Tell me who your friends and I'll tell you who you are


Yung nakatayo ka lang at nago-obserba sa iba't ibang uri ng grupo at tao ay talagang napakasarap gawin. Ang learnings talaga sa mundo hindi mauubos.

Isang araw habang nakatayo ako sa aming bay area near the exit door dahil atat kami lagi magsiuwi at agawan pa sa slot sa elevator ay napansin ko ang iba't ibang grupo na meron ang team namen. Sa may harapan ko ay ang grupo ng mga sosyal at parang unlimited ang kaban (sana all!) pinag uusapan ang pag-starbucks nila araw-araw, ang pagbili ng mga mamahaling aso na may breed at kung ano ano pang pagkakagastusan.

Habang sa gilid ko naman ay ang mga grupo ng mga naranasan ang lupit ng buhay, pinag-uusapan naman nila ang mga hinanaing at poblema nila sa pamilya at kung paano nila ito hinaharap araw-araw. Habang ang nasa may likod ko naman ay ang grupo ng mga freshies na sa sobrang fresh nila hindi na sila lumaki (charot kala mo naman ang tangkad ko lang LOL). Pinag uusapan naman nila ang plans nila after college, paano magka-jowa at kung ano ano pang pambatang usapan. Hays remembering the days na fresh pako feels!

At duon ko nalang napag isip isip bakit wala akong kausap? Charot ha ha. Bakit wala yata akong grupo na permanente na masasabi kong duon ako kasi ganon ako kahit kanino nakakasama ako na parang kaladkaring babae omeged! pero nothing permanent, wirdo ba ako? O sadyang hindi lang ako naka kahon sa iisang personalidad or pwede namang both.


Palaging sinasabi ng iba ang katagang "tell me who your friends and I'll tell you who you are" pero kahit kelan di ako naniwala na ito ay 100% true, partly siguro you are the same kasi nga nage-enjoy kayo magkakausap pero not 24 hours. May mga bagay na hinding hindi ka magiging komporme sa kaibigan mo lalo na kung kabit sya diba ha ha pero wala ka magagawa kasi kapag kaibigan mo mahal mo at andyan ka lang para sa kanya and that does not necessarily mean na magkapareho kayo agad ng ugali ang kaibigan ay mahal natin parang jowa lang yan, in all the sweetness of their heart and all the kawalanghiyaan tatanggapin natin kasi mahal natin sila. You might not have the exact same morals or values but a true friend is their for you kahit na binalahura ka na ng mundo. Sila ay tanggap ka!

At dahil natatanaw ko na ang company namin dahil may pasok ako ngayon ay kailangan ko ng tapusin ang blog na ito. Let this be a reminder to everyone na wag natin ikahon ang isang tao sa grupo na kanyang sinasamahan hangga't hindi pa talaga natin siya personal na nakakasama o nakakausap. Wag judger tse! 

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.