Rant pa more!

Ang lamig naman ng panahon parang ang sarap nang may kasamang jowa at habang patuloy ang pagpatak ng ulan kayong dalawa naman ay patuloy din ang paglalandian harot!

Bakit nga ba kapag gloomy ang weather pati ang emotions natin affected tipo bang bet mo ring makisabay sa pagluha ng langit (ay wow deep ka dyan teh).

Sa mga ganitong kalamig na panahon masarap sariwain ang mga masasaya at mga kapalpakan mo sa buhay tapos matatawa ka nalang kasi ano pa nga ba magagawa mo. Dumagdag pa nga itong covid sa mga isipin ng taong bayan pati tuloy mga celebrities tinatamaan na siguro ng saltek dahil hindi makalabas ng bahay, nakakagulat tuloy na yung mga dating sweet na sweet ang image akala mo mga nagwawala na sa social media, mga hindi naman dati political bigla nalang concerned na concerned sa government ngayon. Ooopppss hindi ito blog to focus on politics ayoko ng mga ganyang usapin at masyado na magulo mundo makikidagdag paba ko?

Pero ano nga bang pinupunto ko sa blog na ito na kanina pa hindi ko maisip isipan ng title at topic talaga LOL, ang mundo natin ay puro nalang negativity nilamon na tayo ng sistema ng pag iisip ng masama sa lahat, sa kapwa, sa kaibigan, sa kamag anak, sa gobyerno at sa kung sino sino. Lahat naman minsan ay may magandang pinupunto pero kung paano ito ipinararating ewan ko ba naman bakit ba sadyang napaka negatibo.

Ito ba ang nais nating ipamana sa susunod na henerasyon? Imbes na mega mind e nega mind? Imbes na tara usap tayo eh tara away tayo! Andame dami ng nagaganap sa mundo pero bakit parang hindi padin tayo natututo?

Sa huli kahit na madame na ang nagsabi na "guys let's stay positive" eh siguradong negative padin ang mind set ng karamihan sa mga tao. Hindi pa huli ang lahat lalo na sayo na nagbabasa nito. Wag mong hayaan na mabago ang dating masayahin, palabiro at puro ngiting kinagawian ng mga Filipino, kaya nga puro ganto lang mga blog ko e; minsan seryoso pero madalas parang gago, pero ang mahalaga napapasaya ka naman nito. Smile :) 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?