Dear Ate Charing...

Daming ganap ng week na to sobra-sobra hindi ko malaman kung pano ko ba siya nalagpasan with grace charot! Anyhow mabuhay ang mga day off ang weekend dahil ang pahinga ay essential sa ating katawan at pagkatao.

Pero bago ang lahat gusto ko lang balikan ang mga oras na naging ate charong tagapayo ako sa isa sa aking dating ka-team wag ko daw siya gagawan ng blog pero gorl your talking to me and you'll definitely be in my blog dahling char. Anyhow sinimulan niya sa pagsasabi na may chismis daw siya sakin at bilang caring akong tao (di pa inamin na chismosa sya) ay agad agad kong inilaan ang aking 100% na atensyon.

Ang tanong is paano daw ba siya makaka-move on? Paano daw ba niya gagawin eh ngayon mas madalas na silang magkikita kasi nagkaroon sila ng common activity na required ang kanilang presence ang mas matindi pa is kasama daw ni Guy si GF. Although di niya naman daw napapansin si Girl pero parang unti unti na siya ulit nahuhulog kay Guy, masaya with a pinch of pain daw. 

Napapansin niyo naba ang trend? Tanungan ako ng mga pusong may pinagdadaanan siguro kailangan ko na mag charge next time LOL! Going back ang unang una kong sinabi sa kanya is natural lang na wag niya pansinin si Girl dahil wala naman sa kanya ginagawa si ateh. Kapag po tayo nagkakagusto sa lalake at di tayo nagustuhan wag natin apihin sa laet ang napili kasi hindi po nila kasalanan na nagwagi ang ganda nila sa atin. Masakit man aminin pero tulad nga ng sabi nila ay may nagwagi na.

Ang next na naging focus namin ay kung ano nga ba ang dapat gawin ng isang pusong nagta-try na makausad mula sa pagkaka-stuck nito. To be honest mahirap sagutin ang tanong na yan kasi iba iba ang personality ng bawat tao kaya iba iba din ang ating coping mechanism. Maaring para sa iba ang pagmumukmok ay isang epektibong paraan para mag reflect at pagkatapos ay makabangon muli, maari namang ang paglabas labas kasama ang kaibigan ang makapagpawala ng lungkot at hanggang tuluyan ka ng maka-move on. I strongly suggest na iwasan ang alak during this time, based on my personal experience nakakapagsisi ang physical results after believe me! 

Isa sa mga nagustuhan kong tanong niya ay "Bakit ba ganun nag-entertain naman ako ng iba pero siya padin e ng makita ko siya ulit" (siyempre hindi na yan verbatim nakatulog nako e). In my opinion maaring hindi nawawala ang attraction natin sa isang tao kasi ang pagkakagusto oh pagkakaroon ng chemistry ay hindi pinipilit kusa nalang ito nagaganap basta alam mo na sa taong yun kahit ano pa mangyari palagi may malisya, kaya nga even ex lovers maaring mawalan ng respect but the love will always be there hindi nalang siya sing intense ng feeling mo before most especially kung may iba ka ng mahal but that person will always hold a special place in your heart, kaya minsan valid din naman magselos si Misis sa ex charat?!

So paano nga ba mag move on? Para sakin aside sa time is distance, kasi nga as long as my chemistry kang nararamdaman o kahit pa biology yan eh walang mangyayari kasi once we set our eye on someone tapos hindi mo pa makuha kuha parang lalong ang hirap, sometimes we think that it is still love but all along it is just wanting to get what you so desperately want, so I feel it is best na magkaroon ng distance this will also give you an opportunity to meet new people pati and hopefully hindi nalang ikaw ang nakakaramdam ng chemistry dalawa na kayo. Although in her case medyo malabo kasi nga meron silang common na activity so we can go to option B. The Rebound. 

Sabi nila masama daw ang rebounds but for me it actually depends most especially kung aware naman ang person sa pinagdadaanan mo when you meet them wala namang taong mahirap mahalin lalo na't nagpapakita naman sila ng kabutihan at dibdib kung yun hilig mo charot!

P.S. 
For consultations may charge na po ako next time char!

Thoughts to ponder 💭

Philippians 3:14 
I run straight toward the goal to win the prize that God’s heavenly call offers in Christ Jesus.

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?