Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.

Last week grabe yung sakit ng ipin ko talagang humingi nako ng gamot apakahirap ngumuya tapos feeling ko matatanggal lahat ng teeth ko 😔 and since wala akong ginagawa ngayon let me share with you ang isa sa pinakamagandang lesson na nabasa ko about pain 💢

"Mahal na mahal kita kahit ang sakit sakit na..." 💔
-Popoy

Isa sa mga greatest movie 🎦 line na nadinig ko tagos talaga sa puso wasak na wasak  ika nga 😅 feeling mo di lang si Popoy ang na-break pati ikaw nadin e....kapag tayo nasasaktan madalas tinatanong natin paano ba ito? Malalagpasan ko ba to? Kakayanin ko ba ito? Hanggang kelan bako ganto? Tapos kahit ilang buwan na ang lumipas o taon magtataka ka kasi may mga times na maaalala mo tapos yung intensity ng sakit bakit parang ganon padin? Tapos mapapaisip ka kung teka ibig sabihin ba nito is mahal ko pa siya? Or na di ko pa nalilimutan ang mga nangyari? (syempre applicable ito di lang para sa mga heartbroken 💔 wag kayo selfish di lang kayo nasasaktan LOL)
Sabi sa nabasa kong shared post (syempre may dagdag ko nadin ito para mas madali maintindihan); isipin mo na merong isang box 📦 at sa luob ng box merong pain button 🔘 at isang bola 🏀, ang box ay maalog at sadyang palaging gumagalaw for me it represents you. Kapag fresh pa ang pangyayari imagine mo na sobrang laki ng bola sa luob ng box at dahil ang laki laki ng bola palagi syang tatama sa pain button which causes you to feel your pain frequently sa mga nabroken na I'm sure relate kayo dyan, yung tipo bang kahit natae ka bakit ba naman naiisip mo padin, tatae ka nalang sinasaktan kapa noh?! 😆 Tapos as time goes by dahil patuloy ang buhay sa ayaw at sa gusto mo may gagawin ka maaring work maaring nag-aaral sa school, mamamalayan mo nalang na lumiliit na yung bola at dahil lumiliit na sya nagiging less nadin ang chance na tumama sya sa pain button. Liliit sya ng liliit hanggang sa minsan mo nalang sya mararamdaman, nababawasan ba ung intensity ng pain? Hindi. Yung sakit ganon na ganon padin pero yung dalas hindi na. 😊
By sharing that concept with you sana nakatulong siya para ma-enlighten ka kung bakit minsan bigla mo nalang maaalala tapos magtataka ka nalang na bakit ang sakit sakit padin, naaalala mo lang sya from time to time at masakit padin na katulad ng dati pero yung sakit di mo na yun madalas na mararamdaman, paunti unti mapapansin mo ang sarili mo na nagbabago, umuusad, natututo at patuloy na mabubuhay, sabi nga sa kanta diba?! "tuloy parin ang agos ng buhay ko nagbago man ang himig ng puso mo" 🤭 laban! 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?