Ang lamig parang siya!
Napag-bintangan ka naba ever? Sa sobrang nakakatawang mga coincidences ako masasabi kong oo pero hindi naman ako napagbintangang nagnanakaw or something napagbintangan lang akong galit sa isang tao base sa karanasan kong ito masasabi ko talaga na ang pagiging assumera ang magdadala sayo ng discomfort sa buhay.
Simulan natin ang kwento sa taong 2019 nuong covid free pa ang mundo at pwede pang maglandian ang tao charot! Social distancing muna tayo besh saka na ang harot. Nuong mga panahon na yan napunta ako sa iba't ibang Team Manager hindi pa siguro sure ang company kung saan ba nararapat ang ganda ko. Hanggang sa na-assign ako sa isang bagong TM. First impression ko sa kanya is mukha namang nice palagi siya nakangiti and mukha namang very much welcome sa mga feedback namin at sa kung paano niya kami ma-lead.
Bilang isa akong ahente na wala talaga madalas pakialam sa mga nagaganap at meron talaga akong sariling mundo kasama ang dalawa pang kasama ko na may mga sariling mundo din hindi namin namalayan na may namumuo na palang tensyon sa team hanggang sa naranasan na din namin siya first hand. Sa mga talagang nakakakilala sakin alam nila na grabe ang pagiging professional ko kasi kaya kong makipagsigawan sayo tungkol sa trabaho at sabayan ka padin mag lunch after, hindi ko yan sinasabi kasi nagmamalaki lang ako sinasabi ko yan kasi naranasan ko na sya, para sakin ang pagiging magkaibigan ay hiwalay sa pagiging magkatrabaho kung hindi man kita kaibigan at katabaho lang kita hindi kita aawayin personally dahil lang sa mga nagagawa mo sa work dapat alam natin na ang bawat isa may kanya kanyang goal sa work so kung sip sip man siya eh baka dahil gusto niya ma-promote pero hindi dapat natin i-judge agad ang taong ito as a whole. Haba ng explanation ko diba pero basta yun na yun. Going back nagkaroon ng mga issues sa team which is caused by how informations are being passed on and handled at katulad ng ibang grupo lahat ay mayroong kalayaan na magsabi ng saluobin umabot pa nga sa bangayan sa messanger eh pero with all their maturity naharap naman nila ang isa't isa ng may paggalang at respeto.
Habang nangyayari ang mga ito nagkaroon ako ng mga personal issues at ito na nga ang sobrang nakakatawa sa lahat ng ito dahil sa issue na ito between me and my co-agent umabot kami sa punto na kinailangan namin magusap, siyempre medyo pabulong kasi alangan namang ilantad namin sa buong team na nagkakaroon kami ng tampuhan at sakto namang dumaan at lalapit sana ang aming TM habang nagbubulungan kami. Sa nakakatawang insidente na yon na parang sobrang sariwa pa sa aking alaala ay mula nuon naging awkward na at talaga namang halos iwasan na ko ng aming TM so I think it's safe to assume na akala niya siya ang pinagbubulungan namen LOL. Hindi ko mapigilan na maawa at matawa tuwing halos masasalubong ko siya tapos hindi niya malaman kung paanong iwas ang gagawin, siguro akala niya sobrang sama ng luob ko sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko pabang i-correct ito o hayaan nalang kasi mahirap din naman mag assume dahil baka kaya pala siya naiwas siya ang galit isa din yang pwedeng scenario hindi ba? Madami pang eksena nuon na ewan ko ba kung sinasadya lang ng pagkakataon o talagang yun nalang talaga yun pero nangyayari pala talaga yun (ang gulo ko lang haha) anyhow ayaw ko nadin masyado elaborate kasi hindi din naman maganda na mahulaan ng mga kakilala ko kung sino ito char!
Mga bagay na natutunan ko dahil sa mga nangyaring ito :
"The quality of your life depends upon the quality of your thoughts" kung negative kang magisip sa isang tao negative din ang magiging feeling mo na feeling niya sayo and that negativity will ruin your supposedly good relationship with the person. Imbes na madagdagan ang friends mo sa mundong ibabaw mababawasan yan beshy kasi negative kang masyado. Chill lang.
Tulad nga ng sabi ko kanina ang royal rumble sa trabaho iniiwan sa trabaho, tandaan hindi ka binayaran ng kumpanya para 100% ng buhay mo ay igugol mo dito "life is short learn to take things lightly" there is life outside work i-enjoy mo din yun.
Hindi lahat ng bagay ay mako-control mo, isa na dito ang isip ng isang tao karapatan nilang pagisipan ka ng masama ang hindi lang nila karapatan ay ang siguraduhin pang malaman mo iyon LOL leave their thoughts to themselves and mind your own business ganyan talaga ang buhay hindi lahat magugustuhan ka yung iba manyak lang talaga charot!
May nagsabi sa akin nuon na ang pagiging professional daw means pagiging plastic well I beg to disagree para sakin ang pakitunguhan ng maayos ang taong katrabaho mo pero hindi mo gusto ay pagiging propesyunal pero kung aayain mo pa siyang makasabay mag lunch yun ay ang pagiging plastic mo na. Hindi mo kailangan maging bastos sa taong ayaw mo lalo na't ginagawa niyo lang naman ang inyong trabaho pero hindi mo na kailangan pilitin ang sarili mo makasama pa sya beyond work hours kung di mo naman talaga siya gusto kasama tama naman diba?
Thoughts to ponder ðŸ’
Romans 15:13 May the God of hope fill you with all joy and peace in believing, so that by the power of the Holy Spirit you may abound in hope.
Romans 15:13 May the God of hope fill you with all joy and peace in believing, so that by the power of the Holy Spirit you may abound in hope.
Comments
Post a Comment