Posts

Kelan ka mag-aasawa?

Image
Woman shaming is so real! Growing up in our culture everything becomes normal kahit hindi naman dapat. Napakahirap maging babae sa kultura natin kasi you are always not enough or you are always the villain. Magsisimula sya while you are still studying people will start judging at sometimes wala talaga silang filter, I remember being told before "Ikaw eh mabubuntis at di na mag-aaral diba?" imagine hearing that at 14. Tapos kapag working kana at may boyfriend lahat naman sila kukulitin ka kung kelan ka mag-aasawa and worse kapag matagal na kayo ito naman maririnig mo "madami akong kilalang ganyan sobrang tagal di naman sa simbahan natuloy naghiwalay din" or "bakit kaya ayaw ka pakasalan ng boyfriend mo baka may hinahanap pa yan sa iba" oh diba! At kapag kinasal na kayo syempre yung paborito ng lahat "kelan kayo mag-aanak?". Honestly I thought it will all stop kapag may anak nako pero it did not 🥹 after I gave birth to my son the immediate questio...

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.

Image
Last week grabe yung sakit ng ipin ko talagang humingi nako ng gamot apakahirap ngumuya tapos feeling ko matatanggal lahat ng teeth ko 😔 and since wala akong ginagawa ngayon let me share with you ang isa sa pinakamagandang lesson na nabasa ko about pain 💢 "Mahal na mahal kita kahit ang sakit sakit na..." 💔 -Popoy Isa sa mga greatest movie 🎦 line na nadinig ko tagos talaga sa puso wasak na wasak  ika nga 😅 feeling mo di lang si Popoy ang na-break pati ikaw nadin e....kapag tayo nasasaktan madalas tinatanong natin paano ba ito? Malalagpasan ko ba to? Kakayanin ko ba ito? Hanggang kelan bako ganto? Tapos kahit ilang buwan na ang lumipas o taon magtataka ka kasi may mga times na maaalala mo tapos yung intensity ng sakit bakit parang ganon padin? Tapos mapapaisip ka kung teka ibig sabihin ba nito is mahal ko pa siya? Or na di ko pa nalilimutan ang mga nangyari? (syempre applicable ito di lang para sa mga heartbroken 💔 wag kayo selfish di lang kayo nasasaktan LOL)...

How many more heartache should I write about?

Image
After 2 months of my writing hiatus I finally got the courage to sit down and write again. Taray ng entrada akala mo naman ang tindi ng pinagdaanan ni Inday LOL. Simple lang ang naging dahilan ko bakit hindi ako nakakapag sulat kasi busy ako sa nangyayari sa totoong buhay ko na hindi na ako nito nabibigyan ng oras para privately ay makapag isip at makapag sulat. Sa loob ng dalawang buwan na pagkawala ano – ano nga ba ang nangyari sakin? Well una nalipat ako sa department na ayaw ko kasi kailangan ko mag calls huwaw! San ka nga ba ulit nagtatrabaho? Ah “call” center, pangalawa nagpagawa ako ng bahay para makalipat na at tuluyang maging adult, nag apply for a higher post tapos mainterview na – reject, tapos nag apply ulit sa iba naman for training at natanggap. Sobrang daming ganap with so very little time. Saka ko na ieelaborate ang mga realizations ko sa iba pero today gusto ko lang muna mas mag focus sa mga natutunan ko pa as an employee. Bilang isang call center agent I canno...

Let's take it from Jack Ma

Image
Hindi ka iintayin ng mundo. Sa maikling panahon na gumana ang aking negosyo ay madami dami nadin akong natutunan na willing akong i-share sa inyo and hopefully ay makapulutan ninyo ng aral. Disclaimer lang small time lang po ang business ko pero tulad ng ibang striving entrepreneurs madami din akong challenges na hinarap at patuloy pading kinakaharap.  Let us take it from Jack Ma "When doing sales, the first people who will trust you will be strangers. Friends will be shielding against you, fair - weather friends will distance from you. Family will look down upon you." Hindi ko muna kukunin yung kasunod ng quote na yan kasi para sa mga naging successful na yon sa business so technically di ko pa talaga sya na-experience so dito lang tayo sa simula. Based on my personal experience pagdating sa aking printing business masasabi ko na totoo na ang pinaka unang nagbigay samin ng tiwala ay isang total stranger. Before new year merong nag chat sakin na taga taguig para daw magpagaw...

Papa Bear

Image
"Life is too short so never waste every minute of it!" , sobrang totoo nito. Kahapon habang asa work ako naka-receive ako ng bad news. Yung dati ko daw estudyante is wala na, motorcycle accident; hindi ko alam ang mararamdaman ko. Una gusto ko magalit kasi bakit hindi sila nakinig about sa mga paalala namin na wag mag mamaneho ng lasing, kaso hindi sya ang nagmamaneho. Gusto magtanong pa pero parang hindi padin ito magiging sapat kasi kahit ano pang paulit ulit na pag-uusisa about sa nangyari hindi na nito maibabalik pa ang buhay nya. Napakabata nya pa, madami pa sana syang pwede marating, madami pa sana syang pwede magawa. Makakapag asawa, magkakaroon ng sariling pamilya, tatanda at aabutin ang mga pangarap na meron siya pero lahat yun hindi na pwede mangyari kasi maaga na siyang kinuha ni Lord. Totoo nga siguro ang sabi nila, na ang mabubuting tao ang unang kinukuha kasi tapos na ang misyon niya sa mundong ito. Ano nga ba ang mga naaalala ko sa batang yon at paano ko nasabi...

Looking back...

Image
Hello 2021 finally nakatawid na tayo sa bagong taon at naiwanan na natin si 2020, sana hindi pa masyado late kasi I'm sure madaming tao na ang nakapag-post ng summary ng 2020 nila kaya eto naman ang para sakin. Ang simula ng taong 2020 ay katulad din lang ng ibang taon para sakin, new and exciting, nag-fefeeling na makakapag diet na talaga sa taong yon at akala mo naman andaming na-achieve the year before.  Akala ko tulad ng naunang taong nagdaan magiging punong puno siya ng paglabas, pagkain sa iba't - ibang restaurants at kung ano-ano pang pwede kong paglustayan ng aking kaperahan, pero parang isang kontrabida lang sa teleserye si 2020 sabi niya siguro "Well that is what you thought, I have other plans!" at bigla na nga tayong tinamaan ng virus hindi pa nangangalahati ang taon. Tandang tanda ko pa ng unang i-announce na mag-quarantine ang naisip ko lang non wow! meron akong 2 weeks na hindi ako papasok sa trabaho (Oh diba ang tamad ko lang?) tapos naisip ko pa nun...

The Grumpy Old Lady

Image
Sa nagdaang mga holidays ano ba ang pinaka - ayaw nyong kaugalian nating mga Pilipino? Para sakin madami sa Pasko, ewan ko ba kung ako lang or talagang hindi na siya tama. Bato - bato sa langit ang tamaan, edi sapul! Isa - isahin natin: 1. Ang pag-punta lang kila Ninong at Ninang tuwing bagong taon Dati hindi ko masakyan ang idea ng pagbibigay ng pera ng mga Ninong/Ninang sa inaanak pero ng magkaroon nako ng trabaho mas lumawak ang aking pang unawa na hindi lahat ng tao ay may oras para makabili ng regalo sa bata pero hanggang ngayon hindi ko padin masakyan ang ideya na pupunta lang ang inaanak o dadalhin ng magulang sa Godparents nila tuwing pasko na para bang naniningil ng pautang, dadating at sabay aalis, asan naba ang sense ng pagiging second parents sa mga bata? Nakakatakot pala maging Ninang kasi once naisulat kana sa listahan magkakaroon ka ng pang habang buhay na pagkakautang sa bata at maoobliga kang magbayad kada Pasko ganon? Sana naman po dalhin o papuntahin din natin ang at...