Sanduguan
Sa mga nagdaan na araw tulad nga ng kwento ko sa blog ko nuong isang araw sobrang dami ng sabay sabay na nagaganap sa aking personal at professional life. Alam mo yung pinasok mo ng isang linggo pakiramdam mo isang buwan mo ng pasok ganoin cyst! Kaiba ang energy ng nagdaan na week na ito.
Dala nadin siguro ng hormones ko dahil sa aking menstruation parang naging sobrang emotional din talaga ako this week. Para sa mga kalalakihan siguro hirap talaga kayong intindihin kami sa mga panahong ito masasabi kong ang pagkakaroon siguro ng babae ng monthly period ang isa sa mga krisis na madalas pagdaanan ng mga kalalakihan wag kayo mag alala I see you at na-appreciate ko ang effort niyo na ma-survive ang kritikal na linggong ito LOL! at dahil dyan para sa inyo ang blog na ito.
Ano ano nga ba ang kailangan niyong maintindihan tungkol sa amin sa mga panahong parating na pulang dumadaloy at sumasagisag sa aming pagkababae.
Hindi naman sa ayaw namin magpahawak dahil umaarte lang kami pero bago kasi dumating si jun jun may mga parte kami ng katawan na sumasakit tapos baka gusto niyo pa kami manyakin eh may masakit na nga! This is the time to be at your most gentle self kung gusto mo din talaga maka-score charat! Pero hindi lahat ganon ah again case to case basis ito pero at least gets mo. Merong mga girl na nasakit ang dibdib sobra minsan nga akala ko lumalaki na siya kaya nasakit tapos imagination ko lang pala char! Take note wala pa kaming mens niyan ah padating palang meron naman nasakit ang balakang or nasakit ang ulo kaya please lang, be careful with our heart este body.
Ang mga babae ay palaging associated sa word na toyo diba kaya nauuso yung pictures ngayon na toyo tapos babae nag-fusion akala mo ba eh sila Goku at Vegeta point taken naman kasi minsan talaga mahirap kami intindihin mapapakamot ka nalang talaga pero let me unravel the mystery for you sa mga panahon na kami ay nagtotoyo sa hindi ninyo malaman laman na dahilan example sinabihan kang wag pupunta at dadalaw nung di ka pumunta galit na galit sayo parang gago lang diba eh hindi din namen maintindihan bakit kami ganon LOL kung asar kayo kami din basic science, hormones kasi yan tuwing may period kasi kami nagkakaroon ng pagbabago sa hormones namin na nagco-cause ng physical at siyempre emotional change kung nakinig kayo kay science teacher niyo nuong grade 5 I'm sure naituro duon si estrogen at progesterone. Kaya sa mga ganitong panahon ay talagang masusubok ang haba ng inyong pasensya, unsolicited advice kapag umiyak hayaan mo kung may pera ka naman at hindi kuripot bilhan mo pagkain preferably matamis para makapag produce ng happy hormones ang brain niya kaya wag mo na katamaran lumabas at bumili sa kanto ng ice cream kung para naman sa ikagagaang ng buhay mo.
We feel ugly before and during.
We feel ugly before and during.
Mapalad ka kung ang jowa mo ay palaging GGSS - SU (gandang ganda sa sarili - sarap upakan) pero para po sa aming mga mortal that is not the case before and during the period may reason din naman aside sa kargado na nga kami ng hormones, during this time kasi lumalabas ang tigyawat or parang nag-iiba yung balat namin sa mukha and unlike boys alam niyo naman siguro gaano kahalaga sa amin ang mag awra awra pak mowdeling tapos bigla may acne nakaw. Kaya kapag tinanong ka niya ng "baby do I look ugly? I don't feel pretty today, panget ko diba?" it's a trap! Wag na wag kang mag agree kahit pa tingin mo talaga is ampanget niya that day hindi ito ang tamang oras na maging honest unless gusto mong maramdaman ang kanyang wrath!
So ito na nga dumating nanaman ang araw na talaga namang ayaw na ayaw mo bukod sa alam mong di ka pupuntos ng ilang araw tapos ilang araw na siyang tinotoyo ngayon naman may masakit daw pero di mo naman malaman gagawin tapos sisigawan ka pa na parang kasalanan mo ha ha. Sa mga gantong panahon hayaan mo lang siyang mahanap ang spot na she will be most comfortable with kahit pa nakatuwad yan hayaan mo lang kung duon siya makakaramdam ng konting ginahawa. Bumili ng pang warm compress kung wala kayo nito kasi believe me may magic si warm compress bigyan mo siya. Offer her food kahit hindi niya tanggapin is an additional pogi points! Kapag sininghalan ka hayaan mo lang pasasaan bat pag nakalipas na mens nyan sweet na siya ulit sayo.
Sana nakatulong sa inyong mga boys ang blog na ito simplehan lang natin madame namang educational blogs na specific sa mga keme keme ng menstruation. Sa inyo naman mga ateng okay lang mag inarte during this time pero wag lang sobrahan unless sobrang sakit din naman. Pak!
Comments
Post a Comment