The Grumpy Old Lady


Sa nagdaang mga holidays ano ba ang pinaka - ayaw nyong kaugalian nating mga Pilipino? Para sakin madami sa Pasko, ewan ko ba kung ako lang or talagang hindi na siya tama. Bato - bato sa langit ang tamaan, edi sapul! Isa - isahin natin:



1. Ang pag-punta lang kila Ninong at Ninang tuwing bagong taon

Dati hindi ko masakyan ang idea ng pagbibigay ng pera ng mga Ninong/Ninang sa inaanak pero ng magkaroon nako ng trabaho mas lumawak ang aking pang unawa na hindi lahat ng tao ay may oras para makabili ng regalo sa bata pero hanggang ngayon hindi ko padin masakyan ang ideya na pupunta lang ang inaanak o dadalhin ng magulang sa Godparents nila tuwing pasko na para bang naniningil ng pautang, dadating at sabay aalis, asan naba ang sense ng pagiging second parents sa mga bata? Nakakatakot pala maging Ninang kasi once naisulat kana sa listahan magkakaroon ka ng pang habang buhay na pagkakautang sa bata at maoobliga kang magbayad kada Pasko ganon? Sana naman po dalhin o papuntahin din natin ang ating mga anak sa kanilang mga Godparents kahit hindi araw ng pasko at hindi para sa pagkuha ng pera kung hindi para magpakilala, magbigay galang, mag mano at mas kilalanin ang mga Ninong/Ninang sa ganitong paraan hindi nagiging materialistic ang bata at mas nagiging close sa kanilang pangalawang magulang.


2. Ang pagsasabi sa anak na "punta ka kay Ninong bibigyan ka nun ng pera!"

In connection kay number 1 ito ang madalas kong nadidinig sa mga magulang tuwing pasko at talaga namang nakaka-pangilabot. Alam kong ang pasko ay para sa mga bata pero wag sana natin silang gawing mukhang pera, turuan po natin sila ng magandang values kasi sa totoo lang iba parin ang saya ng bata sa pagbubukas ng regalo at ang ideya na naalala sya ng kanyang Ninong/Ninang. Tandang tanda ko pa ng iabot ko ang regalo sa dalawang bata netong pasko, wala akong inaanak sa kanila pero dahil sa kamag-anak yung isa at kasama niya ang isa pang bata at may sobra pa namang akong pede ibigay ay pareho ko na sila inabutan, yung batang kamag-anak na sana'y ng makarinig ng tungkol sa pera ay nakangiti ng makatanggap ng regalo ko, pero yung kasama niya na hindi sana'y makatanggap ng pera o regalo tuwing pasko ay pinaunlakan ako ng isang napakatamis ng ngiti, yung ngiti na abot hanggang sa mata niya. 


3. Ang pagsasabi sa anak ng "Yan lang ang binigay? Ang dami dami nilang pera? Ang kuripot naman non ang yaman yaman nila e!" 

Unang una po, sadyang kuripot ang mayayaman kasi kung pamigay po sila ng pamigay ng pera hindi po sila magiging mayaman. Sana matuto tayo magpasalamat sa kung gaano kalaki o kaliit ang naibigay ng ating mga Ninong/Ninang kasi hindi po nila pinupulot ang kanilang pera, yan ay pinaghihirapan at pinagtatrabahuhan. Basta bad yon! 

4. May covid pero bitbit ang anak sa labas para mamasko.

Sana naman maging sensitive tayo sa estado ng ating bansa at huwag namang gawing kabuhayan ang pamamasko at the expense of the safety of others. Sobra ang takot ng mga kakilala kong seniors dahil po sa tigas ng ulo nyo over over kayo sa part na yan! Dito ko masasabing ginawa na talagang hanap - buhay ang pasko. Habang may mga nagpa-patrol ng kapulisan sa labas talagang mga bagong bago pa suot (pero hirap daw, tapos ako mukhang basahan sa pagka-luma ng damit LOL) ay nakikipagsapalaran na mag-bahay bahay at ipasa pa ng ipasa ang virus! Gusto mo yorn!


5. Namasko pero hindi nag-simba. 

Para mas makarami ng bahay na mapupuntahan hindi nga naman daw pu-pwede na maabala at maantala ang kanilang lakad. Wag po sana natin kalilimutan kung bakit natin sine-celebrate ang pasko at hindi ito para makapag - suot ng bagong damit, para makagala lang o makapang hingi ng regalo ito talaga ay para i-celebrate ang birthday ni Jesus. 

Usually madami talaga akong mema tuwing pasko pero this year since madami din ang restrictions kahit papaano nawala yung ibang sobrang ayaw na ayaw ko. Di pako Lola nyan dami ko ng mema right? LOL. Let us all be mindful of our words lalo na kung sasabihin natin ito sa mga bata, they are the next generations of people dito sa mundong ibabaw hubugin po natin sila ng tama yung may pagkukumbaba at hindi materialistic at wag na wag kalilimutan basahin ang mga susunod ko pang blogs (galing mag segway noh!) at kung may oras pa kayo pwede nyo pang balikan ang mga blog ko noon, promise daming chismis dun! Charot.

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

Kelan ka mag-aasawa?