Finding Nemo

Sa dalawang magkasunod na araw ay naipadama sakin bigla ng mundo na ako ay buhay pa nga talaga umabot kasi ako sa punto na akala ko dumadaan nalang ako sa buhay at inaantay nalang na ito at matapos. Akala ko sapat na ang may goal ako ngayon ang nagkaroon na ng clarity sa kung ano ang gusto ko pero recently sa lahat ng kapalpakan na pinagdaanan ko hindi ko mapigilan na makaramdam ng konting kasiyahan siguro nagbalik lang yung pakiramdam ng may thrill. Diba may kasabihan na malalaman mo daw ang saya kapag nakaramdam ka ng lungkot o sakit sa case ko naman naramdaman kong buhay ako dahil sa mga pagpapahirap na naranasan ko LOL may pagka masukista lang dating ano?!.

Teka ano nga ba tong tinutukoy ko para maka-relate kayo hindi naman po ako na-torture ala fifty shades of grey I wish charat! Nagkaroon lang talaga ng pagbabago sa routine ko na sobrang hindi ko gusto pero dahil sa kanya parang naging mas masaya ang araw araw ko. Sa mga nakakakilala talaga sakin alam nila na may pagka obsessive compulsive ako pagdating sa mga gawain most especially sa schedule kaya nga it is either I am present or absent but I am never late yan ang pamantayan ko sa buhay kaya kapag hindi nasusunod ang schedule parang inis na inis ako.

Akala ko ang pagiging super agent namin ay sapat na para tawagin kaming flexible imagine on chat ka dalawa ka chat mo ma-swerte ka kapag biglang naging apat yan tapos pag close mo bigla kang papasukan ng calls pak! Talk about always being prepared sa kahit anong ibato sayo. So akala ko yun na yun but wait there's more! Disclaimer lang isinusulat ko ang blog na ito base sa aking personal na karanasan, naramdaman at mga nakita hindi ito para siraan ang aming kumanya pero kung tatamaan sila edi good charat! Anyhow dahil sa mga pinagdadaanan ngayon ng ating bansa issue sa pandemic, pagsasara ng isang network, rally, pagbagsak ng economy dahil sa quarantine madame na din talagang adjustment na naganap na makikita mo sa iba't ibang kumpanya. Meron ng mga naka work from home (buti pa sila) merong mga business na nag convert into online mga tao na imbes mag jeep naka bike na para maiwasan ang traffic at para sumunod sa social distancing. Katulad ng ibang kumpanya nagkaroon din ng adjustment ang kumpanya na pinagtatrabahuhan ko at dahil sa most recent na announcement ng MECQ ay napilitan ang aming kumpanya na maganunsyo ng door to door na paghatid at sundo sa amin at nagkataon naman na nakasabay ito ng pagtatapos ng kontrata ng mga bus na dati na sa aming naghahatid mula sa pick up point.

Day 1 ng aking adventure, tipikal akong tamad na ahente nuong araw kapag may opportunity na wag pumasok di ko talaga gagawin pero since I am a changed person at isa pati akong hampas dirt I went ahent at sumubok na pumasok kahit halos lahat ng team mate ko absent kasi wala pa confirmation paano kami makakauwi, pinagbabawalan na kasi muna ang mga public transportation para malimitahan ang lalabas para mapigil na once and for all ang virus. Paglabas ko palang ng subdivision ay andame na agad tao nagaabang pero wala namang sasakyan na nagsasakay sa kanila sumama pako sa dami ng bilang diba. Finally after almost 30 minutes nakasakay din ako kaya akala ko ay survived this is it! Pero totoo nga, wag bibilangin ang sisiw kung wala pang itlog; hindi pa nakakalayo nag announce na si Kuya Driver "wala naman hong patanza ano kasi ma-traffic" sa luob luob ko bakit magiging ma-traffic eh quarantine na nga mga tao, pagdating namin sa crossing duon ko nakita ang pila ng mga sasakyan na walang galawan ang traffic literal na bumper to bumper. Inabot ako ng halos 30 minutes sa usually ay 8 minutes travel time papunta sa pick up point na pagdating ko saktong alis ng bus. Gusto ko sya habulin pero wala iniwan na nya ko chareng! Kinailangan ko mag-antay ng more than 1 hour para dumating ang kasunod na bus, super late nako! pero wala magagawa i-adjust nalang daw ang time namin kasi di naman namin yon kasalanan. Dumating na ang bus finally! Mabait naman si Manong ang very apologetic, mas mganda din ang bus nila kesa sa naunang bus na sumusundo samin, sa sobrang ganda tulog na tulog ako buong byahe hindi ko na namalayan na 1 and 1/2 hour ang naging byahe namin dahil sa traffic ang sarap ng tulog ko diba? Para po sa aming mga bayaning puyat ang bawat oras na aming maitutulog ay mahalaga. 

Sa aking 7 pm shift dumating kami ng 9pm at katulad lang ulit ng routine ang dati naming ginawa hanggang sa maguwian na ng 4am, dito nanaman nagsimula ang kaguluhan. Paano nga ba uuwe? Sobrang linaw ng instructions basta bumaba hanapin yung coordinator ng malaman kung saan ka. So much for social distancing kagulo sa baba LOL. Di kami agad nakaalis kasi andmeng instructions kung saan ang droo off at duon daw makikita namin ang mahiwagang van na maghahatid sa amin. Yung dating 5am nasa bahay nako 6am na nasa byahe pa kami. Hanggang isa isa sa gc nagkakagulo na kasi walang van sa drop off, inay ku po! Kung ano ano na ang umiikot sa utak ko "maglalakad ba ko?" "ang layo ng amin?" "anong oras pa kaya ako makakauwe?". Imagine the stress and excitement, unlike other people na under duress ay nagwawala may tendency akong tumawa sa gitna ng kaguluhan.

Pagdating namin sa drop off area boom! Andun lahat ng van even yung van na assigned sa mga kawawang ahente na nagrereklamo na sa ibang gc. Obviously merong miscommunication sa vendor ng van at ng aming good company. Imagine kung naka work from home kami wala sanang hassle charat wag kana parinig wala makikinig LOL! Anyways sa tulad namin na maswerte nakauwi kami na hatid ng van. Pagdating ko ng bahay hindi ako makatulog dahil sa adrenaline kahit na bangag at pagod ako dahil sa stress sa unknown. All in all I would say na good experience padin sya for my part (again my part kasi di naman ako naglakad unlike ng iba) parang nagkaroon ng exciting sa buhay kong akala ko ay kinain na ng pagiging boring ng aking routine. Ito yung mga panahon at pagkakataon na masarap talaga magpasalamat kay God kasi buhay ka, napapagod, nagaalala, nalilito, natatawa, natatakot at kung ano ano pa.

Thoughts to ponder 💭 
Romans 15:13 May the God of hope fill you with all joy and peace in believing, so that by the power of the Holy Spirit you may abound in hope.

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.