The Grinch of Fiesta

Social distancing sa panahon ng fiesta paano nga ba? Sa mga gantong panahon ko mas nakikita kung gaano katigas ang ulo ng mga Filipino isama nyo na dyan ang nanay ko LOL!

Covid lang yan Pinoy kame! Yan ang sigaw ng mga matatapang pero kapag nagkaroon na ng may sakit sa pamilya "tulungan nyo kami naging maingat naman kami pero bakit ganto" iyan at marami pang pag uugali at mga sinasabi ang sadyang kinaiinisan ko sa mga Pinoy wow makasalita kala mo hindi Filipino pero sa maniwala ka man o hindi kahit gaano kahirap, kagulo at sobrang nakakainis sa bansang to ay mas pinipili ko padin na dito manirahan at kung papalarin ay dito na tumanda magretiro at mamatay ganun ko kamahal ang bansang ito kasama na ang mga bulok na sistema at kaugalian, ganun naman daw talaga kapag nagmamahal diba? Pati mga pangit kailangan mo nadin mahalin at tiisin ngunit ang pagmamahal kong ito ay hindi bulag, dilat ang mga mata ko na nakikita ang mga pangit sa bansang ito at dahil dyan simulan natin sa mga nakakainis na kaugalian ng mga Pinoy tuwing may okasyon tutal fiesta naman ngayon para timely ang mga lista ko.

Paghahanda
Simulan natin sa paghahanda ng pagkain at inumin tutal lahat naman ng selebrasyon ay meron nito. Sadyang nakakatuwa ang hospitality ng mga Filipino lumaki akong naririnig na ito ang gustong gusto ng mga dayuhan sa ating bansa ang magiliw na pag estima natin sa ating mga bisita ay sadyang hindi matatawaran ito ay talaga namang ating dapat ipagmalaki ngunit ang paghahanda ng sobra na sa nakalaang budget ay isa sa sobrang kinaiinis ko (ako kasi si The Grinch ng Christmas at sa pagkakataong ito ay The Grinch ng Fiesta haha). Nakakainis isipin na makatapos ang isang araw na selebrasyon ay magsasabi ng hinanaing ng kawalan ng pera kinabukasan na minsan ay aabot pa sa matinding pagtitipid ng pamilya o pagbabayad dahil napilitang mangutang para sa nasabing p
selebrasyon, hindi ito tama! Gumastos ng naaayon sa kakayanan wag one day millionaire hindi mga bisita mo ang mahihirapan pagkatapos kung hindi ikaw, tigilan ang masamang kaugalian na ito maging wais sa pera na gagamitin sa paghahanda.

Pag-imbita
Ang pagiging pala kaibigan at masiyahin ng mga Filipino ang isa talaga sa mga kinagigiliwan ko sa bansang ito para bang hindi tayo isang bansa na naghihirap kung ngumiti at parang walang krimen sa paligid kung makipagkaibigan, likas na talaga satin ang palaging grupo grupo ngunit kaakibat ng magandang ugali na ito ang ugali nating magimbita ng mga bisita na higit pa sa kaya nating pakainin. Tulad nga ng sabi ko hindi ito tama! Ang tunay na kaibigan ay maiintindihan kung bakit hindi lahat ay pwede mo anyayahan, ang tunay na kaibigan ay hindi hihilingin na ikaw ay maghirap sa pagbabayad ng mga inutang mo para maipakain sa kanila. Hindi mo obligasyon na pakainin ang buong barangay enebe.

Pagbati
"Ang taba mo ngayon?"
"Kailan ka mag-aasawa?"
Sample lang yan ng mga hindi dapat sinasabi sa unang pagkikita. Kelan ba natin natutunan kalimutan ang salitang kumusta? Hindi ba't sa tanong na ito malalaman natin kung ano ang dapat at nais lamang ipaalam ng ating kaharap? Unang una hindi niya obligasyon sabihin kung bakit sya nadagdagan ng timbang hindi natin alam baka siya ay na-depress o under medications kaya ganyan, hindi ba't magiging awkward na naipaalala mo pa sa kanya ang isang malungkot na bagay sa masayang araw dapat na muli ninyong pagkikita? At bakit mo kailangan itanong kung kelan siya mag-aasawa? Obviously kung malapit na edi sana naka-post na ang save the date niya sa social media kaya bakit kailangan mo itanong? Ang pag-aasawa ay hindi natin masasabi ang eksaktong panahon lalo na kung wala pa naman talagang schedule ng kasal hindi ito tama! Wag maging insensitive. Baguhin natin ang pangit na kaugalian na ito at paltan natin ng mas maganda. "Kumusta kana? Ang tagal na nating di nagkita ano bang bago sayo?".

Wifi Password
Ang fiesta katulad ng ibang selebrasyon ay dapat na punong puno ng tawanan, kwentuhan at kantahan. Ganyan ang mga Pinoy. Minsan may kasamang alak para mas palong palo ang agawan nyo ng mic pero ang napapansin ko sa panahon ngayon pagdating na pagdating ng bisita ang unang sasabihin "ano wifi password niyo?" minsan ang sarap sabihin na "sana nag-stay ka nalang sa bahay niyo para maghapon kang mag wifi dumayo ka pa dito" oh diba activated si Grinch ng Fiesta. Alam kong digital age na tayo at madame na satin ang parang artista kung mag update ng mga ganap nila sa buhay pero nakakalimutan naba natin ang ating manners? Dapat naba talaga ibalik ang GMRC na subject? Kasi wala na tayong Good Manners? Bilang bisita ikaw ay makipagkwentuhan muna, kumain at makipagtawanan at kapag hindi kana maasikaso ng iyong host saka mo hingin ang password ng wifi nila kasi wala ka na talagang gagawin hindi yung kadadating mo palang cellphone mo din agad ang gusto mo intindihin ito ay pagpapakita ng kawalan ng interes sa iyong kaharap hindi ito tama! Kahit pa sabihin mong may tatawagan ka para mag update.

Eat and Run
Ang pagkakaroon ng intensyon na makapamiyesta sa maraming bahay ay tipikal ng kaugalian ng mga Pinoy nakalakhan ko na ito at talaga namang masaya ito gawin kasi mas nagkakaroon tayo ng pagkakataon na kumustahin ang lahat ng mga kaibigan natin na nakatira sa iisang bayan pero wag naman sana yung ni hindi manlang tayo nakipagkwentuhan sa may-ari ng bahay o nagpakita ng interes na kahit papaano ay magtagal ng konti sa  bahay na yon nakakatawa pero meron talaga akong naranasan nuon na literal pagkainom ng tubig o softdrinks ay magpapaalam na ano ne? Bakit ganyan? Wag naman po ganun.

Pabaon
"Balutin mo ako sa hiwaga ng iyong pagmamahal...charot"
Sa isang selebrasyon gaya nito naiintindihan ko na mayroon tayong persepsyon na ang naghanda ay handa ibig sabihin madame silang niluto para sa araw na ito pero hindi ibig sabihin nun lahat na ng putahe ng ulam ay magpapabalot ka kaloka! Kapag siguro yung mismong may bahay ang nag-abot hindi ito masama, mas offending pa nga kapag hindi mo tinanggap. Kung gabi na at kayo kayo nalang ang bisita upang maiwasan ang sayang magpapabaon talaga sila pero kung dumating ka ng umaga ay ating isipin na maaring madami pang bisita ang darating at kung hindi naman nagooffer ng pabalot ang may bahay ay wag na wag kang mag insist kasi hindi ka nila tatanggihan. Ang mga pinoy tulad nga ng sabi ko sa umpisa ay hospitable ngunit wag sana natin ito abusuhin. Umakto ng tama at naaayon sa pagkakataon. Hindi lang ito applicable sa mga bisita ngunit pati nadin sa mga host. 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?