Break na nga kami??

Breaking up during quarantine is dangerous for your health, patnubay ng magulang ay kailangan char lang.

Naranasan mo nabang makulong sa iisang kwarto kasama ang ex mo? Eh yung mag break kayo after a week na I-announce na maeextend pa ang enhanced community quarantine?

Parang K-drama lang diba? Kung saan ang bidang babae at bidang lalake ay stuck sa bahay para meron silang enough time para mag pa-cute sa isat isa. Sobrang nakakakilig kung iisipin. Unfortunately that is not the case sa story na ito.

Syempre sisimulan natin sa introduction ng character unahin na natin sa bidang babae tawagin natin syang "Jeca". Maganda, mabait, marunong magluto, prayer warrior, wife material at ang ultimate power o special nya kung sya man ay character sa mobile legends ay ang pagiging marupok.

Magtungo naman tayo sa bidang lalake tawagin naman natin syang "Rian" para unique akala mo pangalan ng babae. Gwapo, tahimik, magaling sa computer, good provider at kung meron din syang ulti o special power yun ay ang pagiging babaero.

They meet via dating app lakas maka millenials. Gamitin natin yung famous line ni Ms. Iza Calzado sa starting over again movie nya to sum it up.

"Ours began in a most unexciting way, as friends. Now, our love may be quiet and boring but it is sure. With the right amount of trust and love, and even an allowance for mistake."

Fast forward to March 17, 2020 kung saan nag start na officially ang enhanced community quarantine sa buong bansa. Sobrang sure ng love nila na naisipan nilang sa bahay na ni Rian mag stay until ma-lift ang quarantine.

It was a very exciting time for Jeca kasi first time nyang makakatira sa bahay ng kanyang boyfriend while for Rian na nagkaroon na ng live in partner before is a different story.

The first 3 days run smoothly, work from home si Rian while si Jeca naman ang nag aasikaso sa bahay. It was a dream come true since gusto nadin talaga ni Jeca magkaroon ng sariling family however on the 4th day palang ng pagsasama nila nagkaroon na agad ng trouble in paradise. Nag comment sa Facebook post ni Jeca ang isang babae at sinasabing boyfriend nya si Rian.

Nag usap sila ni Rian at sinabi nga nito na dalawa sila ouch! Pero syempre wala namang pahuhuli ng buhay so ang sabi ni boy kay girl is break nadaw sila ngayon ng babae na yun however girl instinct nya is to break up at yun ang sinunod ni Jeca. Akala niya goodbye and move on na ang peg nya pero hindi pala ganon kadali kasi pag labas niya ng bahay walang taxi 🚖 walang grab, pedicab o kahit anong sasakyan na maaring dumaan sa labas. To make the story short hindi na siya nakaalis.

Naging parang kanta lang ni Sarah G. ang eksena nila sa bahay "ikot ikot lang.." MOMOL (make out make out daw!) pag trip, cuddle pag may time at eme (censored) pag mainit ang panahon char alam mo na yun!

Ang kwentong ito ay hango sa totoong buhay medyo may mga binago lang ako for the privacy of the person who shared this with me. Oh! and by the way sinend ko ang draft nito sa kanya kaya aware sya sa magaganap basta at least nakuha nyo ang point of the story. Ang sabi ngayon ni Jeca okay lang naman daw gawin ang mga ginagawa nila from time to time kasi ang hirap naman daw kasi magkasama sila sa bahay. So this will be my honest opinion and unsolicited advice mula sa katikaterang di naman kasali sa relasyon nila.

1. Break. End. Finish.

Nag break kayo and it was a mutual decision walang pilitan na naganap, sa bawat period nga na makikita natin sa sentence natigil tayo magbasa sa paglalandian nyo pa?

2. Proximity

Hindi porke kasama niyo pa ang isa't isa sa bahay ay required padin kayong mag MOMOL kapag trip nyo ano yan parang facebook status "when boredom strikes!"

3. Vote Wisely

Kung sa panahon ng botohan tayo ay nag iisip nag iimbestiga at talagang inaalam ang katauhan ng kandedatong ating iboboto edi lalo na siguro sa possible candidate na makakasama natin forever.

4. This too shall pass

Ang enhanced community quarantine aking uulitin ay hindi dahilan para I-justify ang ating karupukan tandaan hindi ito pang habang buhay isipin nalang kung sa panahon ng paglaya ay marami kanang nagawa na maaring iyong pagsisihan looking back. 

5. A second chance
Sa positive side naman tayo para happy lang. Kung mahal niyo pa ang isa't isa bakit hindi nalang kayo magbalikan? Natatakot ka mareject? Eh mabuntis hindi? Kalurky ka ghorl! Hindi masamang magbigay ng chance sa taong talaga namang mahal mo wag mo lang gawing unlimited bad yun. Lahat ay maaring magkamali bilang tayo ay tao at lahat ay may karapatang magbago basta marunong tayo magpatawad walang impossible. 

Kayo ba kung kayo si Jeca anong gagawin nyo o maipapayo nyo sa kanya? Comment down below para masiguro nating mabasa nya. 😉

Comments

  1. Dear Jeca..

    Life is short..live your life the way you wanted it to..do whatever makes you happy...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?