Real talk

Simple guidelines para malabanan ang virus at maiwasan ang unplanned quarantine babies sa mga panahong ito.


Step 1 Maligo araw araw

Tandaan mga kapatid ang enhanced community quarantine ay hindi dahilan para tayo ay maging marupok! Alam kong kailangan ng init para mamatay ang virus pero kung kayo na ang nag iinit eh ligo ligo din pag may time.

Step 2 Maghugas ng kamay

Sa panahon ng pandemic hindi bawat kalabit tayo agad ay aawit. Minsan tanungin ang sarili baka kaya makati ang kamay ay dahil kailangan ng hugasan kung walang alcohol siguro naman meron kayong sabon sa bahay pwedeng pwede din yan.

Step 3 Social distancing

Hindi lang ikaw ang kayang kumapit ng mahigpit sa jowa mo, ang virus ganun din 14 days nga syang clingy eh wag kanang dumagdag!

Step 4 Stay at home ๐Ÿก

Manatili ka lang sa luob ng sarili mong bahay. Take note : "sariling bahay". Wag ng magpagala gala girl at baka after ng quarantine dalawa kana.

Ang witty ko lang dyan diba? Laban lang kaya natin to! Kidding aside sana po ay sundin natin hanggat kaya ang rules na ibinigay ng ating gobyerno para makatulong sa ating mga front liners ๐Ÿ™๐Ÿ˜‡. God bless us all! 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?