Tell me who your friends and I'll tell you who you are
Yung nakatayo ka lang at nago-obserba sa iba't ibang uri ng grupo at tao ay talagang napakasarap gawin. Ang learnings talaga sa mundo hindi mauubos. Isang araw habang nakatayo ako sa aming bay area near the exit door dahil atat kami lagi magsiuwi at agawan pa sa slot sa elevator ay napansin ko ang iba't ibang grupo na meron ang team namen. Sa may harapan ko ay ang grupo ng mga sosyal at parang unlimited ang kaban (sana all!) pinag uusapan ang pag-starbucks nila araw-araw, ang pagbili ng mga mamahaling aso na may breed at kung ano ano pang pagkakagastusan. Habang sa gilid ko naman ay ang mga grupo ng mga naranasan ang lupit ng buhay, pinag-uusapan naman nila ang mga hinanaing at poblema nila sa pamilya at kung paano nila ito hinaharap araw-araw. Habang ang nasa may likod ko naman ay ang grupo ng mga freshies na sa sobrang fresh nila hindi na sila lumaki (charot kala mo naman ang tangkad ko lang LOL) . Pinag uusapan naman nila ang plans nila after college, paano magka-jowa at k