Harapin at tanggapin.
Naramdaman mo naba minsan sa buhay mo na para bang may mali parang may kulang sayo yung ang sakit sakit lang yung alam mo na hindi ka buo, basag ka.
Ito ay para sayo.
Hindi ako eksperto at lalong hinding hindi din ako perpekto, ito ang approach na tinatawag kong tough love 💔 masakit pero totoo dahil "hindi bine-baby ang ex! pinapatay!" (referencing to an old commercial about an alcohol na maaring di mo na alam kasi millennial ka) charowt lang. So ito na nga yon mga sis!
1. What do you feel?
Gaano ba kasakit?
Masakit ba talaga o baka naman akala mo lang?
Minsan sa sobrang dami ng nangyayari sa paligid hindi na natin nabibigyan ng importansya intindihin o alamin kung ano ba talaga ang nararamdaman natin, ang lungkot ay maaring magbalat kayo bilang galit habang ang saya naman ay lungkot o baka naman simpleng diarrhea lang yan.
2. Be responsible with your own feelings.
Wag mo pakialaman kung ano ang nararamdaman nya sayo o iniisip nya about you hindi mo trabahong pakialaman ang nararamdaman nya kung sarili mo ngang feelings hindi mo makontrol.
3. Empty words are senseless.
Sa mga ganitong pagkakataon walang saysay na mag rant about sa mga kasamaang nagawa nya sayo kasi at the end of the day kapag kinontak ka nya para makipag balikan alam mo sa sarili mo na papayag kadin agad kaya mas better na wag ka magsasalita ng mga bagay na maari mo ding kainin in the near future. Wag mo masyadong ipahalata na ampalaya ulam nyo kanina!
4. Love is not blind!
Hindi bulag ang pag-ibig kundi ang umiibig kaya girl wag mo nang bigyan pa ng kung ano anong explanation kung bakit ka nya niloko o kung bakit ayaw na nya sayo walang formula na maibibigay sayo para mahanap mo ang x sa equation na ito.
5. Ex na sya for a reason.
Kapag dumating na sa punto na di namana talaga sya nakipag balikan sayo. Wag kana magbigay ng kung ano ano pa ulit na dahilan para mapalapit sa kanya. Hindi kayo nag break dahil nagugustuhan mo pa ang mga ginagawa nya sayo so leave it that way.
6. Be strong.
Wag mo isipin kung ano man ang iisipin nya sayo bakit may magbabago ba? Again break na kayo eh ano kung hindi kana nya pansinin? Maging matapang kang harapin at tanggapin ang naging desisyon mo. Kaya mo yan girl!
lalim naman nito mam
ReplyDelete♡♡♡♡♡
ReplyDelete