Papa Bear


"Life is too short so never waste every minute of it!", sobrang totoo nito. Kahapon habang asa work ako naka-receive ako ng bad news. Yung dati ko daw estudyante is wala na, motorcycle accident; hindi ko alam ang mararamdaman ko. Una gusto ko magalit kasi bakit hindi sila nakinig about sa mga paalala namin na wag mag mamaneho ng lasing, kaso hindi sya ang nagmamaneho. Gusto magtanong pa pero parang hindi padin ito magiging sapat kasi kahit ano pang paulit ulit na pag-uusisa about sa nangyari hindi na nito maibabalik pa ang buhay nya.


Napakabata nya pa, madami pa sana syang pwede marating, madami pa sana syang pwede magawa. Makakapag asawa, magkakaroon ng sariling pamilya, tatanda at aabutin ang mga pangarap na meron siya pero lahat yun hindi na pwede mangyari kasi maaga na siyang kinuha ni Lord. Totoo nga siguro ang sabi nila, na ang mabubuting tao ang unang kinukuha kasi tapos na ang misyon niya sa mundong ito.


Ano nga ba ang mga naaalala ko sa batang yon at paano ko nasabing naging isa siyang mabuting tao. Mabait siyang estudyante, palagi siyang nakangiti at talaga namang napakamasiyahing bata kasama ang kanyang mga kaibigan at siya lang ata ang pinakamalinis at mabangong lalaki na nagkaroon ako bilang estudyante sa ganuong baitang. Kadalasan sa mga ganyang edad ay maayos na sila sa sarili kasi mga dalaga at binata na pero siya lang ang makikilala mo na ultimo gusot sa damit ay talagang hindi mo siya makakakitaan. Mahihiya kang basta basta tumabi sa kanya kasi parang hindi siya naga-amoy pawis, katibayan na nga nito ang palagi niyang dalang pamaypay; kung tama ang pagkaka-alala ko kulay green pa nga ang pamaypay nya non.

Isa din siyang pasensyosong tao dahil kahit anong galit ko bilang guro kapag hindi sila gumagawa ng kanilang mga projects ni minsan ay hindi niya ako sinagot sagot. Nakayuko lamang siya at tahimik. Malambing din siyang bata at kahit matagal na akong hindi nagtuturo at matagal nadin siyang hindi nag-aaral ay isa padin siya na madalas na nagpaparamdam sakin sa pamamagitan ng pag - heart or like ng mga Myday or post ko, maliit na bagay pero nakaka-touch lang kasi alam mo na kahit hindi kana niya guro siya ay may pakialam parin sayo. Naalala ko pa nung magsimula akong magtayo ng aking negosyo, isa siya sa mga nag chat at nakipag kulitan sakin na mailibre siya sa aking itinitinda, dahil dun alam ko na kung hindi agad siya nawala ay isa siya sa mga susuporta sa aking negosyo kahit hindi ko pa sabihin.


Sobrang nakakalungkot kasi hindi ko na masusubaybayan ang mga susunod pa sanang pagbabago sa kanyang buhay pero confident ako na kung nasaan man siya ngayon ay masaya siya. 

"Palagi ko maaalala ang mga pag ngisi ngisi mo Papa Bear, yung mga ngisi na parang lagi kayong may binabalak na kalokohan. Hanggang sa muling pagkikita. Rest in peace"

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?