Looking back...



Hello 2021 finally nakatawid na tayo sa bagong taon at naiwanan na natin si 2020, sana hindi pa masyado late kasi I'm sure madaming tao na ang nakapag-post ng summary ng 2020 nila kaya eto naman ang para sakin.

Ang simula ng taong 2020 ay katulad din lang ng ibang taon para sakin, new and exciting, nag-fefeeling na makakapag diet na talaga sa taong yon at akala mo naman andaming na-achieve the year before. 

Akala ko tulad ng naunang taong nagdaan magiging punong puno siya ng paglabas, pagkain sa iba't - ibang restaurants at kung ano-ano pang pwede kong paglustayan ng aking kaperahan, pero parang isang kontrabida lang sa teleserye si 2020 sabi niya siguro "Well that is what you thought, I have other plans!" at bigla na nga tayong tinamaan ng virus hindi pa nangangalahati ang taon.


Tandang tanda ko pa ng unang i-announce na mag-quarantine ang naisip ko lang non wow! meron akong 2 weeks na hindi ako papasok sa trabaho (Oh diba ang tamad ko lang?) tapos naisip ko pa nun after ng sinasabing quarantine yun na kasi di ko pa naman alam na ganun pala katindi si Corona. But wait there's more! after 14 days na extend pa kasi meron pading mga matitigas ang ulo na hindi sumusunod kaliwa't kanang katigasan ng ulo ang nababalitaan ko habang ang iba naman ay nagsisimula ng mas maramdaman ang hirap dahil sa kawalan ng hanap buhay at makakain, akala ko nasa isa akong palabas na madaming zombie sa labas at hindi kami pwedeng lumabas, sa loob lang kami at unti-unti nang nauubos ang stock namin ng pagkain. Naging malaking pagsubok din para sa mga Pinoy ang rasyon ng pagkain at ang kagustuhang makalabas kasi ganon tayo eh, we are a very social individuals, magpupunta nga lang ng banyo nagpapasama pa diba?!


Hangang sa wala ng choice kung hindi ang mag back to work at mag fully operate ang halos lahat ng company kasi sobrang bagsak na ang ekonomiya marami na ang nagugutom at marami na ang sobrang nahihirapan sa sitwasyon. Habang ako asan ako sa gitna ng mga yun asa bahay ng jowa ko. Nuong una akala ko sobrang enjoy pero sa panahon na yon nabigyan ako ng oras para mas makapag-isip at tignan ang aking sarili mula sa mas malalim na perspektibo at nakita ko ang mga kulang sa buhay ko, tinake ko ang 2020 para makabawi sa mga panahon na nawala sakin; dahil sa ipinagbabawal ang masyadong paglabas nagkaroon ako ng rason para mas makapag ipon at makapag plano at dahil dito ay nairaos ko ang mga kagamitan para makapag simula ng aking maliit na negosyo. Mapalad ako at hindi nagsara ang aming kumpanya kaya nasoportahan ko ang aking pangarap, unti-unti pero papunta na sya sa tamang landas.

Natapos ang taon ko ng madami pading tanong pero kahit papano ay mas madami na ngayon ang sigurado, kaya sa taong 2021 pipilitin kong masagot pa ang iba kong katanungan tulad ng "alin ba talaga ang nauna ang itlog o ang manok?" chareng lang! LOL. Mapalad ang nabigyan pa ng oras para maitama ang mga mali na nagawa nuong 2020 or the previous years, thankful ako na nabigyan ako ng oras para makapagisip; totoo pala ang kasabihan na the greatest gift, is the gift of time kaya wag natin ito sayangin. 2021 handang handa na ako sayo at sa mga challenges na dadalhin mo pero sana wag naman tulad ng 2020 masyadong ginalingan e wala namang contest diba? Kayo kumusta naman ang 2021 nyo so far?

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?