Hari ng Sablay
"I hope it doesn't get worse than this" yan nalang ang masasabi mo sa mga panahon na hindi lang sinusubok ang iyong pasensya kundi pati nadin ata ang iyong swerte.
Naniniwala akong may mga araw talaga na parang sablay, yung pakiramdam mo parang lahat hindi naaayon sa plano mo, kahit gaano kasimple sumasablay lang talaga "malas!" ika nga. Pero ang week na ito sobrang pinatunayan sakin na minsan ang hamon ng buhay ay matindi. Hindi ko malaman kung inulan lang ba ako ng malas, may nangungulam naba sakin or what?!
Simulan natin sa Monday shift ko kung saan ang unang dagok ay ng malaman ko na magkaibang floor kami ng papasukan ng aking close friend at tanging ako lang ang nalipat sa team na mapupuntahan ko so meaning wala akong kakilala ni isa sa kanila pero bilang propesyunal wala ka magagawa kung hindi sumunod nalang. Pagpunta ko sa pick up point ay sadyang napaka aga ko palang dumating siguro kasi first time ko maging pang umaga at hindi ko pa talaga alam kung paano ang byahe sabi ko sa sarili ko "wow! Swerte makakapili ng upuan na maayos" at tulad ng dati matapos mapuno ang bus kami ay umalis na. Pagdating namen sa toll gate nagkamali ng pasok si Manong sa class 1 sya napalinya. Present agad ang mga kapulisan para siya ay bigyan ng ticket at si Manong lumalaban pa ending ticket padin naman samakatwid 30 minutes sila duong nagpapaliwanagan. Ending super late. Hindi ako nalelate sa trabaho kaya pakiramdam ko magkakasakit ako sa nangyari. Pagdating sa production wala akong kilalang TM and worse wala ng station available ending napapwesto ako sa malayo sa team at sa nagiisa lang ako huh what a day!
Day 2 : Syempre siguro hindi talaga pwede na walang pasabog si Manong so ng makaalis na kami meron daw naiwan at gusto pa na balikan namin. Habang kami ay pabalik na nasira ang break ng bus at kinailangan namin lumipat sa ibang bus. Ending late.
Day 3 : Syempre it's a new day for a new pasabog, nahuli nanaman si Manong ng mga pulis kasi illegal parking daw siya at gaya nung unang huli nagtagal sila tapos meron pang isang late nanaman dumating at nagpaantay. Ending late.
Day 4 : Sa araw na ito masasabi kong isa na akong pro sa pagiging late at sa pag expect ng kung ano mang ganap nanaman para sa araw na ito, tipo bang "okay bring it on ano ba ang meron ngayon?" at siyempre hindi naman ako binigo ni Manong. Nagkamali siya ng pasok at imbes makaliko para sa Moa ang diretso nakarating kami ng Sucat, yung tipo bang napapikit ka lang pag mulat ng mata mo "Welcome to Sucat!" at masasabi mo nalang sa sarili mo "anong nangyari? Napalipat ba ako ng bus? Late naba ako nagising at bumabyahe na si Manong papunta ng Parañaque?". Ending super late!
Day 5 : Dumating ako ng 30 minutes early nalang kasi meron nakong expectation na malelate padin kami pero may pasabog si Manong at hindi kami na-late 30 minutes before shift andun na kami so wow! Ito na ba ang makapagsasabi na tapos na ang series of malas ko this week? Pero hindi talaga ako nakaligtas para bang sabi siguro "but wait there is more!" bigla akong na-add sa bagong GC sa bago ko daw na team at tapos ang aking schedule ay 2pm to 11pm wow! Rape hours ang uwi. So dadating pala ako samin ng 1am or 1:30 yun ay kung may masasakyan pa kasi curfew kami 9pm wala ng sasakyan. Kaiba hindi ba? Yung nanginginig ka sa inis pero wala ka magawa kasi napaka inconsiderate pa sumagot ng TM mo wala manlang pa-emphaty pampalubag luob.
Ang week na to ang parang umubos ng supposedly mage-gain kong energy kasi naging pang umaga ako pero ngayon ko din ulit na-realize na adaptable to changes pa pala ako. I always say kasi na masyado na akong matanda to adapt quickly pero iba pala kapag hinamon talaga ng buhay ang tapang mo, natututo kang lumaban pabalik.
Kayo kumusta naman ang week nyo? Naranasan niyo nabang pagsakluban ng malas tulad ko? Share your thoughts and experiences sama sama tayong mabwisit at matawa sa mga ganap natin sa buhay. Xoxo.
Comments
Post a Comment