How many more heartache should I write about?


After 2 months of my writing hiatus I finally got the courage to sit down and write again. Taray ng entrada akala mo naman ang tindi ng pinagdaanan ni Inday LOL. Simple lang ang naging dahilan ko bakit hindi ako nakakapag sulat kasi busy ako sa nangyayari sa totoong buhay ko na hindi na ako nito nabibigyan ng oras para privately ay makapag isip at makapag sulat.

Sa loob ng dalawang buwan na pagkawala ano – ano nga ba ang nangyari sakin? Well una nalipat ako sa department na ayaw ko kasi kailangan ko mag calls huwaw! San ka nga ba ulit nagtatrabaho? Ah “call” center, pangalawa nagpagawa ako ng bahay para makalipat na at tuluyang maging adult, nag apply for a higher post tapos mainterview na – reject, tapos nag apply ulit sa iba naman for training at natanggap. Sobrang daming ganap with so very little time. Saka ko na ieelaborate ang mga realizations ko sa iba pero today gusto ko lang muna mas mag focus sa mga natutunan ko pa as an employee.

Bilang isang call center agent I cannot stress enough how important our role is sa bansang ito lalo na ngayong panahon ng pandemya. Para sa mga tulad ko na kasalukuyang pinapasan ang ekonomiya ngayon ito ang palagi niyong tatandaan:  

1.   Ikaw ay mahalaga.

Regardless kung ano man ang ipinararamdam sa atin ng mundo ikaw ay mahalaga, hindi man tayo kasali sa ECQ kasi immortal daw tayo at hindi essential pero lagi mo tatandaan na ikaw ay mahalaga. Hindi man tayo palagi kasali sa ayuda kahit na isa tayo sa may pinakamalaking ambag sa pagbabayad ng tax palagi mo padin tatandaan na ikaw ay mahalaga.

2.   Ikaw ay malakas.

Lahat ay kakayanin natin para mabuhay at para sa pamilya kaya wag na wag kang panghihinaan ng luob dahil mayroon kang taglay na lakas, lakas ng luob para mag-antay sa labas kasi ayaw mag door to door ng company nyo kaya mag antay kadaw dyan sa dilim hanggang may masakyan ka, kaya mo yan gorl fighting!

3.   Ikaw ay mapagmahal.

Sa sobrang pagmamahal natin sa ating trabaho handa tayong lumabas ng lumabas kahit sinabi na nga paulit ulit ng kanta ni Kim Chui na bawal lumabas kasi kailangan, kapag mahal mo magsasakripisyo ka kaya pag sinabi ng TM mo na bawal mag opt out di uso yung ganon pasok ka paden.  

4.   Ikaw ay isang bayani.

At sa huli matapos ang matinding hirap makasakay ngayong ECQ pero pasok ka padin, paglapit ng Barangay Captain sayo para sabihing wala ngang masasakyan hanggang finally naisakay ka ng nagbebenta ng gulay at pagdating sa company sasabihan kang walang door to door kasi meron naman daw masasakyan palagi mong tatandaan na pumasok kang isang ahente pero uuwi kang isang bayani! Tuloy ang laban kapatid! Hanggang sa susunod na shift and oo nga pala mas na-move ng mas gabi pa ang pasok “because they care”.   


Comments

Popular posts from this blog

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?