Let's take it from Jack Ma
Hindi ka iintayin ng mundo. Sa maikling panahon na gumana ang aking negosyo ay madami dami nadin akong natutunan na willing akong i-share sa inyo and hopefully ay makapulutan ninyo ng aral. Disclaimer lang small time lang po ang business ko pero tulad ng ibang striving entrepreneurs madami din akong challenges na hinarap at patuloy pading kinakaharap.
Let us take it from Jack Ma "When doing sales, the first people who will trust you will be strangers. Friends will be shielding against you, fair - weather friends will distance from you. Family will look down upon you." Hindi ko muna kukunin yung kasunod ng quote na yan kasi para sa mga naging successful na yon sa business so technically di ko pa talaga sya na-experience so dito lang tayo sa simula. Based on my personal experience pagdating sa aking printing business masasabi ko na totoo na ang pinaka unang nagbigay samin ng tiwala ay isang total stranger. Before new year merong nag chat sakin na taga taguig para daw magpagawa, imagine ni hindi nila kami kilala, wala pa kaming masyadong post to serve as proof na oo may nagawa na kami pero isa sila sa unang nagtiwala samin. Bilang isang nagsisimulang negosyante ang isa sa maipapayo ko ay ang palaging ihanda ang sarili sa kung ano mang resulta tuwing may transaction ka sa business palagi natin tatandaan na ang negosyo ay isang sugal at yun mismo ang ginawa ko. Walang down payment at tanging chat lang ang pinanghawakan ko sumigi kami sa pag gawa ng kanilang Family shirt, sa totoo lang diskumpyado ako na kukuhanin nila kasi ang layo ng Taguig sa Cavite at magiging mahal ang bayad sa Grab pero surprisingly enough 7:00 ng umaga dumating ang Grab driver para kunin ang kanilang pinagawa at dahil sa kanila nagkaroon kami ng ipopost na kauna unahang damit na nagawa namin talaga namang nakakatuwa, hindi ko naman sinasabi na wala akong mga kaibigan na nagpurchase sa amin ng items pero iba talaga ang pakiramdam kapag ang lumapit sayo ay hindi ka kilala at nagtiwala. Kaya maraming salamat Koya! Kahit na nagtataka kami at yellow ang pinili nyong T-shirt di na kami mag judge LOL!
Sa panahon ng Covid napilitan ang madaming negosyante na mag promote ng business online and believe me sobrang challenging neto lalo na't hindi ka naman sikat na tao, ang pagkuha ng post likes para manlang maka-reach ka ng madaming audience na maaring maging possible clients mo ay talaga namang napakahirap ma-achieve na umabot pako sa punto na nag-chat ako isa isa sa mga pinaka close friends ko para lang pilitin silang i-like ang post ng page namin ha ha. Para sakin kung hindi po tayo bibili ng item sa kaibigan natin pero gusto padin po natin makatulong sa kanila ang like sa kanilang post ay isang napakalaking bagay na po kasi lahat ng nilike natin ay magfe-feed sa mga friends natin na maaring magkaroon ng interest mag order or bumili sa shop ng ating friends, so kung balak po ninyong mag promote ng business online isa po ito sa mga challenges na pwede nyong harapin yung pag reach ng tamang audience sa social media. Salamat nga pala sa masusugid naming likers lalo na yung hindi ko naman chinat pero andyan palagi. I see you!
You are lucky if you have a family that either is very supportive of you or better, has the means to give you the capital you need for your business pinagpala ka siyang tunay! Imagine mabigyan ng 100k to start your business; kung ikaw to ang masasabi ko lang is sana all! charat! Pero kung tulad kita na mag start ng business on your own ang mapapayo ko lang is ihanda ang sarili physically and emotionally because it is going to be a very long ride and hopefully fruitful naman ang aanihin in the end. I would say physically ready ka dapat kasi nakakapagod lalo na't ikaw palang mostly ang aasahan mo sa business mo ikaw magde-deliver ikaw makikipag chat and emotionally ready kadin dapat kasi ikaw ang gagastos, siyempre depende naman yan sa business mo pero everyday mararamdaman mo na yung sahod mo is parang nauubos lang sa pagbili ng mga machines and materials to run your business, personally kahit alam kong nasasagad ang wallet ko dahil dito meron akong kakaibang saya at excitement na nararamdaman kasi bago ko ito pinasok pinagisipan ko itong maige kaya bago kayo mag start siguraduhin na wala ng atrasan once na andyan ka na. Mahalaga din ang meron kang supportive na family kung wala man silang pera kasi yung emotional support is napakalaking bagay lalo na sa mga panahon na tinatanong mo na ang sarili mo kung bakit mo ba pinahihirapan sarili mo ng ganito haha because believe me aabot ka sa punto ng pagod kana at magtatanong kung tama pa ba ito? At sa mga oras na feeling mo magisa ka lang sa laban kung andyan sila para palakasin ang luob mo ay isang napakalaking bagay para mas ipagpatuloy mo ang iyong nasimulan.
At the end of the day sa lahat ng paghihirap tuloy tuloy ka lang at palagi mong iisipin na hindi ka iintayin ng mundo, kung hindi mo ito gagawin kelan pa? Patuloy na iikot ang mundo at dadaan ang mga araw pero ikaw andyan ka pa din kaya wag magpatumpik tumpik kung ano man ang nasimulan ay wag sayangin, madami pa tayong hirap na mararanasan pero yung fire sa luob natin dapat palagi pading buhay para meron tayong drive na palaging magpatuloy.
Comments
Post a Comment