My Brother's keeper

Recently naging madalas ako sa shop namin kasama ang dalawa kong senior na magulang unlike before mas nage-enjoy ako ngayon sa company nilang dalawa. Dati pa naman appreciative na ako sa mga nagawa at nagagawa pa rin ng aking magulang para sa amin pero I have never seen them in this light. Iba talaga ang nagawa ng pandemic na ito sa lahat, promise!

Madaldal ako sobra but recent experiences taught me and changed me in ways na akala ko is hindi mangyayari sakin. I learned to choose my battles and to let go of things I cannot control. Sa mga panahon ng pagninilay nilay dahil sa quarantine madami pa akong mas narealize at naappreciate sa dalawang tao na buong buhay ko ay nandyan lang palagi para sa akin. Hmmmmmmm emotional nanaman ata ate nyo kasi may migraine kaya tyagain nyo na ang blog ko LOL!

Sa pagsama sama ko sa kanilang dalawa na-realize ko kung gaano na pala kalaki ang itinanda ng aking mga magulang, ang pagputi ng kanilang mga buhok at ang bawat hakbang ng kanilang mga paa na tila ay hirap na hirap na sa mahahabang lakarin. Ang pagiging malilimutin ng isa at ang tigas naman ng ulo ng isa ay talaga namang nakaka-aliw pagmasdan. Yung mga away nila dahil sa paraan ng paglalagay ng yelo sa ref at ang palaging pag sundo ni Papi kay Mamsi sa may makina kapag oras na para matulog.

Sadyang nakakainggit pagmasdan ang kanilang samahan at minsan naiisip ko nalang makakahanap pa ba ako ng ganyang klase ng pag-ibig? Pag-ibig na mararamdaman ko kahit na maputi na at kukubot na ang aking balat.

Sa pamamalagi ko narin sa aming tindahan nitong mga nakaraang linggo ay nabigyan kami ng oras ng aking ina na mapag usapan ang mga tinatagong hinanaing at poblema namin sa isa't isa. Nalulungkot ang aking ina dahil sa maraming bagay na nagpapahirap sa aking mga kapatid. Kumpara kasi sa kanila kaming dalawa ng aking ate ay hindi mahilig magsabi ng aming mga hinanaing o poblema sa aming magulang, buo ang luob namin na hinaharap ang buhay kasi naniniwala kami na ang mga magulang namin ay hindi na dapat pa mabigyan ng isipin lalo na't sila ay mahina na at pareho pang may high blood.

Hindi siguro talaga natatapos ang pag aalala bilang magulang kahit na matatanda na ang kanilang mga anak. Pinaliwanag ko sa aking ina na kung ano mang mali o maganda na kinahinatnan ng buhay namin ngayon ay hindi nila kasalanan. Lahat ay sinubukan nilang maibigay sa abot ng kanilang makakaya. Sinabi kong ang mga mali naming choices ang nagdala sa amin dito kaya wag nya kami poblemahin at isipin na lamang sila ni Papi.

Nakakalungkot at nakakatuwa isipin na sa hirap na pinagdadaanan ng aking ina at ama ay kami parin ang pangunahin nilang priority. Bilang isang anak nais ko maipakita sa aking mga magulang na kakayanin ko ang buhay ng hindi palagi nakaasa sa kanila para naman maramdaman nila na hindi nasayang ang kanilang pagod sa amin, tulad na lamang ng aking ate na independent na nagtataguyod narin ng sarili nyang pamilya katulong ang kanyang asawa sa ibang bansa.

Sana ay magawa ko ito at higit sa lahat sana magka-asawa nako chareng!

Nagmamahal,
Matandang dala na este Dalaga

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?