Samahang walang kapantay.

Ang pakikisama sa panahon na may epidemya ay mahalaga pero hindi ba mas maganda kung inaapply ang pakikisama sa lahat lalo na at kapag ito ang tinatawag ng sitwasyon?

Alam kong isa na akong lumang tao kung ikukumpara sa mga bagong sibol na mga indibiduwal sa panahon na ito pero sadyang nakakalungkot pala pagmasdan ang kinahinatnan ng pag-uugali ng mga nakababatang henerasyon. Nawala na ng tuluyan ang paggalang nila sa oras ng iba at ang respeto sa mga tao na iba ang hanapbuhay sa kanila. Sadyang hindi na ito nakakatuwa.

Kung ang haba ng pasensya ay nagiging rason para ito ay ikayaman ng isang tao ay talaga sigurong napakayaman ko na pero ang mga nagdaang araw ay talaga namang nanubok hindi lang ng aking pasensya kung hindi pati na ang hangganan ng aking pakikisama.

Nagkaroon ng bagong announcement sa buong bansa at ang ilang piling lalawigan ay inilagay sa GCQ ngunit ang aming kumpanya ay pinagpatuloy ang door to door na handog nila para sa mga ahente na patuloy na pumapasok sa trabaho. Isa itong magandang strategy para lalong maiwasan makakuha ng sakit sa pagbabyahe papasok. Madaming beses akong nagkaroon ng iba't ibang kasabay sa van at lahat sila ay sadyang handang mag adjust at sumunod sa oras na itinalaga ng driver pero tila espesyal yata ang linggong ito dahil espesyal din ang mga kasabay ko.

Para sa unang araw ng pagsundo sila ay naligaw at kaming lahat ay na-late dahil hindi pa alam ng driver ang mga bahay ng bawat isa ngunit sa ikalawang araw ako ang kanyang una daw na susunduin, nag adjust ako ng oras ng gising bilang nakakahiya sa aking mga makakasabay kung magiging dahilan ako ng abala alas - 3 palang ng hapon ako'y gumising at agad nag-ayos dahil susunduin daw ako ng alas - 4 ng hapon. Pagdating sa ikalawang bahay na aming susunduin napansin ko ang matagal na pagtigil ng van na hindi naman ganun ang dati kong nararanasan sa iba kong nakasabay nag antay kami ng humigit 30 minutos bago dumiting ang aming sinundo na ni pag hingi ng pasensya sa aming pag aantay ay wala akong narinig. Sa kasunod na sinundo ay nag-antay naman kami ng 10 hanggang 15 minuto at tulad din ng naunang sumakay wala din syang paghingi ng paumanhin para manlang malaman ang naging dahilan ng matagal naming paghinto.

Halos isang oras akong nag antay ng hindi gumagalaw ang van kung saan sila naman pala dapat ang uunahin sunduin dahil nanggagaling ang van sa lugar na sila ang unang madadaanan kaya napagdesisyunan na sila muna ang susunduin pero sila naman ang unang uuwi o ihahatid. 

Dumating na ang ikatlong araw at wala ni isa sa tatlong sinundo ng driver ang handa nadaw at nagbigay pa nga ng oras kung kelan gusto masundo hindi ko alam na personal driver pala namin si Kuya kawawa naman siya kaya sinabi ko na handa na ako at sige unahin nako sunduin ngunit pauwi ako ang unahin nya at sabay kinausap ko din ang iba na pumayag naman. Pagdating ng paghahatid naririnig ko na nais nalang daw nilang bumaba sa mas malapit dahil malayo pa ang sa amin (mabuti at alam niyo tapos gusto nyo ako unang sunduin at huling ihatid kahit kayo ang unang nadadaanan). Hinayaan ko lang sila.

Nagkaroon pa ng pagkakataon na muntikan na kaming mabangga dahil sa kagustuhan ng isa na sya ang unang ihatid at dahil nakalagpas na ang van sa kanto nila ay nais na pa ito pa-atrasin kahit na halos magkalapit na kanto lamang sila nung mauuna. 

Nakakadismayang isipin kung gaano ka-entitled ang mga kabataan sa panahon ngayon hindi marunong magbigay at walang pagpapahalaga sa oras ng iba hindi bat teenagers lang ang dapat ganyan? Dahil likas pa sa kanila ang pagiging makasarili? Bakit tila pati ang mga batang henerasyon na nagtatrabaho na ay ugaling bata padin? Or mas maganda siguro sabihing parang mga teenagers padin. Kinalimutan ang tamang paraan ng pakikisama sa trabaho at mga katrabaho. Sa mga araw na nagdaan natutunan ko ang huwag palagi magbigay lalong lalo na sa mga taong hindi marunong rumispeto sa oras na iba, mga taong hindi marunong gumalang sa mga nagtatrabaho ng marangal (tulad ni kuya driver na ginawa ng personal driver) at mga taong walang pagbibigay halaga sa effort ng kasama upang mag adjust. Ang mundong ito ay masyadong malaki para sa inyo, maraming tao dito at sa ayaw at sa gusto nyo dadating ang oras na kakailanganin ninyo sila pakisamahan wag ng antayin na makakuha pa muna ng kaaway, hindi sa convenience niyo umiikot ang mundo. 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?