Posts

Showing posts from April, 2020

Break na nga kami??

Image
Breaking up during quarantine is dangerous for your health, patnubay ng magulang ay kailangan char lang. Naranasan mo nabang makulong sa iisang kwarto kasama ang ex mo? Eh yung mag break kayo after a week na I-announce na maeextend pa ang enhanced community quarantine? Parang K-drama lang diba? Kung saan ang bidang babae at bidang lalake ay stuck sa bahay para meron silang enough time para mag pa-cute sa isat isa. Sobrang nakakakilig kung iisipin. Unfortunately that is not the case sa story na ito. Syempre sisimulan natin sa introduction ng character unahin na natin sa bidang babae tawagin natin syang "Jeca". Maganda, mabait, marunong magluto, prayer warrior, wife material at ang ultimate power o special nya kung sya man ay character sa mobile legends ay ang pagiging marupok. Magtungo naman tayo sa bidang lalake tawagin naman natin syang "Rian" para unique akala mo pangalan ng babae. Gwapo, tahimik, magaling sa computer, good provider at kung meron din

Real talk

Image
Simple guidelines para malabanan ang virus at maiwasan ang unplanned quarantine babies sa mga panahong ito. Step 1  Maligo  araw araw Tandaan mga kapatid ang enhanced community quarantine ay hindi dahilan para tayo ay maging marupok! Alam kong kailangan ng init para mamatay ang virus pero kung kayo na ang nag iinit eh ligo ligo din pag may time. Step 2 Maghugas ng kamay Sa panahon ng pandemic hindi bawat kalabit tayo agad ay aawit. Minsan tanungin ang sarili baka kaya makati ang kamay ay dahil kailangan ng hugasan kung walang alcohol siguro naman meron kayong sabon sa bahay pwedeng pwede din yan. Step 3 Social distancing Hindi lang ikaw ang kayang kumapit ng mahigpit sa jowa mo, ang virus ganun din 14 days nga syang clingy eh wag kanang dumagdag! Step 4 Stay at home 🏡 Manatili ka lang sa luob ng sarili mong bahay. Take note : "sariling bahay". Wag ng magpagala gala girl at baka after ng quarantine dalawa kana. Ang witty ko lang dyan diba? Laban lang kay

Harapin at tanggapin.

Image
Naramdaman mo naba minsan sa buhay mo na para bang may mali parang may kulang sayo yung ang sakit sakit lang yung alam mo na hindi ka buo, basag ka.  Ito ay para sayo.  Hindi ako eksperto at lalong hinding hindi din ako perpekto, ito ang approach na tinatawag kong tough love  💔  masakit pero totoo dahil "hindi bine-baby ang ex! pinapatay!" ( referencing  to an old commercial about an alcohol na maaring di mo na alam kasi millennial  ka) charowt lang. So ito na nga yon mga sis! 1. What do you feel?  Gaano ba kasakit?  Masakit ba talaga o baka naman akala mo lang?  Minsan sa sobrang dami ng nangyayari sa paligid hindi na natin nabibigyan ng importansya intindihin o alamin kung ano ba talaga ang nararamdaman natin, ang lungkot ay maaring magbalat kayo bilang galit habang ang saya naman ay lungkot o baka naman simpleng diarrhea lang yan. 2. Be responsible with your own feelings.  Wag mo pakialaman kung ano ang nararamdaman nya sayo o iniisip