanga na ma-obserbahan ang kanilang kakayahang makisalamuha kahit na sa pinaka ayaw nilang Leader o Leaders. Sila yung sobrang galing makisama sa management and at the same time makisama sa mga nasa ibaba ng food chain. Alam nila kung kelan dapat magsalita at kailan dapat hindi. 

Avatar Ang
Para sakin sa tribong ito masarap sumama kung di ka naman nangangarap ng kahit ano maliban sa sumweldo ng walang dispute at magtrabaho ng marangal. Pwede natin silang ihalintulad kay Ang ng Avatar the last air bender kasi sobrang chill lang nila. Hindi gusto maging involve sa kahit anong gulo sa company, matiwasay na tatanggapin ang changes at tatawanan lang ang unlimited reklamo ng mga reklamador at hahangaan ang mga antics ng mga pa-straw sa team. 

Motherhood 
Ito yung mga grupo ng mga kananayan sa company. Nakakatuwa sila minsan pagmasdan kapag magkakasama sa isang lamesa kasi aakalain mo ba ay mga nag aantay ng anak mula sa NKP room matapos ang klase. Masaya ang kwentuhan tungkol sa kanilang babies na may kasamang malakas na tawanan. 

Powerhouse 
Sila naman yung grupo ng mga "magagaling daw sa company" self proclaimed ito so it is either totoo ngang magaling or malakas lang ang dating. Mababait naman sila at masaya rin kasama medyo strong lang ang dating kasi nga medyo may kalakasan ang hangin kapag nakasama mo sila. 

Resellers
Sila naman yung mga grupo na madaming binebenta kahit bawal sa luob ng company talaga namang kahanga hanga ang sipag nilang madagdagan pa ang kanilang kita mapa-avon, Usana, frontrow at kung ano ano pa talaga namang mapapa-order ka!

Sa lahat ng nabanggit saan kang tribo kasali? Kahit anong grupo ka man napabilang basta ang mahalaga ay patuloy na maayos na pakikisama sa co-workers natin, palagi tatandaan na ang role ng bawat isa ay naandyan dahil lahat ay may mahalagang kontribusyon para mas mapalago natin ang ating company. Wag kalilimutang mag-enjoy habang nagtatrabaho para hindi maramdaman ang pagod sa bawat araw na ating ginagawa at sa panahon ng covid para sa ating mga frontline workers saludo ako sa inyong sipag at dedikasyon para patuloy na gawin ang inyong mga trabaho kahit na mayroong banta ng covid sa ating bansa. Maraming salamat sa inyo kayo ang mga tunay na bayani sa ating makabagong panahon! 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?