Experiencing the New Normal

Part ng new normal ang hindi pwedeng magkasakit Forbidden word ang "lagnat" unless gusto mo ma-tag as Person under investigation or PUI. Sa pagbabalik ko sa company a few days ago dalawang bagay lang ang naramdaman ko fear and excitement.

Syempre unahin natin yung positive kasi positibo akong tao hindi po positive sa covid ah baka padampot nyo ko sa ambulance ng DOH what I mean is positive mindset. Sobrang excited ako na para bang first day of school ang magaganap, gabi palang ready na ang OOTD (outfit of the day) ko alam ko na ang oras ng alis ko at nakapagplano nako na magpa-parlor para naman fresh! Buhok na nga lang makikita at least maganda diba. Pati bag ko ready na.

Unlike before simple lang ang preparation ko sa gamit mas nagtatagal ako sa kalandian ko sa mukha pero dahil naka mask naman useless na ngayon ang mag make up. Ang small bag ko hindi na uubra kailangan ba talaga is backpack kasi kailangan ko magdala ng extra mask in case mawala yung suot ko, alcohol na madami na hindi naman ako nagdadala nuon at ang iba pang additional for precautions sa mga maari kong makuhang virus sa pagpasok sa work. Ang pagbyahe sa work ngayon ay nakabase sa oras ng pick up ng mga bus na provided ng company dahil dito limited ang chance na makasalamuha kami ng hindi nagwork sa same company. Bago ka sumakay sa aircon bus i-check muna nila ang temperature mo dahil kung may lagnat ka uwi ka.

Upon arrival sa company meron pang screening at another precautionary measures. Pila muna kayo 2 meters daw and then aapak sa shoe disenfecting rug (katha ko lang feeling ko ganun tawag at least you get the idea LOL) then aapak ka sa next box for thermal scanner makikita mo sa tv kung mag red sya ng banggo tapos merong temperature nadin na lalabas, TM ko daw nagdala kape pagtapat sa scanner nagulat siya bakit may lagnat siya yun pala dahil sa kape haha so effective siya. Then spray nila ng bongga ang kamay mo ng parang ubod ng tapang na alcohol grabe kasi amoy kaya tingin ko kahit ako pwede patayin ng alcohol na yun hindi lang virus LOL. Next step is to fill out a form na tatanungin ka ng mga symptoms na maaring meron ka parang waiver nadin siguro yun in case nagsisinungaling ka or something and then interview. So yung dating diretso akyat ka lang ngayon ang haba ng oras na kailangan mo ilaan for safety.

After interview pwede kana maglakad papunta sa elevator. Makikita sa floor na merong arrow sa sahig meaning isang direksyon lang ang pwede kung papasok papasok lang di ka pwede sumalubong. Ang toilet ay naka-social distancing din kasi sarado ang mga nasa gitnang toilet so technically one sit apart din kayo sa banyo. Pagdating naman sa elevator dalawa lang ang pwede sumakay, yung dating diretso sa locker ay hindi muna pwede kaya pinayagan ng company ang magdala ng gamit sa production and to lessen ang paggala gala namin pati ang pagkain ay sa station nadin namin ginagawa. Madameng supply ng alcohol spray sa toilet sa may pantry at sa iba pang area na may lamesa. Katabi ng alcohol ay mga tissue na pwede mo din gamitin.

Para sa akin ay talagang ibang iba na ang normal ngayon sa mundo kahit na sobrang cautious na ng company ay di padin mawala ang takot na bumabalot sa saluobin ng bawat isa. Ang pagkakaroon ng balita na may nag positive ay madaling nakaka-trigger sa lahat na mag panic at mapaisip sa safety ng bawat isa at ng kanilang pamilya na uuwian. Kitang kita din ang kakaibang pagkilos ng mga tao towards their co-workers hindi naman sa nandidiri pero maiintindihan mo nalang na talagang nag-iingat lang sila.

Hindi ko alam kung makakasanayan ko naba ito o hahanap hanapin ko padin ang kalayaan na meron tayo nuon pero parang patuloy padin akong aasa ng pagbabago kasi ganun ako, aasa na magkaroon ng vaccine or kung hindi man ay kusa nalang mawala ang virus.

Thoughts to ponder 💭

Matthew 17:20
And Jesus said to them, Because of your unbelief: for truly I say to you, If you have faith as a grain of mustard seed, you shall say to this mountain, Remove hence to yonder place; and it shall remove; and nothing shall be impossible to you.



Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?