Posts

Showing posts from August, 2020

The Grinch of Fiesta

Image
Social distancing sa panahon ng fiesta paano nga ba? Sa mga gantong panahon ko mas nakikita kung gaano katigas ang ulo ng mga Filipino isama nyo na dyan ang nanay ko LOL! Covid lang yan Pinoy kame! Yan ang sigaw ng mga matatapang pero kapag nagkaroon na ng may sakit sa pamilya "tulungan nyo kami naging maingat naman kami pero bakit ganto" iyan at marami pang pag uugali at mga sinasabi ang sadyang kinaiinisan ko sa mga Pinoy wow makasalita kala mo hindi Filipino pero sa maniwala ka man o hindi kahit gaano kahirap, kagulo at sobrang nakakainis sa bansang to ay mas pinipili ko padin na dito manirahan at kung papalarin ay dito na tumanda magretiro at mamatay ganun ko kamahal ang bansang ito kasama na ang mga bulok na sistema at kaugalian, ganun naman daw talaga kapag nagmamahal diba? Pati mga pangit kailangan mo nadin mahalin at tiisin ngunit ang pagmamahal kong ito ay hindi bulag, dilat ang mga mata ko na nakikita ang mga pangit sa bansang ito at dahil dyan simulan natin...

Samahang walang kapantay.

Image
Ang pakikisama sa panahon na may epidemya ay mahalaga pero hindi ba mas maganda kung inaapply ang pakikisama sa lahat lalo na at kapag ito ang tinatawag ng sitwasyon? Alam kong isa na akong lumang tao kung ikukumpara sa mga bagong sibol na mga indibiduwal sa panahon na ito pero sadyang nakakalungkot pala pagmasdan ang kinahinatnan ng pag-uugali ng mga nakababatang henerasyon. Nawala na ng tuluyan ang paggalang nila sa oras ng iba at ang respeto sa mga tao na iba ang hanapbuhay sa kanila. Sadyang hindi na ito nakakatuwa. Kung ang haba ng pasensya ay nagiging rason para ito ay ikayaman ng isang tao ay talaga sigurong napakayaman ko na pero ang mga nagdaang araw ay talaga namang nanubok hindi lang ng aking pasensya kung hindi pati na ang hangganan ng aking pakikisama. Nagkaroon ng bagong announcement sa buong bansa at ang ilang piling lalawigan ay inilagay sa GCQ ngunit ang aming kumpanya ay pinagpatuloy ang door to door na handog nila para sa mga ahente na patuloy na puma...

Ang lamig parang siya!

Image
Napag-bintangan ka naba ever? Sa sobrang nakakatawang mga coincidences ako masasabi kong oo pero hindi naman ako napagbintangang nagnanakaw or something napagbintangan lang akong galit sa isang tao base sa karanasan kong ito masasabi ko talaga na ang pagiging assumera ang magdadala sayo ng discomfort sa buhay. Simulan natin ang kwento sa taong 2019 nuong covid free pa ang mundo at pwede pang maglandian ang tao charot! Social distancing muna tayo besh saka na ang harot. Nuong mga panahon na yan napunta ako sa iba't ibang Team Manager hindi pa siguro sure ang company kung saan ba nararapat ang ganda ko. Hanggang sa na-assign ako sa isang bagong TM. First impression ko sa kanya is mukha namang nice palagi siya nakangiti and mukha namang very much welcome sa mga feedback namin at sa kung paano niya kami ma-lead. Bilang isa akong ahente na wala talaga madalas pakialam sa mga nagaganap at meron talaga akong sariling mundo kasama ang dalawa pang kasama ko na may mga sariling m...

Sanduguan

Image
Sa mga nagdaan na araw tulad nga ng kwento ko sa blog ko nuong isang araw sobrang dami ng sabay sabay na nagaganap sa aking personal at professional life. Alam mo yung pinasok mo ng isang linggo pakiramdam mo isang buwan mo ng pasok ganoin cyst! Kaiba ang energy ng nagdaan na week na ito. Dala nadin siguro ng hormones ko dahil sa aking menstruation parang naging sobrang emotional din talaga ako this week. Para sa mga kalalakihan siguro hirap talaga kayong intindihin kami sa mga panahong ito masasabi kong ang pagkakaroon siguro ng babae ng monthly period ang isa sa mga krisis na madalas pagdaanan ng mga kalalakihan wag kayo mag alala I see you at na-appreciate ko ang effort niyo na ma-survive ang kritikal na linggong ito LOL! at dahil dyan para sa inyo ang blog na ito. Ano ano nga ba ang kailangan niyong maintindihan tungkol sa amin sa mga panahong parating na pulang dumadaloy at sumasagisag sa aming pagkababae. Pain before it even arrives. Hindi naman sa ayaw namin ma...

Finding Nemo

Image
Sa dalawang magkasunod na araw ay naipadama sakin bigla ng mundo na ako ay buhay pa nga talaga umabot kasi ako sa punto na akala ko dumadaan nalang ako sa buhay at inaantay nalang na ito at matapos. Akala ko sapat na ang may goal ako ngayon ang nagkaroon na ng clarity sa kung ano ang gusto ko pero recently sa lahat ng kapalpakan na pinagdaanan ko hindi ko mapigilan na makaramdam ng konting kasiyahan siguro nagbalik lang yung pakiramdam ng may thrill. Diba may kasabihan na malalaman mo daw ang saya kapag nakaramdam ka ng lungkot o sakit sa case ko naman naramdaman kong buhay ako dahil sa mga pagpapahirap na naranasan ko LOL may pagka masukista lang dating ano?!. Teka ano nga ba tong tinutukoy ko para maka-relate kayo hindi naman po ako na-torture ala fifty shades of grey I wish charat! Nagkaroon lang talaga ng pagbabago sa routine ko na sobrang hindi ko gusto pero dahil sa kanya parang naging mas masaya ang araw araw ko. Sa mga nakakakilala talaga sakin alam nila na may pagka obse...

Dear Ate Charing...

Image
Daming ganap ng week na to sobra-sobra hindi ko malaman kung pano ko ba siya nalagpasan with grace charot! Anyhow mabuhay ang mga day off ang weekend dahil ang pahinga ay essential sa ating katawan at pagkatao. Pero bago ang lahat gusto ko lang balikan ang mga oras na naging ate charong tagapayo ako sa isa sa aking dating ka-team wag ko daw siya gagawan ng blog pero gorl your talking to me and you'll definitely be in my blog dahling char. Anyhow sinimulan niya sa pagsasabi na may chismis daw siya sakin at bilang caring akong tao (di pa inamin na chismosa sya) ay agad agad kong inilaan ang aking 100% na atensyon. Ang tanong is paano daw ba siya makaka-move on? Paano daw ba niya gagawin eh ngayon mas madalas na silang magkikita kasi nagkaroon sila ng common activity na required ang kanilang presence ang mas matindi pa is kasama daw ni Guy si GF. Although di niya naman daw napapansin si Girl pero parang unti unti na siya ulit nahuhulog kay Guy, masaya with a pinch of pain...