Mga ulap sa langit.


Ang ganda ng ulap sa araw na to sobrang fluffy parang ansarap yakapin. Habang tinitignan ko ang langit narealize ko kung gaano katagal na pala akong hindi nakakapag sulat. Ano na nga ba ang latest sa inyong lingkod? Ang babaeng madameng mema sa buhay LOL.

Recently naging sobrang busy ako dahil sa kaliwa't kanang obligasyon ko sa buhay na hindi ko na napapansin ang paglipas ng araw. Sobrang busy pero masaya, totoo pala ang sinasabi nila na kapag may pinaglalaanan kang bagay na gustong gusto mo kahit mahirap kahit nakakapagod gagawin mo at totoo din pala na kapag meron kang isang bagay na pinaghahandaan mas matututunan mong ma-appreciate at mahalin ang trabaho na nakakapag bigay sayo ng pera para makatulong maabot ang iyong pangarap.

Nuong kabataan ko palagi ako nakasandal sa aking magulang, isa akong mayabang na tao na para bang ang achievements nila ay sa akin din pero ibang klaseng yabang na ang meron ako ngayon. Gusto ko ng maipagmamayabang na masasabing sa akin talaga nagsimula dugot pawis kong naipundar hindi mabilis pero umuusad. Sa mga panahong ito masarap pasalamatan ang mga tao na hindi sumusuporta sayo at sa halip ay pinagiisipan ka ng masama dahil sa kanila ikaw ay lalong magpupursigi. Sa mundong ito wala kang pwedeng gawin na walang sasabihin ang ibang tao kaya mas maige padin na gawin mo ang paraan na gusto mo. Kaya para sa inyo na puro masasamang isipin lang ang meron sa akin salamat! At para naman sa mga taong andyan lang sumusuporta sa akin kahit sa maliliit na paraan na pag share ng aking post at page isang malaking virtual hug! Kayang kaya natin to.

Wala na ko masyado masabi kasi sobrang tahimik lang ng isip ko e. Excited kay 2021...peace out! 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.