Baby patayin mo ilaw!
Habang ang lahat ay nagka-kagulo sa opisina dahil pilit nilang inaalam kung sino ba yung hinayupak na pumasok kahit siya pala ay PUI (person under investigation - covid19) ako naman ay biglang nakaisip ng magandang topic para sa aking blog. Gusto ko talakayin natin ang tungkol sa mga lalaking tila ba hirap tayo mahalin ouch! Napaka timely at sobrang relevant talaga minsan mga ideas ko eh ako na talaga LOL.
Nabasa ko kasi sa isang post ng aking Twitter friend sabi nya bakit daw ba ang mga lalaki manliligaw at magpapakahirap na makuha ang iyong matamis na oo tapos kapag naging kayo na is hindi na pahahalagahan at mag move on agad sa iba, tinatanong niya kung bakit daw ganuon magmahal ang mga lalaki. Naisip ko lang gumawa ng blog para masagot yung tanong niya na alam ko namang tanong ng marami, sa perspective ng isang babae na nakikialam lang kasi gusto ko ha ha.
Nuong panahon ng ako ay isa pang kagalang halang na guro palagi kong sinasabi sa aking mga estudyante especially sa mga babae na "ang babaeng pinaghihirapan ay pinakakasalan" meaning to say ay pahirapan muna maigi ang mga manliligaw bago sagutin akala ko kasi nuon kapag ang lalaki nahirapan ng sobra sayo ay mahihirapan na siyang bitawan kapa so meaning to say dapat magmaganda ka muna ng sobra habang nasa ligawan stage palang kayo.
Ngunit habang binabaybay ko ang edad na 30 pataas ay unti unti din na nagbago ang aking pananaw patungkol dito. Dala narin sa lawak siguro ng aking karanasan (kala mo naman nakarami ng jowa) mga kwento ng mga taong aking nakasalamuha, ay mas marami papala akong matututunan at malalaman tungkol dito.
It's either he loves you or he don't. Ganuon lang ka-simple walang computation or equations, wala sa tagal o bilis ng panahon kayo magkasama o tagal ng panliligaw niya sayo. Kahit pa halos tagain na sya ng tatay mo nuong nanliligaw palang siya kung magmamahal siya ng iba at iiwanan ka ay iiwanan ka padin niya ng walang panghihinayang. Bakit? Simple lang. The hard truth "hindi ka na nya mahal".
Men are simple creatures yan ang palaging sinasabi sa akin nuong ng kaibigan kong si Barney (remember sya yung kuripot pero yumaman na kinuwento ko sa previous blog ko basahin mo kung di pa ah!) wala nadaw kung ano ano pang arte o dahilan unlike sating mga babae maswerte ka kung mabigyan ka niya ng thorough explanation as to why the love ended or kung bakit nakakita na siya ng iba pero most of the time yun na yun "hindi ka nalang talaga niya mahal".
No response is a response. Ganyan ang kadalasan nilang approach kasi no explanation would ever be good enough. Masakit at kahit anong sabihin nila walang makakapag alis ng sakit na nararamdaman mo kaya most of the time hindi nalang sila nagsasalita. Kaya para sa mga babaeng tulad ko na mahilig magtanong, magisip at himay himayin ang bawat pangyayari ay huwag. No one can ever give you the answer that will ease your pain. It will still be very much painful no matter what. Itulog nalang natin yan para fresh tayo bukas to hopefully meet the new guy that will help us realize why it did not work out sa nauna sa kanya. Lights out!
The real answer awaits ahead. Be excited for it.
ReplyDelete