Dream Guy

Ay Father's day pala ngayon, salamat sa Facebook at napapaalala tuloy sa atin ang mahahalagang ganap sa bawat araw, kaya habang naikot ang aming washing machine mega post ako ng picture namin ni Papi.

Let me tell you more about my Papi tutal araw ng mga ama ngayon flex ko lang ang tatay ko. Katulad na nga ng nai-share ko last time sa aking "Apple does not fall far from the tree" blog ko nasabi ko duon ang kanyang brief background at kung paano nila kami naitaguyod ni Mamsi. Kung di mo pa nababasa aba basahin mo sayang ganda ng pagkakagawa ko dun emotional tulo uhog ko e char!

Sa totoo lang kapag sinusubukan kong balikan ang aking kabataan at isipin ang mga memories namin ni Papi ay talagang humahanga ako sa kanya hindi dahil tatay ko sya kung hindi dahil talagang napakabuti nyang tao. (Pa libre mo ko pag nabasa mo to ah?! Chareng!) Alam mo yung parang wala siyang masamang buto sa katawan bagay na gusto ko sanang mamana kaso tingin ko malayong malayo at madame pa munang learnings bago ko yun ma-achieve or ma-achieve ko pa kaya?

Soft spoken ang aking Papi never ko sya narinig makipag sigawan or maranasan na masigawan ako. Hindi ko din sila nahuhuli ni Mama na nag-aaway malalaman mo nalang tapos na at least yung seryosong away ha hindi yung mga away awayan nila sa paglalagay ng yelo sa ref iba naman yun. Malambing din ang aking Papi, palagi niya gusto kasama ang kanyang pamilya at lalong lalo na ang kanyang asawa. 

Sa edad nilang iyan gustong gusto niya padin na palagi nakadikit kay Mama lalo na nuong di pa sya na-stroke gusto niya padin na matutulog sila ng magkayakap kaso ayaw na ni Mama mainet daw ang taba nya na kasi LOL! 

Ang ganuong pag-ibig ni Papa kay Mama ang pangarap ko yung pagmamahal na kahit nasaan si Mama sunod din lang si Papa kahit buset nadaw siya hahaha. Basta dapat palagi magkasama. Never nambabae ang Papa ko, oo meron pa pong hindi babaero sa mundo pero hindi dahil takot siya kay Mama kundi dahil takot siya sa aming mga anak nya. Hindi daw niya kayang masira ang pananaw namin sa kanya. O diba isa talaga siyang ultimate dream guy! Mapapa-sana all ka nalang talaga.

Sobrang haba din ng pasensya ni Papi applicable ito sa lahat ng bagay hindi lang sa amin, sa negosyo o kay Mamsi kundi sa lahat, siya yung tipo ng tao na kung iisipin mo eh maghahati ka na ng lamesa sa mga ganuong sitwasyon sya tahimik lang na mag-iisip. Para sa akin ang pagkakaroon ng pasensya ang pinaka challenging kasi sa sobrang instant ng mga bagay bagay sa panahon natin ngayon parang nasanay tayo sa mabilisan kaya talagang kamangha mangha ang pagkakaroon ni Papi ng sobrang habang pasenya.

Good listener din si Papi which means bihira mo din siya madinig magreklamo he is more of a doer kasi which is what I love most about him lakas maka lalaking lalaki kasi hindi madada. Hindi ka makakaramdam ng takot na mag open up sa kanya kahit na ang mga kalokohan mo, tatawanan ka lang nya at wala ka mafi-feel ni katiting na judgment. Siya ang epitome ng unconditional love kasi never ko naramdaman na meron akong kailangang baguhin sa sarili ko para lang mahalin niya. I am perfect just the way I am. No more, no less. 

Kaya sa lalaki na makakatuluyan ko, sa aking so called "destiny" kung sino ka man, nakilala naba kita o hindi pa, sana ay mahalin mo ko na tulad ng pagmamahal ng aking ama at ikaw naman ay mamahalin ko gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Sobra sobra... pak harot!

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?